RHIANON POV
"Sa ngalan ng ama, ng anak, espiritu sant—Lord!" Hindi ko na natapos ang pagdarasal ko ng biglang napahiyaw ako ng malakas dahil sa putok ng baril sa kotse ni Troy.
Kasalukuyan kaming pinaghahabol at pinagbabaril ng mga armadong lalaki.
Kanina matapos ang malakas na pagsabog sa hindi inaasahan ay tinulungan ako ng magkapatid na makatakas. Binaril ni Palmer sa binti ang mga tauhan ng daddy niya samantalang si Pamela naman ang nagtanggal sa pagkagapos sa 'kin.
Ganito kasi yun...
"Tumakas ka na Rhianon habang wala pa si Lambert." Takang napatingin ako kay Palmer habang naka-posisyon ito sa may pinto, nagbabantay na baka may dumating.
Lambert pala pangalan ng daddy niya at hindi niya ito tinawag na daddy.
Sunod kong tiningnan si Pamela, nakatayo ito habang kinakasa ang baril na puno ng galit at pagkasuklam. Nagsimula ito ng may nabasa siya sa kung ano galing sa kanyang cellphone. Agad itong napatingin sa gawi ko. Binigyan niya lang ako ng isang ngiti. Ngiting hindi plastik at mas lalong hindi nakakainis. Anong nangyari dito? Napamaang ako sa inasta niya. Anyare? End of the World na ba?
Dali-dali akong lumapit sa kanya at kinapa ang kanyang noo na mabilis niya naman iwinaksi.
"What the hell were you doing!"
"Wala naman chineck ko lang baka may lagnat ka." Napangiwi naman ito sa sinabi ko.
"Nandito na ang mga tauhan ni Lambert!" Imporma ni Palmer at mabilis na nagpaputok sa labas.
"Pamela sa exit kayo dumaan ni Rhianon!" Nakipagpalitan parin ito ng putok samantalang naiwan akong nakatulala parang tuod sa nangyayari. Hanep, para akong nasa isang pelikula at ako ang bida—charaught bago pa kung saan umabot ang imagination ko mabilis na akong hinila sa isang pintuan ng silid. Para akong tanga sa nangyayari, sana binigyan man lang nila ako ng script.
Hila-hila lang ako ni Pamela habang patakbong binaybay namin ang isang madilim na pasilyo.
Napahiyaw ako nang biglang may sumulpot na dalawang armadong lalaki at mabilis na nakipagpalitan siya ng putok sa mga ito. Ang astig niya, kailan kaya siya natutong gumamit ng baril?
Tahimik lang ako habang nilalagyan ng bala ang kanyang baril. Akmang liliko na kami sa isang pasilyo nang may dumating na naman na armadong lalaki at natamaan si Pamela sa balikat. Dulot ng pagkataranta na baka ako ang mabaril agad kong kinuha ang baril na hawak niya at walang pakundangan na makalabit ito. Mabuti na lang sa dami ng pinutok ko may nakatama, tsamba pa. Gusto kong maiyak dahil wala ng bala ito.
Mabilis kong nilapitan si Pamela at inalalayan sa isang tagong parte. Pinunit ko ang laylayan ng damit ko at itinali sa balikat n'ya pansamantala. Sa ukay-ukay ko lang naman ito at nabili. Nakakahiya naman kung damit niya na mukhang ilang libo ang halaga.
Pagod na pagod akong sumandal sa pader katabi ng kanya.
"How ironic right? Ang taong sinunod at kumo-kontrol ng buhay ko ay hindi ko pala ka-dugo. Lahat ng gusto niya pinagbigyan ko even on trying to get Troy. Yes, Troy is damn attractive but I have boyfriend and I love him. I choose to follow my so called father for owing him the life he gave. We broke up and let my father fulfill his plans against Vallez and Buenavista thinking that he might give me freedom after taking the power and wealth that he wanted. But, I and kuya Palmer are wrong. He used us for his own advantage not ours." Basag n'ya sa katahimikan.
Hindi ako kumibo dahil kung magulo ang sa kanya mas maraming tanong ang sa pagkatao ko. Isa pa, hindi ko naman alam ang sasabihin ko kaya no comment na lang. Walanjo baka mamatay na lang ako dito na walang sagot, 'wag naman sana dahil kahit gaano pa kasakit at ka-importante ang katotohanang iyon ay tatanggapin ko. Nangyari na ang nangyari kahit anong gawin ko hindi na mababago pa.
![](https://img.wattpad.com/cover/226500597-288-k297362.jpg)
BINABASA MO ANG
TriaLove Encounter [COMPLETED]
RomanceC O M E D Y - R O M A N C E "Ako ang may raket sa buhay mo pero ikaw ang nakakuha ng interes sa puso ko."-Rhia Raketera ~~~ Sa raket lang umiikot ang mundo niya. Ang magbenta ng kung ano-anu at mag-part time sa kahit saang establishments. Kulang na...