Chapter 9

1K 89 7
                                    

RHIANON

MAGKAHARAP kami ngayon ng Troy the Hambog na 'to sa isang coffee shop malapit sa City Hall. Kung iniisip niyong tumakas ako, nope break time ngayon.



Walang nagsasalita sa amin. Tinitigan lang ako nito na parang napakalaki ng kasalanan na ginawa ko sa kanya. Sa titig pa lang niya parang hinahatulan na ako ng kamatayan.




"So you planned all of this?" basag niya sa katahimikan. Nagtataka ko siyang tiningnan.




"Ano ang ibig mong sabihin?" Plano? Anong plano?






"The car incident, coffee shop, sensation club and in Civil Affairs." Unti-unting luminaw sa isip ko ang ibig niyang sabihin.






"Hoy ni sa bangungot hindi ko pinangarap na makita ka at saka hindi ko pinangarap na magkanda-litse litse ang buhay ko dahil sayo." Ang kapal naman ng mukha nitong iniisip na plinano ko lahat.





"About that marriage deal? You should thank me because I saved you. Kasalanan ko bang narinig ko kayong nag-uusap ng personal driver mo na hindi makarating ang babaeng gagamitin mo and you want that marriage contract at an instant at nagkataong nando'n ako. Mind you that was supposed to be my first day in Civil Affairs as a part-timer since I lost my  two jobs because of you, " I stopped hinihingal ako sa english ko eh.




"And one more thing Mr. Buenavista don't act as if ikaw ang lugi. Pareho tayong may makukuha dito, you will pay me and you can have those things you desired to be. Business is business Mr. Buenavista no personal attach." Nakita ko naman na natigilan ito.





Ang pinaka-ayoko sa lahat ang iparatang sa akin ang mga bagay na hindi ko ginawa.




Why people easily jump into conclusions without knowing the whole reasons? Judgemental 'di naman judger.




Inininom ko naman ang kapeng inorder ko kanina. Sayang eh malapit ng lumamig at siyempre siya ang magbabayad nito.





Tiningnan ko ulit siya. Tinitigan lang ako ng bruho na parang pinag-aralan bawat detalye ng pagkatao ko.



Natubuan naman ako ng pagkailang. Sino ba naman ang hindi mailang kung ganito kagwapong nilalang ang tumitig sa'yo. Yuckkk pinuri ko ba talaga ang lalaking 'to?





Tumikhim ako mukhang walang balak lubayan ang mukha sa  nakakapaso nitong titig.




"Here." Inabot ko sa kanya ang isang folder.



"What's that?"




"Ano sa tingin mo? Folder malamang."
May pagkatanga rin pala 'to.




"I mean anong laman niyan?" tanong niya ng may bahid na pagka-inis. Inabot niya naman agad. Dapat lang kanina pa nangangalay kamay ko.




"Ba't hindi mo buksan ng malaman mo?" Wala ba 'tong common sense puro tanong na lang.





Malalim na buntong hininga ang kanyang pinakawalan at agad binuksan ang folder.




"Five-hundred thousand pesos?!" sigaw niya.  Shock na shock ah.




"Paulit-ulit? Bulag ka ba? Hindi mo ba nakita na nakalagay diyan sa terms and conditions na ginawa ko?" Tinignan niya lang ako ng napakatalim. Mukhang kanina pa ito nagpipigil na sakalin ako.





"At ano naman itong kojic, diet pills, lotion, shampoo at kung ano-anu na nakalagay sa baba?"





"I didn't remember na may utang pala ako sayong Php20, 000?" Inis na inis na talaga siya sa totoo lang.





Kanina pa ako naiirita sa mokong na 'to kung makaasta akala mo talaga ako ang may pakasalan. Kung hindi ko lang talaga kailangan ng pera, kanina ko pa 'to nabigwasan. Hindi man lang nag-thank you sa pagligtas ko sa mamanahin niya.





"'Yan lang naman ang nasira mong produkto na ibebenta ko sana ng muntik na akong mabangga ng kotse mo. At 'yang Php 20, 000 bayad 'yan sa  pagkatanggal ko sa dalawa kong raket DAHIL SAYO, " paliwanag ko.





"Unbelievable." Napahilot ito sa sentido.





"OA lang? Hoy lalaki kung tutuusin wala 'yan sa kalingkingan ng mamanahin mo kaya 'wag kang umasta na luging lugi ka. At saka good for 1 year na 'yan ang serbisyo ko sayo total may annulment naman." Paliwanag ko.







"Serbisyo? Isang taon na serbisyo?" May kumurbang ngiti sa labi niya. Oh no hindi ko gusto ang ngiti na 'yan.





"O-oo naman kung saan mo ako kailangan tulad na lang pag-dadalaw tayo sa lolo mo ba 'yun. Basta kung saan kailangan ng pagiging asawa ko kuno sayo." Juskooo mukhang mapasubo ako dito.






"But grandpa does believe that couple should live under one roof." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Nakangiti ito na parang may binabalak.





"P-pero nagpa-panggap l-lang n-naman tayo d-diba?" Nauutal na ako, ghaad bakit ba hindi ko naisip yun.






"Sa tingin mo ba ibibigay niya agad lahat ng mamanahin ko sa oras na makita niya ang marriage contract?"



Napalunok ako.



"S-so ibig sabihin titira tayo sa iisang bubong?" Tumango siya.





Napahilamos ako sa mukha. Ano ba 'tong pinasok ko? Ano na lang ang sasabihin ng pamilya ko? Wala nga akong nobyo pero may asawa naman.





Bago ko pa bawiin lahat ng kagagahan na ginawa ko napirmahan na niya ito.




"Deal, " pinal niya ng nakangiti.



Ang pinakamasaklap kanina pa ako nakapirma.



"Play well my dear wife. Please me as long as you could." Nanindig lahat ng balahibo ko sa katawan ng bumulong siya sa akin bago ako iniwan sa coffee shop ng nakatulala.





Bakit ba hindi ko 'to naisip kanina!

TriaLove Encounter [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon