Chapter 28

964 54 1
                                    

RHIANON

"A-ate." Kabadong usal ng mahadera kong kapatid. Nakapameywang akong lumapit sa kanila.

"What's the meaning of this?!" Oha english 'yan, ibig sabihin galit ako. Napatigalgal naman ito sa kanyang kinatatayuan.



"A-ate let me explain." Pagmamakaawa nito at agad inagap ang kamay ko. Pero iwinaksi ko lang, agad dumapo kamay ko sa kanyang pisngi. Yeah sinampal ko siya.




"How dare you! I almost give up everything for the sake of this family and now here you are, f-flirting with someone. Dating to be exact! Anaaa naman you should restrain yourself for doing these things. Don't let your emotions surpass the willingness of your brain! You can get nothing but pain in the end! Trust me." Don't me, galit ako at hala ume-english na talaga ang okray ko.






"Ate Rhia it's not her, it's me." Tiningnan ko ng matalim ang sa tingin ko ay si Christian. Aba may pa 'it's not her, it's me' anong drama 'yan at nakiki-ate na rin? Akmang magsasalita na ako ng english nang biglang may pumalakpak.





"Bravo bravo, grabe ang taray ng linyahan niyo ha. English." May patalon-talon pa si Liza, halatang tuwang-tuwa. Ngumiti ako sa kanya ng napakalaki.






"Ano pasado ba? Pang-hollywood na ba ang acting skills ko?" Excited kong tanong sa kanya. Aba prinaktis ko 'yun dapat lang 10 out of 10 ang rating ko diyan. Pang Vilma Santos ft Nora Aunor kaya ang emosyon ko. Dali-dali naman itong lumapit sa akin at dinambaan ako ng yakap.






"Waaaahhh prendddd na missss kittttaaaaa. Hindi mo man lang ako kinontak gaga ka!" Langya hindi ako makahinga, ganito ba 'to kung maka-miss. Nakakawala ng oxygen. Pwersahan kong inalis ang yakap niyang parang linta.





"Te-teka nga, baka hindi ako makahinga. Mamatay man lang akong walang anak. Aba'y di pwede 'yun."







"Prend jowa muna hanapin mo hindi anak." Hindi prend, asawa? Check na check at pak na pak pa ang dating. Inis akong lumingon sa dalawa na parang mga pipi dahil hindi nagsasalita. Gusto kong humagalpak nang makita ang kanilang reaksiyon. Kapwa nanlalaki ang mga mata at hindi alam kung ano ang sasabihin at gagawin. Ni hindi na nga nila magawang kumilos.







"Ana ba't ang ingay diyan? Sino ba ang kasama niyo d'yan ni Liza?" Si nanay.





"Maghanda ka ng 5, 000 words na paliwanag. Mag-uusap pa tayo." Madiin kong sabi sa kapatid kong naging rebulto na sa kinatatayuan.






"At ikaw." Turo ko kay ulupong Christian.






"Taray ng linyahan mo kanina ah, prepare 10, 000 words of speech nang mahatulan." 'Yon lang at nagwalk-out patungo sa silid ni nanay.






Pagkarating ko sa loob ng silid, nanlumo ako sa nasaksihan. Napakalaki ng pinagbago ni nanay, pansin kong numinipis na ang kanyang buhok at ang pamumutla ng kanyang balat. Hindi ko mapigilan umiyak nang makita niya ako at yakapin ng mahigpit. Kung hindi lang kailangan ako na sana ang nag-alaga sa kanya.





"Ano ka ba naman bata ka, kung makahagulhol daig ko pang pinaglamayan." Mas lalo akong napaiyak dahil ayaw kong umabot sa gano'n. Masakit makitang unti-unting nauubos ang lakas niya. Kung may share it lang sana ang sakit matagal na akong nagpapasa. Sabagay wala ngang bluetooth, share it pa kaya.






"N-nay naman walang ganyanan h-hindi ko kaya." Pinanusan ko ang mukha ko. "Sige ka baka mamaya ipagawa na kita ng lapida." Ayun nabatukan ako ng wala sa oras. Kinamusta ko lang ang lagay niya at kung meron pa ba siyang suplay ng gamot.





TriaLove Encounter [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon