RHIANON
"OH WAG mong sabihin na natanggal ka na naman sa raket mo, " bungad na naman ni tatay ng makita ako sa bakuran. Bihis na bihis ito marahil galing ito sa pamasada at pupunta ito ngayon sa hospital para palitan si Ana sa pagbabantay kay nanay.
"Pagod lang ako tay, " walang gana kong tugon.
"O siya sige aalis muna ako at nang mapalitan ko si Ana sa pagbabantay sa nanay mo."
"Sige tay."
Dumiretso agad ako sa loob at nanlumong umupo sa sofa. Hindi parin mawala sa isip ko ang kalokohang ginawa ko. Ang nasa isip ko lang kasi noon na pagkatapos pirmihan ang litseng marriage contract na 'yun ay magkakaroon agad ako ng pera para pampagamot kay nanay.
Ano na ang gagawin ko? Ni minsan hindi sumagi sa isip ko na magkaroon ng boyfriend. Pero dahil sa padalos dalos na desisyon ko, sa isang iglap nagkaroon na ako ng asawa. At sa walanghiyang lalaking 'yun pa.
Paano ko 'to sasabihin kila tatay? Baka matuluyan si nanay pag-nalaman 'to. Jusko bakit ba kasi hindi ako nag-iisip? Hindi ko na alam kung saan ako hahanap ng kasagutan sa mga iniisip ko ngayon.
Napapitlag ako sa kinauupuan ng biglang tumunog ang phone ko.
From: unknown
You can pack up now your stuffs Raphael will fetch you tommorow.
Muntik ko ng mabitiwan ang cellphone ko nang mabasa ko ang mensahe.
Kahit hindi naka-registered ang number alam na alam ko kung sino ang nagtext. Paano niya nalaman ang numero ko? Tsss he's not Troy Buenavista for nothing.To: unknown
Agad agad? Nagmamadali? Pede ba sa susunod na araw na lang? Kailangan ko pang magpaalam.
Agad kong pinindot ang send button at napabuntong hininga na lang. Kailangan ko talagang gumawa palusot. Pero anong palusot ang sasabihin ko? Na may trabaho na naman ako? Ano na naman klaseng trabaho?
Bigla naman tumunog ulit ang phone ko.
From:unknown
NO!
Langyang lalaking 'yun pati ba naman sa text masama ang ugali. Wala man lang konsiderasyon. Isinave ko muna ang numero ng lalaking 'yun as "Troy Hambog" bago ako tumayo patungong kusina, nakakagutom mag-isip ng palusot.
"OIE ATE hindi maubos 'yang kanin kung titigan mo ang." Napaayos naman ako ng upo ng marinig ko ang boses ni Ana.
"Nakarating ka na pala."
"Obvious ba." Paismid nitong saad at agad umupo sa bakanteng upuan habang hinalungkat na naman ang kanyang cellphone.
"Si nanay kamusta?" tanong ko. Agad naman nagbago ang ekspresyon ng mukha niya. May mali.
"'Yun nga ate, mas lalong lumalala ang kondisyon ni nanay. Ang sabi ng doktor kailangan natin ng malaking halaga para sa chemotherapy niya."
Napabuntong hininga ako. Wala na akong pagpipilian pa. Bahala na.
TROY
From: Babaeng Amazona
Agad agad? Nagmamadali? Pede ba sa susunod na araw na lang? Kailangan ko pang magpaalam.
I smirked on what she replied and I composed my reply immediately. She can't oppose my will.
To: Babaeng Amazona
No!
She didn't even bothered to ask where I got her number. That's absurd. Well it won't still change the fact that I'm not Troy Buenavista for nothing. I have my ways.
I still can't believe that Amazona girl offered herself as my bride in exchange of money knowing how she loathed my guts. She even included those non sense stuff as my debt. Unbelievable. Probably she's in extreme need of money. On the other hand, she still owe me one--she punched me for christ's sake!
My decision a while ago was unplanned. I never intend to marry someone living under the same roof. I was just carried away and wanted to teased her. But after seeing her reaction pffftttt priceless. I truly exerted an effort to suppress my laughter hahaha a fortiori when I whispered those words before leaving her dumbfounded.
Well I guess that would be blessing in disguise, knowing how grandpa thinks. He won't let me have those things like slicing a piece of cake.
This would be interesting perhaps. Can't wait to see you again Amazona girl.
BINABASA MO ANG
TriaLove Encounter [COMPLETED]
RomanceC O M E D Y - R O M A N C E "Ako ang may raket sa buhay mo pero ikaw ang nakakuha ng interes sa puso ko."-Rhia Raketera ~~~ Sa raket lang umiikot ang mundo niya. Ang magbenta ng kung ano-anu at mag-part time sa kahit saang establishments. Kulang na...