RHIANON
Magkaharap kami ngayon lahat sa sala. Magkatabi kami ni Troy habang kaharap namin sina tatay, Ana, Christian at Liza.
Kung kanina si Ana ang nasa hotseat mukhang ako naman ang mapasubo ngayon. Walanjo ka Troy ikaw talaga ang una kong babalatan pag-mabuko ako.
Yumuko lang ako dahil hindi ko magawang salubungin ang nanunuri nilang tingin. Idagdag mo pang parang hinahabol ako ng sangkaterbang aso sa lakas ng kabog ng dibdib ko.
Maya-maya pa tumikhim si Liza kaya napaangat ako. Ang walang hiyaaaaaaaaaa hindi sa akin nakatingin ang bruha kundi kay Troy na walang pakialam. Kulang nalang may lumabas na puso sa kanyang mga mata at talagang kumukurap tapos ngingiti. Parang sinaniban talaga ng kalandian ang bruha na kahit anong exorcism hindi tatalab. Kung hindi ko lang talaga 'to kilala baka iisipin kong magkukumahog siyang ialok ang sarili sa kasama ko ngayon. Dahil kilala ko siya, 'yon din ang iniisip ko.
Si Ana naman ang sunod kong tiningnan. Ayon kung makatitig parang hindi katabi ang boyfriend, bahagya pang naka-awang ang mga labi nito. Gulat na gulat? Talagang makikita mo sa kanyang reaksyon na hindi niya akalaing may nakaharap siyang gano'n nilalang, na nasa wattpad lang nababasa. Langya normal pa ba ang mga reaksiyon ng mga ito? Nakuuuuu lalo na si Liza talagang nakakatakot kung tumitig parang ginagahasa na si Troy. Jusmiyo titig na nang huhubad.
Si tatay naman nakakunot ang noo, malalim ang iniisip. B-baka iniisip niya kung paano ko inakit si Troy? 'Wag naman sana. Si Christian nakatingin lang din ito at hindi alam ang nagyayari.
"Sino siya anak? Nobyo mo ba? Kaya ba siya nandito dahil mamanhikan na? Nabuntis ka ba niya? Nasaan ang pamilya mo iho nang mapag-usapan ang kasal." Gusto kong lumubog sa kahihiyan dahil sa sinabi ni tatay habang rinig na rinig ko ang mahinang tawa ng diablo. Parang pinparating niya kung saan ako nagmana.
Tiningnan ko si tatay para sabihin siya ang boss ko. "Yes sir she's my wife and we're married already, " sabay agap sa kamay ko. Ano?!
Nakaawang ang labi ng lahat na parang isang bombang pasabog ang nangyari sa kanilang harapan ngayon. Inis kong nilingon si Troy utang na labas lord bawian mo na ng buhay ang tukmol na 'to. Bago pa makabawi ang lahat marahas ko siyang hinila palabas.
"Bakit mo sinabi?!" Bulyaw ko sa kanya pagkarating sa kotse. Kung nakakamatay lang ang boses at tingin matagal na 'tong nasa hukay.
"What? I'm just telling the truth. Beside what's the point pf hiding it? Just thank me instead." Agad nitong pinaandar ang kotse. Ano raw? Pasalamatan ko siya? Saan ba ang utak ng tukmol na 'to?
"Nandoon na ako Troy pero ang sa akin lang naman 'wag mo akong pangunahan!" Hindi parin humupa ang inis kong naramdaman lalo pa't alam na nila. Tiyak sangkaterbang paliwanag ang babaunin ko pag-magkita kaming muli.
"Let's deal it later lalo pa't nasa mansyon sina lolo kaya kita sinundo."
"Ah lolo mo lang pala." Kahit isang beses palang kami nagkita masasabing magaan ang loob ko.
"Oo SINA lolo Laura." 'Yon nga p-pero t-teka....
Oo SINA lolo Laura.
Ibig sabihin may kasama hindi nag-iisa. Tsk! Ang bobo mo talaga Rhia.
Natawa naman ito ng makita ang reaksiyon ko. "S-sino raw kasama?" Pilit kong inaayos ang sarili. Pero ang anak ni satanas ngumisi lang. "It's for me to know and for you to find out." Walanjo ang baduy niya ha.
Pagkarating namin sa mansyon pansin kong walang guard nagbabantay sa gate at wala rin katulong na naglilinis sa labas. "Day-off nila." Saad ni Troy pagkalabas namin sa kotse. Siguro napansin niya ang pagtataka ko. Oo nga pala maaga akong umalis kanina. Bwesit nag-iinit na naman ang pisngi ko ng maalala ang halik na 'yun. 'Yong gusto mong kalimutan naalala pero 'yong gustong tandaan nakakalimutan naman, tulad na lang tuwing exam langya.
"A-ah s-sige mauna ka na. Susunod na ako." Nauutal na naman ako letse. Napatigil naman ito at tinignan ako ng mariin kaya mas dumoble ang pagkailang ko. Hindi ko siya magawang tignan dahil tiyak sa kanyang labi ang bagsak ng paningin ko.
Pero talagang nasa kaluluwa na ang kalandian ng lalaking 'to dahil bigla niyang hinawakan ang mukha ko at pinaharap sa kanya. Di ko mabilang kung ilang beses akong napalunok nang magtama ang paningin namin. Gusto kong tawagin ang lahat ng santo para makaalis sa titig niyang nakalulunod peste hindi pa naman ako marunong sumisid. "You're so beautiful Laura." Parang wala sa sarili nitong sambit. Hanggang sa unti-unting nilapit niya ang kanyang sarili. Rhia magpigil ka gumawa ka ng paraan. Huwag mong hayaan mamayapa ang ikalawa mong halik.
Bago pa mahalikan ako ng tuluyan at bumigay ang malandi kong katawan pinitik ko ang kanyang noo.
"Subukan mo lang hahalik na ang nguso mo sa sahig." Ano siya sinuswerte porket sinabihan niya akong maganda bibigay na si Rhianon Laura Agustin. Ha! Ako lang ata ang maganda na hindi marupok.
"Fvck!" Tiningnan niya ako ng masama na parang nalugi ang kanyang kompanya ng bilyon-bilyong halaga at ako ang salarin.
Sasagot na sana ako nang biglang may tumikhim. Halos malaglag ang precious heart ko ng makita ang dalawang tao nakatayo sa living room kapwa nanunudyo ang mga tingin.
"You really look good together apo." May bahid talagang tudyo ang boses ng lolo ni Troy na parang teenager. Samantalang nakangiti din ang ginang na katabi nito bilang pagsang-ayon. Hindi ko alam kung masyado lang ba talaga akong maganda para magustuhan agad ng lolo ni Troy o may iba pang dahilan. Pero syempre malakas ang pakiramdam ko na dahil ito sa aking mala-dyosang kagandahan.
Bago pa mayabangan ang mga brain cells ko tungkol sa mga pinag-iisip ko ay hinila na ako ni Troy palapit sa kanila. Take note hindi lang simpleng hila kundi KALADKAD, parang aburido ito. Kahit kailan talaga oo, hindi ko maintindihan ang ugali.
Agad akong lumapit kay lolo Napoleon at nagmano pero niyakap niya ako. "Na-miss ka namin apo, sayang hindi tayo nagkita kagabi." Lumapit naman ako sa ginang na katabi nito. "Ah hello po kumusta po kayo?" Pero gayon na lang ang pagkunot ng noo ko dahil emosyonal niya akong tinignan. Nanginginig itong lumapit sa akin na parang sinusuri ang buong parte ng katawan ko. Nakatingin lang din ang maglolo sa amin.
Tuluyan ng bumagsak ang mga luhang kanyang pinipigilan nang yakapin niya ako ng mahigpit. Talagang mahigpit na mahigpit na parang isang kamag-anak galing abroad at ngayon lang nagkita muli.
"Kay tagal ko 'tong hinintay a-apo." A-apo? Para akong tuod sa narinig.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
A/n: Just want to say a heartfelt thanks to irockqbye . Thank you so much langga for making a cover for free. First time may nag-offer sa akin kaya lalo kong na-appreciate. Keep writing and keep safe❤. You can check her works too!
![](https://img.wattpad.com/cover/226500597-288-k297362.jpg)
BINABASA MO ANG
TriaLove Encounter [COMPLETED]
Roman d'amourC O M E D Y - R O M A N C E "Ako ang may raket sa buhay mo pero ikaw ang nakakuha ng interes sa puso ko."-Rhia Raketera ~~~ Sa raket lang umiikot ang mundo niya. Ang magbenta ng kung ano-anu at mag-part time sa kahit saang establishments. Kulang na...