Chapter 25

961 70 1
                                    

RHIANON

"Ayoko Troooyyyyy ikawww na lang." Pagsusumamo ko ng makarating sa tapat ng mansyon ng mga Vallez. Parang nabahag ang buntot ko nang mapagtantong gaano ka engrande ang  event na 'to. Para lang akong isang basurang ligaw.


"Tss. Drop the drama Laura." At agad tinanggal ang seatbelt. Feeling ko talaga mapapahiya lang ako at higit sa lahat HINDI ako KUMPORTABLE sa DAMIT KO! Para akong hubad na naglalakad. Ni hindi ko nga alam kung anong gagawin ko 'dun.

"You're thinking too much. Lalabas ka ng kusa o bubuhatin kita? You choose." Ngumisi naman si Troy ng mala-demonyo. Jusmiyo marimar wala na akong magawa besides nandito na, ngayon pa ba naman ako mag-iinarte? History 'to dahil ang dyosang hampas lupang tulad ko maranasan man lang makadalo sa ganitong klaseng pagtitipon. Tamaaaa. Malalim ang hiningang pinakawalan ko at ngumiting hinarap si Troy.



"I'm ready, shall we?" Natigilan naman ito at bahagya pang kumurap.



"Y-yeah."




Nakahithit siguro ng katol si Troy dahil nagpaka-gentleman na naman at pinagbuksan ako ng pinto sa ikalawang pagkakataon. Kahit nangangatog ang tuhod ko pilit kong tinatagan.




Nakakasilaw ang mga kamerang nagkikislapan pagkalabas ko. "Be yourself, no matter what I won't leave you." Tae para na nga akong hihimatayin sa kaba tapos idadagdag pa niya ang mga salitang makabagbag damdamin. Hindi ko maipaliwanag pero nakaramdam ako ng relief sa sinabi niya at wala sa sariling napangiti. Kahit ilang na ilang na ako sa mga titig ng mga tao lalo na ang mga kalalakihan pero tinatagan ko ang loob ko.


Taas noo akong naglalakad sa red carpet na parang sanay sa ganitong okasyon. Nakakawit ang braso ko sa kanya. Taray ng mayayaman nagbirthday lang may pa media pa. Sa daming nagpaparadahang limousine masasabi mo talagang big time.





"I heard kinasal na ang batang Buenavista.... Siya marahil ang asawa niya." Akala ko ba walang nakakaalam? Oh well business world.



"That woman looks familiar. I think I saw her face before during our times." Wutt?? I'm just nobody sir at saka matanda na kayo para makita mo ako noon. Baka isa 'to sa nag-offer sa akin bilang kerida kapalit ng magandang pwesto sa kompanya. Oh no!



"Yeah I agree she reminds me of someone." Lord!! May isa pa pala.



"Ang swerte ni girl, si Troy ang nabingwit."



"Look maswerte naman si Troy sa kanya. Look at her curve and the way she walk plus the feature of her face. I hate to admit pero napakaganda niya." Iilan sa mga komentong narinig ko. Hindi ko nalang pinansin.


Halos mahilo ako sa karangyaan at kung gaano ka-elegante ang okasyon nang makarating kami sa mismong venue. Medyo dim ang lightning na may malaking chandelier sa gitna. Sa mismong harapan may isang parang royalty red chair na may gold lining at may nakalagay na 71, marahil edad 'yun ng ginang . Bawat bahagi detalyado at may katumbas na halaga. Hindi ba 'to nauubusan ng pera?



"Tss 'wag mong dalhin ang ka-ignorantehan mo Laura." Bulong nito. Bumalik na naman ang topak ng mokong. "You can't blame me Troy. I never used attending party." English ko. At agad kong nilayasan, sa nakakainsulto eh. Alam naman niyang hindi ako sanay sa buhay na meron siya. Nilingon ko ang mokong..... Ayun may kausap ng babae hindi lang ISA kundi TATLO bwesit. Tss ang landi rin!



Selos ka naman?!



No way!! Asa pa! Dahil sa hindi ko maipaliwanag na inis agad akong nagmartsa sa ewan at kinuha ang wine glass dala-dala ng isang waiter. Umupo ako sa medyo kalayuang pwesto... Inilibot ko ang aking paningin, may nagtatawanan, may seryosong nag-uusap,  mga bisitang hindi basta-basta at halatang lunod sa karangyaan. Kahit mukha akong nabibilang sa kanila dahil sa suot ko ngayong gabi. I still feel nothing but just a piece of shit. Napa-english pa tuloy ako bwesittt. Tinanaw ko si Troy, ayun nakipag-usap parin pero mukhang kalakaran na naman sa negosyo ang usapan dahil mga lalaking mukhang big time ang kaharap niya.




TriaLove Encounter [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon