RHIANON
MAHIGIT dalawampung minuto na ang nakalipas pero hindi pa lumalabas ang doktor. Walang umimik sa aming dalawa at bakas sa amin ang paghihintay ng resulta. Nasaan kaya si Nanay? Bakit siya lang dito?
"Ahh Ana nasaan si nanay?"
"H-hindi ko sinama ate baka kasi makasama pa sa lagay niya. Ibinilin ko muna kay ate Liza." Tumigil narin ito kakaiyak. Mabuti naman at may silbi rin ang gaga pero nagpapasalamat parin ako. Dali dali kaming tumayo pagkalabas ng doktor.
"Sino ang pamilya ng pasyente?"
"Kami po mga anak niya kami, " ako ang sumagot at lumapit dito. Iniwan ko si Ana sa upuan.
"Sigurado ka? Anak ka talaga niya?" Anak ng! Ano ang ibig sabihin nito? Hindi ba halata?
"Oo naman dok. Bakit?"
"A-ahh masyado ka kasing maganda para maging anak niya, " bulong nito.
"Ano 'yun dok?" Naguguluhan kong tanong. Hindi ko kasi masyadong narinig.
"Bakit ate?" Lumapit na pala ang kapatid ko.
"Ahh n-nothing anyway, masyadong kritikal ang lagay ni Mr. Agustin and his head had a large impact. We've done our best to restrain the worst. As of now he's stable, good to know na nadala agad siya dito." Nakahinga naman kami ng maluwag sa sinabi ng doktor. Akala ko mauuna siya kay nanay.
"Any minute from now ililipat na siya sa kanyang ward. If you need anything just look for me. Excuse me."
"S-sige dok maraming salamat."
"Hayy salamat naman at ligtas si tatay." Malalim ang hiningang pinakawalan ko.
"A-ate may problema tayo?" Napabaling ako kay Ana.
"Problema? Ano na namang problema?"
"W-wala tayong pera pambayad sa bills natin. Tapos kakasimula mo pa lang sa trabaho." Parang pinagsakluban ng langit at lupa ang hitsura nito. Hayss paano ko ba magagawan ng paraan 'to? Nakakahiya naman humingi agad ng down payment sa lalaking 'yun.
"Wag kang mag-alala, ako na ang bahala roon." Ngumiti ako para ipaalam na ayos lang ang lahat. Bigla kaming napalingon nang bumukas ang operating room. Halos nanlumo ako pagkakita sa kalagayan ni tatay na nakahiga sa stretcher. Nagsimula na namang umiyak si Ana. Mukhang kailangan nga namin ng malaking pera. Bahala na.
"Ahh Ana ikaw na bahala muna kay tatay, " paalam ko.
"Saan ka pupunta ate?" Mugtong mugto ang mga mata nito.
"May tatawagan lang ako sandali. Text mo na lang kung anong silid si tatay." Tumango lang ito. Oh shookt wala pala akong load.
"Aah Ana pahiram ng phone, wala akong load hehe." Agad naman niya itong ibinigay. Akmang kukunin ko na...
"Hep hep pero sa isang kondisyon, " aniya habang iniwas ang phone niya sa kabilang direksiyon. Langya may pakondisyon pang nalalaman.
"At anong kondisyon?" Nakataas ang kilay kong tanong.
"Wag mong i-uninstall wattpad app ko." Ayun naalala ko naman ang kinahuhumalingan niya. Ngumisi ako.
"Sinasabi ko sayo ate magkakamatayan tayo."
"Oo na sige na." Tiningnan pa niya ako ng nagbabanta. Takot lang talaga nito mawala ang pinakakamahal niyang wattpad.
BINABASA MO ANG
TriaLove Encounter [COMPLETED]
RomanceC O M E D Y - R O M A N C E "Ako ang may raket sa buhay mo pero ikaw ang nakakuha ng interes sa puso ko."-Rhia Raketera ~~~ Sa raket lang umiikot ang mundo niya. Ang magbenta ng kung ano-anu at mag-part time sa kahit saang establishments. Kulang na...