Chapter 04

7 2 6
                                    

Chapter 04

"Magandang tanghali po, Tita! Nasaan po si Favi?" tanong ko nang makita ko ang mama ni Favi habang nagwa-walis sa tapat ng kanilang tirahan.

Nandito ako dahil may usapan kami na ngayong Sabado namin ipagpa-patuloy ang pag-buo ng aming group research. Nakakapag-taka lang dahil wala man lang ni isang text sa akin si Favi kaninang umaga.

Huminto sa pagwa-walis si Tita at saka tumingin sa akin. "Ayun, tulog pa rin hanggang ngayon," sagot niya.

Bahagyang kumunot ang aking noo. Nakalimutan kaya niya na may gagawin kami ngayon?

"Ah, sige po. Babalik na lang po ako mamaya. Paki-sabi na lang po sa kanya na pumunta po ako dito..."

"May gagawin ba kayo ngayon?"

"Meron po sana... 'Yung sa research po namin. Ang sabi niya po kasi pumunta po ako dito pagkatapos kong mananghalian."

"Ay, siya. Pumasok ka muna dito sa loob at gigisingin ko 'yung batang 'yun." Hindi ako gumalaw sa kinata-tayuan ko. Mabilis niyang itinabi sa gilid ng kanilang pinto 'yung hawak niyang walis tingting. "Mapa-pagod ka lang kung babalik ka pa rito mamaya."

Pipigilan ko pa sana siya ngunit agad niya akong tinalikuran at diretso na siyang pumasok sa loob. Tumayo na lang ako nang matuwid sa tabi ng kanilang gate. Nahihiya naman akong pumasok sa loob ng bahay nila dahil wala pa naman si Favi. Tapos nakaka-hiya pa dahil gigisingin siya ng mama niya...

"Bakit hindi ka pumasok sa loob?" Halos mapa-talon ako sa gulat nang sumulpot sa likuran ko si Tita. Alangan akong ngumiti sa kanya. "Malamok dito sa labas, maupo ka na doon sa aming sofa sa loob."

Malawak niyang binuksan ang gate kaya pumasok na ako dahil nangangawit na rin naman ako sa pag-tayo. Mabilis kong inalis ang suot kong tsinelas bago tuluyang pumasok sa sala ng kanilang bahay. Tahimik lamang akong umupo sa sofa.

"Pasensya ka na at madumi pa ang aming bahay. Hindi kasi ako nasabihan ni Favi na dadating ka ngayong tanghali. Dapat ay nakapag-linis na ako kaagad kaninang umaga."

"Hala, ayos lang po, Tita..."

"Hayaan mo't iga-gawa ko na lang kayo ng inyong meryenda. Gising naman na si Favi kaya hintayin mo na lamang dyan."

Nginitian niya muna ako saka siya nagtungo sa kanilang kusina. Ngumiti rin ako sa kanya kahit na hindi na niya 'yun nakita dahil naka-talikod na siya.

"Ulan?"

Halos mahulog na ako sa aking kinauupuan nang mayroong mag-salita. Nakita ko si Favi habang buma-baba siya sa kanilang hagdan. Lukot na lukot ang kanyang mukha, halatang kaka-gising lang sa kanyang mahimbing na tulog.

"Kanina ka pa nandito?"

"Hindi naman."

"S-Sorry, ah. Okay lang ba sa 'yo na hintayin akong matapos kumain at maligo?"

"Ah—"

"Promise bibilisan ko 'yung pag-kilos ko! Sorry talaga, Ulan!"

"Sige—"

"Thank you! Sorry talaga!"

Hindi niya na talaga ako binigyan ng pagkakataon na maka-sagot sa mga sinasabi niya. Mabilis siyang tumakbo sa kusina nila at naupo sa kanilang hapag-kainan. Narinig ko pang sinermonan siya ni Tita dahil tanghali na ito nagising at nakaka-hiya raw para sa akin.

Hindi ko alam kung bakit hindi ko napigilan ang sarili sa pag-ngiti...

---

"Argh!"

(Aplaya Series #1) Too Good To Be Mine (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon