Chapter 05

9 2 0
                                    

Chapter 05

Hindi na talaga nawala sa isipan ko 'yung magandang itsura ni Sky. Parang biglang gusto kong magpa-ayos at pagandahin 'yung sarili ko. 'Di ko alam... Ito lang 'yung alam kong paraan para mabawas-bawasan 'yung pagka-inggit ko sa kanya, e.

May suot akong malapad na ngiti nang matanggap ko na 'yung skincare na nung isang linggo ko pa hinihintay. Pang-limang parcel ko na siguro 'to sa araw na ito. Kaya naka-tambay na talaga ako sa gate namin para abangan 'yung mga in-order ko online.

Sobrang na-excite ako nang masilayan ang isang produktong pampa-alis daw ng tigyawat. Marami kasi itong magandang reviews kaya binili ko na. Wala namang masama kung susubukan ko.

"Aba, Ulan. Pang-anim mo na yatang order 'yan ah?" wika ni Mama habang may inililistang kung ano sa kanyang notebook. "Napapa-dalas yata ang gastos mo ngayon ha, anak ko?"

Mabilis kong inilapit sa aking dibdib ang mga bagong biling skincare product, niyakap ko iyon nang mahigpit. Galit na yata si Mama. Lagot ako nito.

"Pang-lima pa lang naman po ito, Mama," malumanay kong tugon.

"Nako, Ulan, ha. Hindi kami nagta-tae ng pera. Kaya't kontrolin mo 'yang sarili mo pagdating sa mga online shopping na 'yan. Sinasabi ko talaga sa 'yo..."

Humarap ako ngayon sa kanya. "Opo, Ma..." bulong ko na lang at saka nagmamadaling nag-tungo sa aking kwarto upang ilayo sa paningin niya 'yung mga pinamili ko.

Sa kabila ng aking natanggap na sermon mula kay Mama, wala namang mapaglayan ang aking tuwa habang isa-isang inaayos 'yung mga binili ko. Nakaka-excite gamitin! Ano kayang mangyayari sa itsura ko kapag tuloy-tuloy ko itong ginamit?

'Di ko na napigilan ang sarili na magpapadyak sa sobrang excitement. Hindi na tuloy ako makapag-hintay!

"Ulan?"

Napa-talon ako sa gulat nang may kumatok at nagsalita sa pinto ng aking kwarto.

"Ulan?" kumatok siyang muli. Mabilis kong itinago 'yung skincare na bagong bili ko lang.

"Papasok na ako, Ulan, ah!"

Agad na nanlaki ang aking mga mata kasabay ng aking sobrang pagka-taranta. Ngunit mabuti na lamang ay natapos ko na 'yung ginagawa ko bago pa man bumukas ang pinto.

"T-Tashi..." Alanganin akong ngumiti. "Naparito ka?" Hinihingal pa rin ako nang punasan ko ang pawis sa aking noo.

"Anong nangyari sa 'yo? Pawis na pawis ka naman yata?" tanong niya habang naka-kunot pa ang noo.

"Wala naman. Naglilinis lang ako." Ngumiti akong muli.

Mabilis siyang nag-tungo sa aking kama at saka ibinagsak ang kanyang katawan. Halos masira ang kama ko dahil sa bigat niya. Jusko po.

"Ang boring sa bahay kaya pumunta na lang ako dito," wika ni Tashi. Dumapa siya at saka nagsimulang kalikutin ang mga gamit ko sa aking study table. "Ay, siya nga pala, meron ka bang gagawin mamayang hapon?" tanong niya habang hawak ang paborito kong libro.

Agad kong inisip kung mayroon ba akong importanteng gagawin mamaya, ngunit wala namang pumasok sa isip ko... "Wala naman, bakit mo natanong?"

"Ayun naman pala! Saktong sakto lang pala ang pag-bisita ko dito sa bahay ninyo..."

"Bakit?"

"Samahan mo akong manood ng liga mamaya ha!"

"Sige! Gusto ko 'yan!" mabilis at masayang sagot ko.

Matagal tagal na kasi akong hindi nakakapanood ng liga. Matagal tagal na rin akong hindi nakaka-kita ng mga gwapong pinagpapawisan. Na-excite tuloy ako!

(Aplaya Series #1) Too Good To Be Mine (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon