Chapter 02

18 3 2
                                    

Chapter 02

Back to school ulit.

At ngayong araw, iaanunsiyo na ng aming teacher sa subject na Research kung sino ang aming magiging partner sa paggawa ng research. Dalawahan lang daw ang members kada grupo. At hinihiling ko talaga na kung hindi ko man makasama ang isa sa mga kaibigan ko, sana matinong kagrupo 'yung maging partner ko.

Ang hirap kaya kung 'yung magiging partner ko ay tamad din katulad ko... Baka magpaligsahan lang kami sa katamaran...

Ay.

Erase, erase.

Nakalimutan ko, kasama nga pala sa mga resolution ko nung bagong taon 'yung pagsisipag at pag-aaral nang mabuti. Nakalimutan kong may balak nga pala akong kumuha ng kursong pang-teacher. Dapat ngayon pa lang ay sinasanay ko na ang sarili kong huwag maging tatamad-tamad.

"I will be calling two surnames... and that will be the first group," anunsiyo ng aming guro habang binabalasa niya ang aming mga index card na naglalaman ng aming mga pangalan.

"Naku talaga! Sana maging magka-grupo tayo, Ulan!" ninenerbyos na bulong ni Tashi sa tabi ko.

"Iyan din ang hinihiling ko, teh," bulong ko pabalik sa kanya.

"Santos..."

Agad akong napa-diretso ng upo. Grabe naman, ako pa talaga 'yung pinaka-unang natawag? Mariin akong pumikit, nagdadasal na sana maayos 'yung maging ka-grupo ko.

"And... Raymundo."

Nanlaki naman agad ang mga mata ko. Ka-grupo ko si Favi?

"Ayos!" rinig kong sigaw ni Favi mula sa kinauupuan niya. Iyon ang dahilan nang pag-lingon ko sa kanya. Pagharap ko pa lang ay nakita kong naka-tingin din siya sa akin at naka-ngiti nang malaki. Tinanguan niya ako at saka nagsabing, "Swerte mo, ka-grupo mo ako."

Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko sa sinabi niya. Mabilis ko na lang na ibinalik ang aking paningin sa aking harapan.

Swerte nga ako...

Matalino siya, e. Tapos masipag pa.

Sisiw na lang sa kanya itong research na 'to.

"Buti pa kayong dalawa ni Favi, magka-grupo!" sigaw ni Tashi nang matapos ang aming klase, ngumunguso pa siya.

"Ang arte mo pa? Maayos naman 'yung naging ka-grupo mo ah?" sagot ko habang naglalakad kami sa may highway... pauwi na kami.

"Kain na lang tayo ng kwek-kwek para 'di ka na malungkot dyan..." sabi ni Riel sabay akbay kay Tashi na naka-nguso pa rin hanggang ngayon.

Nalagpasan na namin ang gasolinahan at ang malawak na palayan... Sabay-sabay naman kaming huminto sa tindahan ng mga street food kung saan kami laging kumakain sa tuwing naglalakad lamang kami pauwi. Nauna nang mamili si Tashi, sobrang dami nung binili niya ngayon kaysa sa normal niyang binibili.

"Stressed ka, teh?"

"Halata ba?" sagot niya bago nilantakan ang kanyang pagkain.

'Di ko na lang siya pinansin at saka namili na ng kakainin ko. Nang makapamili na kaming lahat ay naglakad na ulit kami. Madadaanan na namin ngayon 'yung sementadong tulay sa itaas ng ilog. Minsan ang sarap na lang tumalon dito sa tulay papunta sa ilog upang maligo pagkatapos ng klase, e.

Na-miss ko na tuloy ang mag-outing.

Ano ba 'yan!

Nahawa na ako kay Tashi na puro outing ang nasa isip.

Paano naman kasi... kung gaano karami 'yung mga ginagawa namin noong nakaraang school year, mas doble ang dami ngayong taon. Nakakapagod at nakaka-stress din talaga, e.

(Aplaya Series #1) Too Good To Be Mine (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon