Prologue

34 5 1
                                    

Prologue

The school year has started.

At tulad nang inasahan namin, bugbog-sarado kami sa mga school work dahil nasa last year na kami ng senior high school at graduating na.

"Outing naman tayo sa Sabado, oh!" sabi ni Tashi, ang pinaka-close ko sa tropa namin.

"Anong outing ka dyan? Nag-uumpisa na 'yung pasok, kung ano-ano pang gusto mong gawin," sagot ko sa kanya.

Nasa room kami ngayon, hinihintay na dumating 'yung teacher namin sa susunod na subject. As usual, nagkaka-ingay 'yung mga kaklase ko, pati na kami.

"Makapag-salita ka naman, teh! Studious girl ka na ngayon?" inis na tanong niya. "Echosera 'to," bulong niya pa habang ngumunguso.

Agad ko naman siyang binatukan, pero 'yung mahina lang. Mahirap na baka magka-amnesia pa 'yan at mawalan pa ako ng best friend. "Bawal bang mag-seryoso sa pag-aaral ngayon? Last year na natin 'to dito oh... 'di usong magpaka-tino sayo, teh?"

Grabe naman siya sa akin. 'Di naman porket pabaya ako sa pag-aaral nung mga nakaraang taon e ganoon din ako ngayon. Sadyang naisipan ko lang talaga ang tumino ng kahit kaunti. Syempre may pangarap pa rin naman ako kahit papaano... marami akong pangarap para sa sarili ko at sa pamilya ko.

Umirap naman siya sa akin. "Ang KJ mo! 'Di bagay! Tara na kasi!" pagpupumilit pa niya. "Sure ako na papayag agad 'yung sila Favi."

Napa-tingin naman ako sa kanang bahagi ng classroom, dun kasi banda 'yung upuan nung tatlong lalaking tropa namin. "E 'di sila na lang 'yung isama mo, huwag na ako," sagot ko at saka tumingin sa harap.

"Ba naman 'to! Dali na nga kasi!"

"Di mo talaga ako titigilan?"

"Hindi. Kaya payag ka na kasi!"

"Oo na nga. Sige na. Kulit mo, e."

"Yehey! 'Yan gusto ko sa 'yo, e!" excited na sagot ni Tashi habang pinapalakpak pa ang mga kamay.

Pagkatapos ipa-alam ni Tashi sa mga ka-tropa namin 'yung tungkol sa outing na binabalak niya, nag-simula na kaming mag-plano ng mga gagawin namin. Napag-kasunduan namin na puntahan 'yung isla na isang oras ang layo mula sa bayan namin. Sobrang ganda kasi doon at sobrang linis pa! Wala kasing masyadong pumupunta doon dahil bukod sa walang signal, masyado pang tago 'yung lugar.

Ewan ko ba dito sa mga tropa ko.

Ang plano kasi, mag-oovernight kami doon, magdadala kami ng mga tent.

May balak pa yatang mag-nature tripping.

Mabuti na lang pumayag 'yung tiyuhin ni Ico na ipa-gamit sa amin 'yung bangka niya. Tiwala naman siyang mapapa-takbo iyon ni Ico. Ang bait talaga nun, e.

Isang gabi lang naman kami doon sa isla, sisibat din kami agad kinaumagahan.

"Favi, dala mo ba 'yung bago mong cell phone?" tanong ni Tashi habang nasa byahe kami papunta doon sa isla sakay ng bangka.

Tumango si Favi. "Oo. Gagawin mo na naman akong taga-picture mo..."

"Aba syempre! Ano pang silbi ng magandang camera niyang cell phone mo kung hindi naman ako mapi-picturean?"

"Bumili ka na rin kasi ng sa 'yo. Palitan mo na 'yung luma mong cell phone."

"Nahihirapan nga akong mag-ipon, e. Mabuti ka pa nga, napag-tiyagaan mong hindi gumastos tuwing break time sa school..." Huminga nang malalim si Tashi. "At saka, ayos pa naman 'yung cell phone ko. Iyong maiipon ko, ilalaan ko na lang sa pang-college ko..."

(Aplaya Series #1) Too Good To Be Mine (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon