Chapter 06

2 1 0
                                    

Chapter 06

"Favi!"

Mabilis akong naglakad upang maabutan ko siya. Nakita ko kasi siya sa kanto namin habang nag-aabang siya ng tricycle.

Saglit akong napa-hinto nang mapansin kong inisnab niya ako. Anong nangyari dun?

Nag-abang na lang din ako ng masasakyan upang maka-pasok na ako sa school. Mabuti na lamang ay mayroon kaagad na dumaan na tricycle, maaabutan ko pa si Favi nito. Kailangang maka-usap ko siya bago pa man sila magkita ni Sky dahil mahirap na... baka kung ano anong panloloko pa ang sabihin nung bruhang 'yun sa ka-tropa ko.

"Uy, Favi!" hinihingal kong tawag sa kanya nang marating ko ang aming silid-aralan. "'Di mo ba ako nakita kanina? Tinatawag kaya kita!"

Katahimikan.

Hindi niya ako nilingon.

Hindi siya kumibo.

Naka-simangot lamang ngayon ang kanyang mukha habang may kinukuhang makapal na papel mula sa bag niya.

Inalog ko nang mahina ang kanyang kaliwang balikat. "Favi, may sasabihin ako sa 'yo! Hindi talaga ako maka-paniwala nung malaman ko 'to!"

"Nasaan ka ba kahapon?" tanong niya gamit ang isang malamig na boses.

Mabilis na kumunot ang aking noo. "Nasa bahay... tapos pumunta kami ni Tashi sa plaza. Bakit mo natanong?"

Tumango siya. "Kaya pala 'di mo ako sinipot kahapon."

"Ha? May usapan ba tayong dapat na magkita tayo kahapon?" walang kamuwang-muwang na tanong ko.

Nasapo ko na lamang ang aking noo nang maalala ko na may usapan nga pala talaga kami! Napag-kasunduan naming magkikita kami dahil kailangan naming tapusin ang chapter 1 at chapter 2 ng aming group research dahil ipapasa na nga pala iyon ngayon!

Lagot ako nito!

"Hala, sorry, Favi! Nawala sa isip ko!"

Imbes na sumagot sa aking sinabi ay iniabot niya sa akin 'yung makapal na papel na kinuha niya kanina mula sa bag niya.

"Paki-basa na lang nang mabuti. Tapos kapag may nakita kang mali, paki-tama na lang. Ipapasa natin 'yan mamaya kay Ma'am," dire-diretso niyang sinabi.

Mabilis ko naman tinanggap iyon. Agad din akong naupo sa bakanteng upuan na nasa tabi niya. Inilapag ko lang muna 'yung mga papel sa lamesa at saka bumaling ulit sa kanya upang ituloy 'yung sasabihin ko sana kanina.

"Meron nga pala akong mahalagang sasabihin sa 'yo..." wika ko habang si Favi ay naka-sandal ngayon sa kanyang upuan at naka-pikit.

"Unahin mo muna 'yang pinapagawa ko sa 'yo bago mo sabihin 'yung mahalagang bagay na sinasabi mo kanina pa," sagot niya habang naka-pikit pa rin.

"Sungit."

"Tokis."

Napa-irap na lang ako sa kawalan. Tapusin ko na nga lang muna 'to para mawala na 'yung pagka-badtrip niya sa akin. Alam kong hindi talaga niya ako kakausapin nang matino hangga't hindi ko nagagawa ito.

Maingat kong binasa itong gawa namin—este ni Favi. Nakakahiya naman sa kanya. Sa chapter 1 lang ako mayroong ambag dito, sa chapter 2 ay wala na. Halos mahilo na ako sa dami ng binabasa ko pero mabuti na lamang ay magaan lang ang naging trabaho ko dahil wala naman akong nakitang mali dito.

Ang galing talaga ni Favi pagdating sa mga ganito, e. Walang kupas!

Nang matapos ako ay tinakpan ko na ang aking ballpen at saka maingat na inayos ang aming output sa research. Muli akong humarap ngayon kay Favi na nasa ganoong posisyon pa rin hanggang ngayon. Naka-tulog na yata siya sa lagay niya. Ang lalim na kasi ng hininga niya at saka hindi talaga siya gumagalaw.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 04, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

(Aplaya Series #1) Too Good To Be Mine (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon