Chapter 01

25 3 1
                                    

Chapter 01

Hindi ko alam kung ano ang nangyari... o kung ano man ang ginawa ko at kung bakit feeling ko sobrang energized ako nung magising ako.

Basta nung paggising ko, maliwanag na. Paglabas ko naman sa tent na tinulugan ko, naka-ligpit na 'yung isa pang tent—dalawa kasi 'yung dala namin. Agad kong hinanap 'yung mga kasama ko... at ang nakita ko lang ay si Tashi na naka-pwesto na sa bangka, naka-tulala at mukha pang puyat na puyat.

Mabilis akong naglakad papunta sa kanya.

"Good morning," bati ko at saka tumayo nang matuwid sa paanan ng bangka.

"Uy, good morning. Gising ka na pala," sagot niya sabay hikab.

"Oo, e... puyat na puyat ka naman yata?"

"Nako, teh, sobra!"

Mabilis na kumunot ang noo ko. "Talaga? Bakit naman?"

"Paano naman kasi... magdamag kang walang malay simula kahapon ng tanghali hanggang kanina!" panimula niya. "Alam mo bang magdamag akong nagpa-panic dahil baka kung ano na ang nangyari sa 'yo?! 'Di ka naman namin maiuwi sa inyo dahil siguradong lagot kami sa mga magulang mo, teh!"

Agad kong inalala 'yung nangyari kahapon... nalulunod ako... pero may sumagip sa akin.

"Sino pala 'yung tumulong sa akin kahapon? Hindi ko na kasi nakita..."

"Si Favi, teh! Mabuti na nga lang at nakita ka niya sa ilalim, e. Kasi kung hindi? Lagot talaga kami!" sagot niya at saka biglang sumimangot ang mukha. "Pero kasalanan ko talaga 'yun, e. Ang sabi ko, babantayan kita... Pero ang ending, napabayaan pa tuloy kita." Naka-nguso na siya ngayon, malungkot sa nangyari sa akin.

Inilibot ko ang aking paningin sa paligid... wala akong makitang bakas nung tatlo pa naming kasama... ni anino man, wala.

"Nasaan nga pala sila? Gusto kong magpa-salamat kay Favi."

Agad niyang tinuro 'yung malayong bahagi ng dagat. "Nandun sila, naliligo. Nagpa-iwan na lang ako dito para mabantayan kita..."

Bahagya akong tumango. "Salamat ah. Sorry kung pinag-alala ko pa kayo..."

"Ano ka ba? Ayos lang 'yun! Ang mahalaga talaga, ligtas ka," sagot ni Tashi at saka ngumiti.

Sinuklian ko 'yung ngiti niya. "Sorry rin pala kung naging malikot man ako kagabi sa pagtulog," sabi ko, natatawa.

Sa tuwing magkatabi kasi kami ni Tashi matulog, ang laging reklamo niya sa akin kinaumagahan ay sobrang likot ko raw matulog. 'Di niya raw maintindihan kung binabangungot ako o ano.

"Kay Favi ka mag-sorry, teh."

"Ha?"

"Siya 'yung katabi mo kagabi. Siya kasi 'yung nag-bantay talaga sa 'yo. Nagulat nga ako nang makita kong tulog na siya nung sumilip ako sa tent niyo," paliwanag niya. "Inagawan pa ako ng higaan nung lokong 'yun... Tsk." Umiling-iling pa siya.

Sasagot pa sana ako nang biglang lumitaw sa harapan namin sina Favi, Ico, at Riel. Pare-pareho silang mga naka-topless at basang basa.

Naglalakad palapit sa akin si Favi. Napako naman kaagad ang paningin ko sa katawan niyang may tumatagaktak na tubig. Sa tagal naming mag-kaibigan, ngayon ko lang napansin na may abs pala siya.

Wow para sa effort!

Mabilis kong inalis ang aking mga mata doon... 'di ko alam kung bakit bigla akong nakaramdam ng hiya...

'Di naman masamang tumitig sa abs?

Sa pagkaka-alam ko, normal lang naman 'yun?

At saka, 'di ko naman papatulan 'yan. Wala akong balak. Tropa ko 'yan, e. Firm believer kaya ako nung silent golden rule na thou shalt not have a crush sa tropa. Matagal ko nang pinaninindigan 'yun dahil simula nung mag-high school ako, hindi na ako nawalan ng kaibigan na lalaki...

(Aplaya Series #1) Too Good To Be Mine (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon