Chapter 03

7 2 0
                                    

Chapter 03

Unti-unti na akong nasasanay na palagi naming kasama si Skylar. Medyo hindi ko siya gusto, oo... Pero ang immature ko naman kung magiging masama ako sa kanya dahil lang sa ayaw ko sa kanya. Wala naman siyang masamang ginagawa sa akin. Kaya nga nag-sorry ako sa kanya para dun sa inasta ko nung huling pagkikita namin, e. Inaamin ko namang hindi talaga naging maganda 'yung attitude ko nun.

Huminto ako saglit nang maramdaman kong sumasakit ang kanang kamay ko. Kanina pa ako nagsusulat at mukhang hindi nauubos itong mga susulatin kong lecture sa PR2. Agad kong tinapunan ng tingin sina Tashi upang makita kung ano ang kanilang ginagawa. Pare-pareho silang busy sa pagsusulat.

Ba 'yan...

Nagugutom pa naman ako.

Wala akong kasamang pumunta sa canteen. Hindi naman pwedeng guluhin ko sila para lang samahan ako dahil pasahan na ng lectures namin mamaya.

Tamad akong tumayo sa kinauupuan ko. Saglit akong nag-inat dahil nangawit talaga nang sobra 'yung braso ko sa kakasulat. Hindi ko rin napigilan ang paghikab.

Napa-angat ng ulo si Favi at dumiretso sa akin ang mga mata niya. "Saan ka?"

"Canteen lang."

"Samahan na kita." Mabilis niyang tinakpan ang ballpen niya at agad na tumayo.

"May bibilhin ka ba?"

"Malamang."

Inirapan ko siya. Bwisit na 'to. "Marami ka pa yatang susulatin, e. Ako na lang bibili nung bibilhin mo," sagot ko.

"Naks naman, Ulan! Pasabay naman ako ng dalawang maruya," sabad ni Tashi.

Inilahad ko ang palad ko sa tapat ng mukha niya. "Pera mo?"

"Wala akong barya, ikaw muna magbayad." Ngumiti siya na tila nagpapa-cute.

"Ako na nga pupunta sa canteen para mamili tapos ako pa magbabayad? Utot mo," sagot ko sabay belat. Ha. Akala niya siguro mauuto niya ako.

"Ang kuripot mo pota ka!" sigaw niya habang dumudukot ng pera sa bulsa ng kanyang itim na slacks. "Oh ito na—"

"Ako na nga lang magbabayad! Dalawang maruya lang naman 'di ba?" sabad ni Favi sabay hawi sa kamay ni Tashi na may hawak na bente. Tumingin siya ngayon sa akin. "Maupo ka na lang dyan. Ako na lang bibili." Sumilay ang maliit na ngiti sa kanyang labi.

Hindi na ako nagkaroon ng pagkakataon na sumagot dahil mabilis niya kaming tinalikuran. Bumalik na lang tuloy ako sa upuan ko. Napa-tingin naman agad ako dun sa notebook ni Favi at saka nakaramdam ng konsensya. Ang dami niya pa kasing susulatin. 'Di ko alam kung bakit 'di pa siya tapos dito. Samantalang dati, sa kanya pa kami kumo-kopya dahil siya ang nauunang matapos sa amin.

Matagal akong naka-titig lang sa notebook niya. Pinutol ko ang aking pagtitig doon at tinignan ko naman ang kino-kopya kong lecture, naningkit ang mga mata ko dahil tinatantya ko kung gaano ako kabilis na matatapos sa pagsulat. May naiisip kasi ako... Kaso pakiramdam ko magagalit 'yun kung magsusulat ako sa notebook niya... Kaso ang dami niya pa talagang kailangang sulatin! Tapos lumabas pa siya...

Bumalik na muna ako sa pagsusulat habang naghihintay. Napa-tingin ako sa relos ko nang mapansin kong ang tagal bumalik ni Favi. Konting lakad lang naman 'yung distansya ng canteen mula dito pero ang tagal-tagal niya.

"Lumandi pa siguro 'yon kaya ang tagal," reklamo ni Tashi sa gilid ko. "Bwisit naman, nagugutom na 'ko!"

"15 minutes."

"Ha?"

"Labinlimang minuto na siyang nasa labas."

"Wow ha. Timer ka, teh?"

(Aplaya Series #1) Too Good To Be Mine (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon