KUNG ano-anong senaryo ang naglaro sa isip ni Pola habang bumabiyahe sila pauwi. Kung tutuusin ay mayroon pa siyang susunod na klase, pero kapag inutos ng mga magulang niyang umuwi siya—kasehodang nasa kalagitnaan siya ng recitation o exam—kailangan niyang umuwi. Nilang magkapatid, in fact. Lagi lang naman ding nakaabang ang personal driver nila ni Pomee sa kanilang school para sa mga ganitong biglaang pagpapatawag.
Pagkapasok nila sa malalaking gate ng mansion, hindi na hinintay pa ni Pola na mag-park si Kuya Manuel sa mismong garahe, pinatigil na niya ang sasakyan doon.
"Bakit? May nakalimutan ka ba sa school ninyo?" anito at tila handa nang umikot muli palabas.
"Ay, wala po, wala po. Dito na lang po ako bababa."
"Dito ka lang?" ulit ni Kuya Manuel.
Napalabi ang dalaga at tumango-tango. "Opo, Kuya. Maglalakad na lang po ako."
"Naku, baka mapagod ka niyan, Pola. Ako pa ang mapagagalitan nina Don Paul at Doña Karen." Nakatingin ito sa kaniya sa rearview mirror.
Mahaba-haba pa ang lalakarin niya mula sa gate patungo sa mismong mansion, pero gusto ni Pola na maikalma muna ang sarili bago harapin ang mga magulang. Usually, she wouldn't get this nervous, but her gut feeling told her it had something to do with the Greccos.
Kimi siyang ngumiti sa lalaki. "Mayroon naman pong nag-iikot na mga golf cart in case mapagod ako. Saglit lang naman po."
Kakamot-kamot na in-unlock nito ang mga pinto. "O s'ya, sige, ikaw ang bahala. Iwan mo na lang ang mga gamit mo d'yan, ipapaakyat na lang sa kwarto mo."
"Salamat, Kuya Manuel." Iyon lang at umibis na si Pola ng sasakyan.
Hinintay pa muna ng dalaga na mawala sa paningin niya ang kotse bago siya kumilos sa kinatatayuan. It's only past two in the afternoon. The air felt dense and the sun burned her skin, but Pola didn't mind. Kahit papaano naman ay medyo presko pa rin sa paligid dahil sa napalilibutan ng mga puno at kung ano-anong mga halaman ang daan patungo sa mansion. Lahat ng ito ay parte ng hardin ng mommy niya, pero sa bandang likuran naman ng mansion ay may malawak na mga taniman. Takot na baka madumihan ang puting paldang halos sumayad na sa lupa sa haba, bahagya niya iyong inangat.
Once again, thoughts rolled around Pola's mind as she began to walk on the dry, cracked ground. Nag-iisip siya ng mga rason na maari niyang sabihin sa mga magulang. Not that she was planning to lie, she's going to tell them everything, she just wanted to be able to defend herself against whatever accusations they would be throwing at her.
Amidst the internal conversation she was having in her head, image of Phillip popped out—of how she almost kissed him earlier. She remembered how he stood so close to her he almost dominated her personal space. That thought made Pola uncomfortable . . . and blush at the same time. She had been ignoring it, but for some reason, she could still feel the weight of his presence lingering like an expensive cologne. Mabuti na lang at walang ibang tao sa paligid niya, walang makakapansin sa pamumula niya.
Pola shook her head in attempt to get the thought off her mind, to get him off her mind rather, but it did nothing. Sa sobrang lalim ng iniisip niya, hindi niya napansin na ilang minuto na rin pala siyang naglalakad at malapit na siya sa mansion.
"Sina Mama at Papa po?" tanong niya sa kawaksing nabungaran pagkapasok niya sa loob.
"Nasa study room ninyo," sagot nito. Kumunot ang noo nito at concerned na humawak sa magkabila niyang siko. "Okay ka lang ba, hija? Ba't pulang-pula ka?"
Nahihiyang yumuko si Pola. "A-ahm, d-dahil po siguro sa araw. Naglakad lang po kasi ako mula sa gate." Her cheeks burned even more. "S-sige po, aakyat na po ako."
BINABASA MO ANG
TIMELESS - The Unfulfilled Promise
General Fiction[WARNING: R-18 | READ RESPONSIBLY] Wala nang balak pang bumalik ng Pilipinas si Pola. She had no plans of rekindling all the connections that she had long burned and forgotten. Unfortunately, fate had another plan. Kinailangan niyang harapin si Phi...