IT was good while it lasted.
That phrase had been rolling around Pola's mind as she drove east into the afternoon sun. She rescheduled all her remaining meetings for the day because she wanted to spend more time with her boys. She bad been burying herself in work again in attempt to avert her mind from reminiscing her bittersweet past.
Noon pa man ay alam na niyang mangyayari ito kapag binuhay at pinanatili niya ang koneksyon sa kapatid. Pola had seen the tidal wave of memories coming—the resurfacing of long-buried memories, old pain, and scars. She knew it would trigger everything that she had forced herself to forget and heal from.
She wasn't planning to reunite with everyone. Si Pomee lang talaga ang gusto niyang ibalik sa buhay niya, so she was pretty confident that she could handle those flashbacks. . . or so she thought. Because the mere mention of Phillip's name made her want to run away again.
Ang tagal-tagal na . . . bakit hindi ko pa rin mabura lahat? Bakit may bakas pa rin? sa isip-isip ni Pola habang inuuntog-untog ang noo sa steering wheel.
Pinuno niya ng hangin ang dibdib at saka mahinang tinampal-tampal ang magkabilang pisngi. No, she's not going to let this affect her, she's not going to let her past consume her. Hindi. Bumuntonghininga siya at p-in-ark ang bagong Tesla sa garahe ng four-storey house na binili niya two years ago.
"Mommy's here!" Pola announced cheerfully the moment she stepped inside, but only an ominous silence greeted her. Kunot na kunot ang noo na sinarado niya ang pinto at naglakad papasok. Pola's four-inch heels clicked along the marble. "Zyler, Xyler?"
Unusual para sa kaniya na umuwing tahimik ang bahay kapag naroon ang mga bata. Madalas, sasalubungin siya ng ingay nina Zyler at Xyler.
Muli niyang tinawag ang mga anak, ngunit sina Isabel at Maya ang lumabas mula sa kusina.
"Bakit ang tahimik?" tanong niya sa mga ito. "Nasaan ang mga bata?"
"Ay, nasa kuwarto po nila, Miss Pola." Si Isabel ang sumagot.
"May binabasa po," dugtong naman ni Maya.
"May binabasa?" hindi makapaniwalang ulit ni Pola sabay hubad sa suot na coat. Inalis din niya ang nakabalabal na makapal na scarf sa leeg niya at isinabit sa rack.
Sabay na tumango ang dalawa. "Opo. Kasisilip lang po namin sa room nila kanina."
"Since when did they love reading?" nagtataka pa ring usal ni Pola. Masyado na nga ba talaga siyang busy na hindi na niya napapansin ang mga bagong hobby ng mga anak? Inabot niya ang mga bitbit na bag kina Isabel at Maya, indikasyon na ilagay ng dalawa ang mga iyon sa kaniyang kuwarto. "I'll just go check the kids."
Hindi na nag-abala pang kumatok si Pola pagkarating niya sa silid ng mga anak. Pagpasok sa loob, nakita niyang abala nga ang dalawa. Zyler was reading a book quietly and Xyler was listening to him while browsing and occasionally showing his twin brother some polaroid photographs. Napangiti si Pola, ngunit agad din iyong napalis nang makita ang pamilyar na initials niya sa librong tangan-tangan ni Zyler.
It wasn't a children's book. It was her old journal! And Xyler wasn't just looking at some random photographs, those were Pola and Phillip's photos together! She didn't know she still had those. Ang buong akala niya'y nasama niya iyon sa mga sinunog niya noon. Gustong haklitin ni Pola ang mga iyon, ngunit tila nangatal ang buo niyang katawan.
BINABASA MO ANG
TIMELESS - The Unfulfilled Promise
General Fiction[WARNING: R-18 | READ RESPONSIBLY] Wala nang balak pang bumalik ng Pilipinas si Pola. She had no plans of rekindling all the connections that she had long burned and forgotten. Unfortunately, fate had another plan. Kinailangan niyang harapin si Phi...