Chapter 6 • Home

8.8K 462 90
                                    

Manila

MOST of her life, Pola's time had been charily planned, each of her guarded actions were deliberately executed. Dala ng nakasanayaan, nabitbit iyon ni Pola hanggang ngayon, pero itong pag-uwi lamang nilang mag-iina ang hindi niya gaanong napag-isipan at natimbang.

     Handa na nga ba talaga siya? Hindi niya alam.

     Kung si Pola lang ang masusunod, hindi na niya ipakikilala pa si Phillip kina Xyler at Zyler. Hindi na niya gugustuhin pang magkaroon ng koneksyon ang mga bata sa lalaki. Yes, she was that selfish. She gave everything to her children para hindi na kailanganin pa ng mga ito ng ama, pero hahanapin pa rin pala ng mga ito iyon sa kaniya.

     Hell and Chaos gave her a temporary car that she could use while staying here in Manila. Sa totoo lang ay hindi niya alam kung gaano siya katagal dito sa bansa, wala rin siyang matinong plano pa, pero sigurado siyang si Pomee ang una niyang kikitain.

     "Are you okay?"

     Binalingan ni Pola si Hero, kapatid ni Hell at ang personal driver nilang mag-iina habang naririto sila sa Manila. Sa totoo lang, nahihiya siya na si Hero pa rin ang magiging driver slash bodyguard niya knowing how busy he was, ngunit ito mismo ang nagprisinta nang malamang pupunta ulit siya sa Pilipinas.

     Marahang tumango si Pola. "Yeah, okay lang naman."

     Panaka-naka nitong sinisilip sa rearview mirror ang mga bata na abala sa likod bago siya muling tinapunan ng tingin. "Hindi ko natanong noon—well, ngayon ko lang naman kasi nalaman na you got kids pala—kanino mo sila iniwan when you went here?"

     Pola shifted in her seat. "Iniwan ko sila kay Sebastian, sa business partner ko. Para na rin kasi 'yong daddy ng mga bata. Isa pa, nando'n naman ang mga yaya nila. Hindi rin naman kasi ako nagtagal dito that time."

     "Pero mukhang ngayon mo lang sila dinala rito sa Pilipinas. The kids look so happy and excited," magiliw pang puna ni Hero.

     Pumihit si Pola sa kinauupuan para pagmasdan ang mga anak. To say that they were excited was an understatement. They were absolutely ecstatic! Hindi magkamaway ang mga ito sa pagdutdot sa bintana at katuturo ng kung ano-anong lugar. Isabel and Maya patiently answered all the kids' silly queries.

     "It's so makulay here, Yaya," rinig niyang konyong komento ni Xyler habang nakaupo sa kandungan ni Isabel.

     Tumanaw si Pola sa bintana. Hindi niya gaanong napansin ang pagbabago sa mga lugar at daan noong pumunta siya rito noon. Papaano'y bukod sa abala siyang magtago, wala na rin naman siyang interes pa sa bansa. Hindi naman niya aakalaing babalik din pala siya rito matapos lang ang ilang taon.

     "Are you planning to stay here for good?" ani Hero.

     Sunod-sunod ang ginawang pag-iling ni Pola. "N-no, no. May importante lang akong gagawin dito. Baka ito na rin ang huli . . ."

     He snickered. "Nasabi mo na rin iyan dati bago kita ihatid pabalik sa airport. Lo and behold, couple years later, nandito ka ulit."

     Bumuntonghininga siya. "E, wala naman na kasi talaga akong balak na." Hininaan niya ang boses. "Para lang talaga sa mga bata kaya ko ito ginagawa."

     Inabot nito ang kamay niya at saka marahang pinisil. "Whatever it is you need to do, I am one hundred percent sure that you can pull it off."

     Isang kiming ngiti lang ang iginanti ni Pola sa huli. She focused her gaze outside. Tila unti-unting humihina sa pandinig niya ang ingay ng mga tao sa sasakyan habang dahan-dahan siyang tinatangay ng mga aalalaa niya sa lugar. A strange familiarity grew warm in the pit of her stomach. Kahit saan niya idako ang mga mata, puro mga nagtatayugang gusali na lang ang natatanaw niya, at mukhang mas magiging crowded pa iyon dahil napakarami pang building at establishment ang kasalukuyang ginagawa. May mga naglipana ring mga highway at footbridge sa kung saan-saan.

TIMELESS - The Unfulfilled PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon