Chapter 7 • Almost

9.4K 351 39
                                    

NOOK?

     Iyon lang naman ang nilalaman ng text message na natanggap ni Pola mula kay Phillip, ngunit mahigit isang oras na niya iyong paulit-ulit na binabasa. Wala na siyang susunod na klase at naglalakad na siya ngayon papunta sa parking lot kung saan naghihintay si Kuya Manuel, ngunit may isang bahagi ng pagkatao ni Pola ang gustong kitain si Phillip.

     Sadyang binagalan ng dalaga ang paglalakad nang lumapit na siya sa sasakyan. Kagat-kagat ang ibabang labi na luminga-linga siya sa paligid kahit wala naman siyang partikular na hinahanap. She was tempted to come up with an alibi, ngunit hindi siya sanay gumawa ng excuse sa mga magulang—at natatakot siya na kung susubukan niya, malalaman din ng mga ito eventually.

     Pola hissed inwardly. Ano ba'ng nangyayari sa kaniya? Why would she even do that in the first place? Nahihibang na ba siya?

     "Nariyan ka na pala, hija." Nakangiting lumabas ng sasakyan si Kuya Manuel para pagbuksan si Pola.

     Ginantihan niya ito ng isang kiming ngiti. "M-magandang hapon po." Get a grip on yourself, Pola. Priorities, priorities.

     Nang masara ni Kuya Manuel ang pinto sa passenger seat ay patakbo itong umikot pabalik sa harap. Mabilis itong nagsuot ng seat belt. "Didiretso na tayo ng uwi, ha."

     Tiningnan niya ito sa rearview mirror. "Si Pomee po?"

     "Hindi na natin dadaanan ang kapatid mo. Sumama kina Cheska, may project daw na gagawin." Binuhay nito ang makina.

     Sukat doon ay may ideyang pumasok sa isip niya. Hindi iyon maganda, but it was tempting. "K-Kuya Manuel?"

     He glanced over his shoulder. "Bakit, may nakalimutan ka ba?"

     "N-nasaan po sina Mama at Papa?"

     "Ah, kalilipad lang nila kaninang tanghali. Hindi ko lang alam kung saang bansa sila nagtungo. Hindi ako ang naghatid sa kanila sa airport, e." Muli na nitong binalik ang tingin sa harap. Akmang paandarin na nito ang sasakyan ngunit mabilis niya itong pinigilan.

     "Wait, Kuya!" Napalunok siya. May mumunting butil ng mga pawis na namumuo sa kaniyang noo. Bago sa kaniya ang ganitong pakiramdam kaya hindi niya alam kung paano aakto nang tama, ngunit pinilit niyang magpakakaswal. "M-may nakalimutan po akong gawing assignment sa library."

     "Sa library?"

     "Opo. N-nandoon po kasi karamihan sa mga librong k-kailangan doon sa assignment." Ang lakas-lakas ng tahip ng dibdib niya nang mga sandaling iyon. Nananalangin na lang siya na sana ay hindi nito marinig iyon kundi . . . lagot siya.

     "Gano'n ba?" Saglit itong nag-isip, kapagkuwa'y tumango. "O, sige, pumaroon ka na't hihintayin na lang kita rito." Muling lumabas si Kuya Manuel para pagbuksan siya ng pinto.

     Bahagyang nabawasan ang kaba ni Pola. Akala niya kasi, baka pati rito ay mahirapan siyang makalusot. Mabuti pa si Kuya Manuel, may tiwala sa kaniya. Bata pa lang ay ito na ang personal driver nilang magkapatid at alam naman nito na wala sa bokabularyo ni Pola ang pagsisinungaling . . . noon.

     Pero ngayon lang ko lang naman ito gagawin, e. Isang beses lang.

     "Hindi ka maaring gabihin ha, hija? Parehas tayong malalagot sa mga magulang mo," paalala ni Kuya Manuel sa dalaga.

     Pola alighted from the vehicle. "O-opo, salamat po. Bibilisan ko na lang po matapos. D-dalawang topic lang naman po."

     Malalaki ang mga hakbang na bumalik siya sa loob ng campus. Her heart was throbbing in her ears so loud that the noise of the students echoing all over the campus was temporarily defeated. Umakyat siya sa library, pero para lamang i-tap ang kaniyang ID. Sa isang exit na bihirang gamitin ng mga estudyante dumaan si Pola papunta sa Nook.

TIMELESS - The Unfulfilled PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon