2011
ARE you coming? I'm waiting for you.
Makailang ulit na nagpakawala ng buntong-hininga si Pola habang binabasa ang huling text message na ipinadala sa kaniya ni Phillip. Hindi na niya mabilang kung pang-ilang mensahe na iyon sa kaniya ng binata, pero ni isa ay wala pa siyang nire-reply-an—nag-a-attempt naman siyang mag-type ng maisasagot kay Phillip, pero ni hindi siya makabuo ng matinong message para rito. Parati siyang stuck sa "Phillip, I'm sorry . . .", pagkatapos ay buburahin niya iyon at magsisimula siya ulit. And Pola had been doing that for almost two hours now. Maski siya ay naiirita na sa sarili.
Kagat-kagat ang ibabang labi na ibinagsak niya ang likod sa kaniyang queen-size bed. Ilang minuto siyang nakipagtitigan sa kisame na tila ba hinihintay itong kausapin siya at utusan sa kung ano ba'ng dapat niyang gawin. Hindi siya mapakali; nagtatalo ang kalooban niya. Kung mayroon lang talaga siyang karapatan para magdesisyon para sa sarili niya, kanina pa siya umalis sa mansion para makasama si Phillip. She would have flown there in a heartbeat. Unfortunately, she did not have that kind of liberty—not in this lifetime.
Pola's painfully aware of the fact that she had already broken many crucial rules by letting Phillip be this close to her. Still, going into his house was a different story. Kapwa sila hindi ligtas sa mga maiinit na mata, at iyon ang gusto niyang iwasan—ang pag-usbong nga mga issue.
Natigil siya sa pag-iisip nang maramdaman ang pag-vibrate ng kaniyang phone sa pagitan ng nakasalikop niyang mga palad. The caller ID flashed Phillip's codename. Pola unconsciously pressed her right hand above her chest in attempt to calm the erratic beat of her heart before taking the call, but it did nothing.
Ah, bahala na.
"P-Phillip, h-hi." Tumayo siya at nagpaikot-ikot sa kaniyang kuwarto. "N-napatawag ka?"
Natampal ni Pola ang noo. It was such a stupid question to ask. Alam niya naman kung bakit ito tumawag, tinanong pa niya. Matalino siyang tao, pero pagdating kay Phillip, nawawalan ng silbi ang pagiging president's lister niya.
"Come on now, Pola," said the baritone voice of the man who's about to cause her trouble, "hawak mo naman pala ang phone mo, bakit hindi ka nagre-reply sa mga text ko?"
Phillip was probably inside an isolated room or somewhere far from the party because all she could hear was his voice and the oddly calming sound of his breathing. Hindi rin mataas ang tono ng lalaki kaya alam niyang hindi ito galit sa kaniya.
"Pola?" untag ni Phillip sa dalaga nang lumipas ang ilang segundo ay hindi pa rin siya umiimik. "Hello?"
"A-ano kasi, Phillip, e . . . ahm." Wala sa loob na isinuklay ni Pola ang mga daliri sa nakalugay na buhok, 'tapos ay umupo siya sa gilid ng kama—nguhit hindi pa man din nag-iinit ang puwet niya roon ay muli siyang tumayo. "Truth is . . . hindi ko alam kung ano'ng ire-reply ko sa mga text mo."
Patlang. Pola heard him draw a hefty breath.
"But you're coming over . . . right, Pola?" he insisted, tearing the momentary silence that engulfed them.
Ni minsan ay hindi niya narinig na gumamit ng please si Phillip, ngunit may sarili itong paraan para mapaamo siya at mapasunod sa gusto nito.
"Pola?" he repeated, his voice sounded more desperate.
She anxiously pressed her lips together. Naiipit man ang damdamin, sa isang banda ay gusto niyang mainis sa lalaki. Alam naman nito na mahirap ang sitwasyon niya, pero bakit lalo pa siya nitong pinahihirapan?
BINABASA MO ANG
TIMELESS - The Unfulfilled Promise
Ficção Geral[WARNING: R-18 | READ RESPONSIBLY] Wala nang balak pang bumalik ng Pilipinas si Pola. She had no plans of rekindling all the connections that she had long burned and forgotten. Unfortunately, fate had another plan. Kinailangan niyang harapin si Phi...