Chapter 4

14 1 0
                                    

“We’re here for a wedding gown.”

Natitigilan akong tiningnan siya at hindi ko napigilan na tumingin kay Zian na may tipid na ngiti at tumango pa sa akin.

Ano kamo? Wedding gown?

Matapos mabigla ay napapangisi at hindi ako makapaniwalang tiningnan siya at si Zian.

Alam ba ng babaeng ito kung gaano ka playboy ang mapapangasawa niya?

Magsasalita na sana ako nang maunahan ako ni Diana.

“If you’re looking for a wedding gown, please browse this brochure.” Nakangiting inabot niya ang pinaka-bagong brochure na pinagawa namin for the wedding gown collections. “While browsing, you may sit there.” Tinuro niya ang sofa na sinadya naming ilagay dito for the costumers. Inakay niya ang dalawa papunta doon, habang inaakay ay nilingon niya ako at pinandilatan.

Nang makaupo na sila sa sofa ay lumabas naman ako ng boutique para pakalmahin ang sarili ko.

Hindi ko maipaliwanag kung bakit ganito yung reaction ko.

Eh ano naman ngayon kung magpapakasal na siya sa iba? Bakit gulat na gulat ako? Bakit affected ako? Bakit hindi ko matanggap? Bakit umakto ako ng ganun sa harap nila? Bakit nagkakaganito ako? Bakit ganito ang nararamdaman ko?

Nakaramdam din ako ng pagkapahiya dahil hindi ko man lang napigilan yung sarili ko na itago ang pagkagulat at hindi makapaniwalang reaksyon ko. Ang boba ko naman!

Naramdaman kong sumunod sa akin si Diana. Habang sumusugod siya sa akin ay pinandilatan niya ako ng mga mata.

“What was that?”

Imbis na matakot sa kanya ay mas nainis ako nang maalala ang pagtawag niya sa akin kanina. “What was that?” may diing pagbabalik ko ng tanong sa kanya. “Bakit hindi mo sinabi sa akin na siya yung nandito?”

“Bakit ko naman sasabihin sayo?” napapikit pa ako sa inis nang gamitin niya ang sarili kong salita laban sa akin.

“Syempre! Dapat sinabi mo! Para man lang nakapag-ready ako!”

“Ready saan?”

“Ready na harapin siya!”

From serious, nagsimulang lumabas ang nanunukso niyang ngiti, “Sus! Bakit ka magreready? Hahaha!”

“Diana! I’m serious!”

“Oh bakit? Seryoso din naman yung tanong ko! Bakit ka magreready?”

“Argh!” halos sabunutan ko na ang sarili ko dahil sa pagkairita but of course, I didn’t. Ayokong masira ang buhok ko, noh!

Pero napaisip rin ako. Bakit kailangan ko pang magready?

Napipikon akong huminga ng malalim at binuga yun. Saka ko sinamaan ng tingin si Diana at inirapan pagkatapos ay pumasok muli sa boutique para harapin ang magpapakasal. Tatawa-tawa naman si Diana na nakasunod sa akin.

I shouldn’t be affected. I shouldn’t be affected. I shouldn’t be affect---Damn! Bakit hindi ako mapakali?!

Pinilit ko ang sarili ko na ngumiti nang harapin ko na sila para hindi nila maisip na hindi ako mapakali o bitter ako sa pagpapakasal nila. “So, may napili ka na ba?” tanong ko sa bride.

Mula sa pagbubuklat ng browsers ay sandali niyang nilipat ang paningin sa akin, “Actually, it’s hard to choose. Lahat ng designs mo ay maganda.”

“I know, right?” nabigla ang babae, sinermonan ko ang sarili ko sa aking isip dahil hindi ko napigilan ang sarili kong sabihin iyon sa mataray na tono, “Well, I mean, maganda talaga ang mga designs na yan dahil pinaghirapan kong gawin yan.” Bawi ko.

Medusa's AgonyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon