Chapter 5

11 1 2
                                    

“Because I wanna be with you”

Habang naglalakad papunta sa aking office ay naalala ko na naman ang sagot niya sa tanong ko kahapon. Unexpected ang sagot niya but I should’ve expected that he will give me that kind of flirtatious answer because he is a playboy.

After hearing his nonsense answer, hindi ko napigilan na umirap at iwan siya para bumalik sa office ko. I have something more important to do than talking with him.

“Good morning, madam.”, bati sa akin ng mga empleyadong nakasalubong ko. Hindi sila nakatanggap ng tugon mula sa akin dahil nagdire-diretso lamang ako.

Nang makapasok sa office ay agad kong hinubad ang coat ko at kinabit sa hanger para isampay sa rack. Tinali ko rin ang buhok ko ng pa-bun para maging komportable sa pag-gawa ko ng patern para sa gown na tatahiin ko.

Nasimulan ko na ito kahapon bago ako inistorbo ni Diana kaya ipagpapatuloy ko na lang ang nasimulan ko kahapon.

Wala na akong ibang kailangang gawin kaya makakapag-focus ako ngayon sa trabaho. Alam din ng mga empleyado ko na ayaw ko na maistorbo ngayon kaya sa tingin ko ay walang magtatangkang lumapit sa akin.

Akala ko lang pala…

“Girl?”

Tumingin ako sa pinto kung saan nakasilip si Diana. Tinaasan ko siya ng kilay.

“Papasok ako, ah?” paalam niya bago pumasok sa loob ng opisina ko. Pagka-sarado niya ng pinto ay naglakad siya papalapit sa akin nang may naka-kurbang ngisi sa kanyang labi.

“Why are you smirking?” tanong ko habang pinagpatuloy ang ginagawa ko.

“Hehehehe!” parang tanga siyang tumawa kaya binalik ko ang tingin sa kanya. Mula sa likod niya ay nilabas niya ang naka-tagong bulaklak.

Nag-taka ako. “You have a suitor?”

“Hehehe!” halos maningkit pa ang mga mata niya habang nakatingin sa taas na animong kinikilig. Parang timang.

Pinag-patuloy ko na lang ulit ang ginagawa ko. “Good for you. You will finally experience to have a boyfriend.”

“Magdilang-anghel ka sana.”

Nangunot ang noo ko, “Hindi naman sa akin nakasalalay kung magkaka-jowa ka o hindi. It’s up to you kung sasagutin mo ‘yang kawawang manliligaw mo.”

“Hindi, ang ibig kong sabihin ay sana nga magka-boyfriend na ako. Sana nga ay may manliligaw na ako.”

Tiningnan ko siya ulit. “Eh, ‘di ba nga, may manliligaw ka na?”

Natawa siya. “Hopefully, sana meron.”

“Anong sana meron? Meron na nga! Bakit, kanino ba galing yang isang bouquet ng bulaklak mo? ‘di ba sa manliligaw mo?”

“Actually, no. Hindi ko ‘to bulaklak. Para sa’yo talaga ‘to.” Inabot niya sa akin ang bulaklak. Tiningnan ko lang iyon nang may pagtataka.

“Bakit mo ‘ko binibigyan ng bulaklak? Nato-tomboy ka na ba?” prangkang tanong ko.

Nanlaki ang mga mata niya, hindi makapaniwala sa sinabi ko. “Excuse me?! Di hamak naman na masyado akong maganda para maging tomboy, noh?”

“Eh bakit mo ‘ko binibigyan ng bulaklak?”

Umirap siya at pinatong ang hawak sa lamesa ko, nangalay na siguro. “Hindi sa akin galing ‘yan. Galing ‘yan sa manliligaw mo.”, bitter na sabi niya, siguro ay naiinggit.

Sinong manliligaw? Sa pagkakaalam ko ay wala naman akong pinayagan na manligaw sa akin. Sa loob ng ilang buwan ay wala akong in-entertain na lalaki kaya papaanong may manliligaw ako?

Medusa's AgonyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon