Chapter 8

26 1 0
                                    


“Arf! Arf!”

Ano ba ‘yang tumatahol na ‘yan? Hindi ba ‘yan mapatahimik ng amo niya?

“Arf! Arf!”

Aish! Isturbo sa pagtulog!

“Arf! Arf!”

Inis akong bumangon mula sa pagkakahiga at saka kinusot ang mga mata ko. Inis kong sinuklay ang buhok ko at saka tumingin sa pinto ng kwarto kung saan nanggagaling ang tahol.

Teka, bakit sa labas ng kwarto ko galing ang tahol?

Inis akong bumuntong-hininga nang maalala na nandito pala si Rhinen, ang aso ni Zian.

Nagpapadyak akong naglakad palabas ng kwarto at nang buksan ko ang pinto ay halos matumba ako nang biglang tumalon sa akin si Rhinen. Nakalaylay ang dila niya at hinihingal na nakatingin sa akin saka tumahol at dalawang beses na umikot palibot sa akin bago tumakbo pababa ng bahay, siguro ay gusto niyang sundan ko s’ya.

Mabagal akong naglakad pasunod sa kanya, tinatamad pa ako. Kung hindi dahil kay Zian ay wala sanang iisturbo sa tulog ko. Kung nagtataka kayo kung bakit ko siya sinisisi? Ganito kasi ang nangyari.

Kagabi, pagkahatid niya sa akin ay agad siyang umalis, hindi man lang nag-goodbye. Nang handa na akong matulog ay mayroong nambulabog sa bahay ko, sunod-sunod na nagpipindot sa doorbell. Agad kong dinampot ang baril ko na nasa bedside table dahil kailangan kong mag-ingat, baka ang stalker na pala ang nasa gate. Pumunta ako sa bintana para silipin kung sino ang nasa gate pero napairap lang ako nang makita si Zian na nakatayo roon.

Binalik ko ang baril ko sa bedside table at naglakad palabas ng bahay. Padabog kong binuksan ang gate at naiinis na tiningnan ang nakangiting lalaki sa harap ko.

“Anong kailangan mo?” nayayamot kong tanong.

“I just want to make sure that you’re safe.”

Nangunot ang noo ko, “How can you do that? Are you planning to sleep here?”

Napakamot siya sa sentido niya, “Actually, I thought of that and I like the idea,” he smirked, “But I also think that you’ll feel uncomfortable if I’ll sleep here.”

“Mabuti naman at alam mong uncomfortable ‘yon para sa akin at hindi talaga kita papayagan na matulog sa bahay o.”

“That’s why I brought Rhinen.”

“You brought what?”

“A dog, si Rhinen.” At saka niya sinenyas ang aso na nakaupo sa likuran niya na noon ko lang napansin, ang asong nagpahabol sa akin. Hindi ko napagilin na ma-singkitan ng mga mata ko ang aso pero agad ko ring binalik ang atensyon sa kausap ko.

Tinaasan ko siya ng kilay at saka ngumisi, “And what will I do with that dog?”

“You will just let him stay in your house and Rhinen will do the rest.”

“What do you mean? That dog will protect me?” I scoffed, “Joke is on you, I can protect my self better than your dog. Baka nga ay siya pa ang pumahamak sa akin.”

Natawa si Zian, “Baby, you are wrong. Rhinen is a kind and keen dog, he will not harm you.”

“How sure are you?”

“Well, he saved my life not just once, twice, or thrice but a lot of times! See? Just let my dog stay here so I could sleep without overthinking. I trust my life to this dog.”

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 10, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Medusa's AgonyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon