Chapter 2

29 1 0
                                    

Hindi ko natapos ang munting dasal sa utak ko dahil imbis na maramdaman ang pagtama ng kotse sa katawan ko, may naramdaman akong braso na pumalibot sa bewang ko at ang sunod ko na lang na namalayan ay ang pagbagsak ko sa semento.

“Hey, okay ka lang?” binuksan ko ang mga mata ko at ang mga nag-aalalang mga mata ni Zian ang una kong nakita.

Hindi ma-proseso sa utak ko ang nalaman ko at ang mga pangyayari ngayong araw. Hindi pa rin matanggap ng sistema ko ang katotohanang makikita ko na ang tunay kong ina at mas nakakagulat na malaman na makikita ko siya sa ganoong kalagayan, na may malubhang sakit siya.

At ngayon ay kamuntik-muntikan na akong mamatay.

“A-akala ko, mamamatay na ako.” yun ang unang lumabas sa bibig ko. Hindi ko alam kung bakit ko yun sinabi, kusa na lang yun lumabas na parang gusto kong ipaalam sa kanya ang tunay kong nararamdaman. Ramdam ko pang nanginginig ang mga kamay ko dahil sa takot sa maaaring nangyari ngayon-ngayon lang, kung hindi lang ako niligtas ni Zian.

Nabigla ako nang yakapin niya ako, a hug that can make me calm. “Shh, you’re safe now. Don’t worry.” I gulped and nod. Yes, I’m safe now. I don’t know why but I feel safe. Humihinto na rin ang panginginig ng mga kamay ko.

Hindi talaga ako nagpapayakap sa kung sinu-sino lang pero iba ang epekto ng yakap niya. It can make me feel safe and secured.

Pero kahit ganun ang epekto nun ay umalis pa rin ako mula sa pagkakayakap niya. I shouldn’t let him hug me. I shouldn’t let anyone touch me.

“T-thank you.” Sincere ako sa pagpapasalamat at nakakabastos man pero tumayo na ako at pinulot ang mga gamit ko. Kusa na rin siyang tumayo at humarap sa akin.

“Next time, mag-ingat ka sa pagtawid, ha?” He said na parang nangangaral, nakataas ang parehong kilay pero nakangiti ng kaunti. I want to smile too but I stopped myself, I shouldn’t be friends with anyone or someone that I just met, tumango na lang ako. “Uh, you have wound on your elbow. Kaya mo bang gamutin yan?”

Tiningnan ko ang siko ko na may sugat pala, nang mapansin na may sugat ito ay saka ko lang naramdaman ang hapdi.

“Oo naman. Kaya kong gamutin ‘to.” Sagot ko. Natuto na akong gamutin ang sariling sugat dahil sa mga naranasan ko noon.

“Malamang kaya mo yang gamutin, but let me do it for you. I’m a nurse.”

I startled because of what he said. Nanlaki pa ang mga mata ko at hindi makapaniwalang napakurap-kurap, “Wait – Weh? Nurse ka? Hindi halata sa’yo.”, hindi naman kasi talaga kapani-paniwala.

“Oo nga! Nurse ako! I’m a licensed nurse.” natatawang sagot niya.

“Ahh, o-okay.” I nodded. “E’di nurse ka, but I can do it alone.”

“Just let me do it. Nakaka-miss magtrabaho as a nurse. Hayaan mo na lang akong gamutin ang sugat mo bilang bayad mo sa akin.” He said with a smile.

“Bilang bayad ko sayo? Baliw ka ba?” di ko napigilan ang matawa dahil sa sinabi niya. Gagamutin niya ako bilang bayad ko sa kanya? Meganon, sis? Ako yung magbabayad pero siya yung maaabala?

He chuckled at napakamot sa sentido. “Oo, baliw na ata ako. Basta pumayag ka na lang para magamot na natin agad, baka ma-infection pa eh.”

“Sige.” Pumayag na lang ako kasi ramdam ko na kukulitin niya lang ako nang kukulitin kapag hindi pa ako pumayag.

“Yes!” hindi ko na pinansin ang pagsuntok niya sa hangin na para bang nanalo siya sa lotto.

Nauna na akong pumasok sa bahay at alam kong nakasunod siya. Nang makapasok sa na sa ako sa loob ng bahay ay nag-ring ulit ang phone ko.

Medusa's AgonyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon