Chapter 7

4 0 0
                                    

“My God, Melissa! Put your gun down!” nanlalaki ang mga matang pakiusap niya sa akin. Hindi na rin niya alam kung saan dapat tumingin, kung sa akin ba o sa daan. Hindi katulad kanina, may kaba na akong nakikita sa mga mata niya.

Hindi ako nakinig, “I will only put this gun down if, and only if, you’ll stop the car.” mariing sabi ko.

He glanced repeatedly on the rearview mirror, as if he’s checking something behind us. Napalunok siya at hindi makatingin sa akin nang matagal dahil nagda-drive siya. “I c-can’t. I can’t stop the car. Please put your gun down.” balisang pakiusap nito.

“I told you what I want.” Pinagdiinan ko pa ang baril sa sentido niya.

He dodged. “But I can’t do that.” he glanced at the rearview mirror again. “C’mon Melissa, please, put your gun down.” hindi mapakaling sabi niya.

“How can I do that if I can’t trust your actions?”

“Then trust me.”

“I won’t,” kinasa ko ang baril na hawak ko. “Now, stop the car.”

“God, I can’t,” muling sabi nito at umiling.

“Kanina mo pa sinasabi ‘yan but you can do it if you want.” Siya ang kumokontrol sa kotse kaya bakit niya sinasabi na hindi niya kaya? Ano? Nawalan ng preno ang kotse niya? “Stupid, kaya ba hindi mo mahinto dahil hindi gumagana ang car brake ng kotse mo? The hell! May pa-Lambo ka pang nalalaman, sira naman pala ang---”

“It’s not like that, okay?” putol nito sa sinasabi ko. Sandali siyang sumulyap sa akin bago nagpatuloy sa pagsasalita, “I won’t let you ride this car kung alam kong may mali. I checked this first bago kita sinundo.”

“Then why are you not stopping?!” diniinan ko ang pagkakahawak sa baril ko.

He looked up and frustratedly sigh before looking back at the road and glancing at me. “Gawd! Okay! I’m gonna tell you now. We have a tail.” mariing sabi niya.

“What?”

“We’ve been tailed.” mas mariing sabi niya.

“What do you mean?”

“Someone’s following us.” He put emphasize on every word.

Agad akong lumingon sa likuran namin, checking if which car is suspicious. Halos lahat naman ay maayos ang takbo kaya hindi ko malaman kung alin ang kahina-hinala. O baka ay wala naman? Baka inuuto lang ako ng kasama ko?

“Hindi ka naniniwala sa akin, ‘no?”

“Honestly, you’re right. I don’t believe you.”

“Let me prove it.” From slightly nervous, he became serious again. Nararamdaman ko na mas bumibilis ang takbo ng sasakyan namin. He is controlling the wheel with one hand while his left elbow is leaning on the window deck, clenching his fist.

Tila nakalimutan na niya na may baril na nakatutok sa kanya. Masyado siyang concentrated sa road, nagsasalubong na nga ang mga kilay niya. His jaw clenched repeatedly. Damn, he’s so hot.

Wait, what?!

Tumikhim ako at inayos ang pagkatutok ng baril sa kanya. Lumingon din ako sa likuran to see if something changed.

“See that black car?” agad kong binalik ang paningin sa kanya, he glanced at the rearview mirror again. “That black car started to overtake other cars no’ng binilisan ko na ang takbo ko. Baka nakalimutan niya na mag-spy secretly?” he smirked.

Binalik ko ang tingin sa likod. Yeah, I can see the car he is pertaining. Nang magover-take si Zian sa ibang sasakyan ay nago-overtake na rin siya. The driver must be trying his best na maging consistent sa pwesto niya, always behind us.

Medusa's AgonyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon