Chapter 3

21 2 0
                                    

Author's note:

Before you read this. I just want to inform you that I edited some parts in the first two chapters. It's just a small but somehow important details. Thank you! Merry Christmas!!

===================================

It’s been weeks mula nang huli kong makita sila Mommy and Roselle, wala na rin akong nabalitaan tungkol sa kanila maliban sa naging maayos ang kalagayan ni Mommy. Hindi na rin ako nakakatanggap ng text message mula kay Roselle at hindi ko na siya kinulit dahil mukhang hinigpitan na sila ng Daddy niya.

Pinapunta ko si Diana doon para malaman ko ang lagay ng mommy ko pero malayo palang siya ay may nakita na siyang bodyguards na nagbabantay sa tapat ng pinto ni mommy. She tried to get inside pero hindi siya pinapayagan ng bodyguards, only Roselle, her Dad, and the expected guests lang daw ang allowed na makapasok.

Nawalan na ako ng pag-asa na makita ulit ang mommy ko. I want to see her badly but I am not allowed to. Dahil sa pangungulila ay ginawa kong abala ang sarili ko sa trabaho. Nakagawa ako ng maraming designs at pumapasok na rin ako sa boutique ko. Binabasa ko rin sa office ko ang reports ng manager ko about sa resort.

At ngayon ay kinakausap—or the perfect term is sinisigawan ko ang palpak kong worker.

“What the hell? Ilang taon ka ng nagtatahi?!” pasigaw kong tanong sa empleyado ko.

Yumuko siya at utal-utal na nagsalita. “P-pasensya na p-po, m-ma’am. H-hindi ko p-po napansin n-na---”

“Can’t you speak properly?! Nakakairita!”

Napatalon pa siya sa gulat dahil sa sigaw ko. “S-sorry p-po---”

“Magsalita ka ng maayos!”

“Hindi ko pa kasi napansin.”

I massaged my forehead because of frustration, itong empleyadong ‘to ay namumuro na sakin. “What an idiot!” Sigaw ko. “Ang tanong ko ay ‘ilang taon’ at hindi ‘explanation’! Palpak na nga, bingi pa!” sinadya kong diinan ang pagkakabigkas ng bawat salita para damang-dama ng mananahing ‘to ang kapalpakan niya.

Mas nairita pa ako nang marinig na humihikbi na ito. The audacity of this woman to cry in front of me when in fact siya naman ang mali?

“Anong iniiyak-iyak mo diyan?!” bulyaw ko.

Nagulat ako nang maluha-luha nang tumingin sa akin ang mananahi at sumigaw din. “Ang sakit mo kasi magsalita!”

“What the fuck?”

“Oo! Tangina mo! Ang sakit mo magsalita! Eh isang beses lang naman akong nagkamali!” hindi ako makapaniwalang tumingin sa kanya. Tangin--- what?! Did she just curse at me?!

“What the hell? Nasaan ang masakit doon sa sinabi ko?!” this woman is really getting into my nerves. “Nasaktan ka na sa mga sinabi ko? Ha! Eh nagsasabi lang naman ako ng totoo! Kung nasaktan ka e’di mag-resign ka! Ano? Magreresign ka?!” palaban na tanong ko.

Nanlaki ang mga mata niya dahil sa sinabi ko, “M-madam, h-hindi po ako m-magre-resign.” She said nervously. Sabi ko na nga ba at ayaw niyang bitawan ang trabaho niya, but I won’t change my mind.

“Hindi ka magre-resign?” I smirked. She nods like a puppy but she isn’t cute. My face turned into serious before I continue speaking, “Then I’ll fire you.”

“M-MADAM!”

“Don’t call me madam, you’re not my employee anymore.” I said after crumbling her resume, application form, and other papers that are already ready in my table before I asked for her presence inside my office.

Medusa's AgonyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon