Chapter 1

73 3 0
                                    

I was always known as a mean girl. There’s a lot of people calling me a ‘bitch’. I can’t blame them, totoo naman, eh. Alam kong pangit ang ugali ko at wala akong balak na baguhin ‘yon para sa ibang tao. Hindi uso sa akin ang salitang ‘adjust’. Kung ayaw nila sa akin, edi ayaw nila, wala na akong pake kasi problema na nila ‘yon.

Minsan na rin akong nasabihan ng “Hindi sa’yo umiikot ang mundo kaya matuto kang makisama.”, well, alam ko naman na hindi sa akin umiikot ang mundo, sa sun kaya. At ano connect ng pag-ikot ng mundo sa pakikisama ko? maapektuhan ba noon ang solar system? They should use their brain properly, duh!

If someone out there is betting their life, waiting for me to change myself, it’s like they commit suicide. Wala akong plano na mag-adjust at hindi ko naman sila inutusan na isugal ang buhay nila.

Maraming tao ang nagagalit sa akin, karamihan sa kanila ay babae. Wanna know why? Maganda kasi ako – no! DYOSA AKO! I can make their boyfriend’s heads turn by just walking in front of them. Hindi naman sa nagyayabang ako pero totoo naman kasi talaga. Wala naman akong ginagawa, naglalakad lang ako, tapos grabe sila makahabol ng tingin. Model ang tingin nila sa akin without knowing na fashion designer ako.

Yes, I’m a fashion designer but I don’t model my designs. Kung tinatawag nila akong ‘bitch’ sa mga normal na araw, ‘monster’ naman ang tawag nila sa akin kapag may fashion show, hindi pa ako nagmo-model niyan, ha? Kilala ako sa industriyang ito dahil sa husay ko sa larangang ito. Maraming kumakalaban sa mga designs ko pero walang nagtagumpay. Mga kilalang tao lang rin ang nakasusuot ng gawa ko.

Being called as a bitch, slut, or monster is not fine with me pero hindi ako gumaganti, kasi wala akong planong babaan ang standards ko para sa kanila. Maraming nagagalit sa akin pero hindi naman makalaban dahil takot din. Maraming sumubok na manligaw pero hindi nakatagal because they can’t handle me, they are weak and they deserve easy bitches. Maraming sumubok na pantayan ang narating ko pero hindi kinaya, sumuko agad.

Aminado ako sa sarili ko na maldita ako, mayabang, mapagmataas na tao, at marami pa. Hindi ako nagsisisi na may ganito akong ugali. Hindi ako nalulungkot dahil nilalayuan ako ng mga tao dahil ayaw nila sa ugali ko o dahil natatakot sila sa akin.

Dahil sa totoo lang, gusto ko ang ganito. Mas masaya ako na sila na mismo ang lumalayo sa akin. Masaya sa pakiramdam kapag kinakatakutan ka.

If they are afraid of me, it only means that I’m powerful.

At kailangan ko rin ng ganitong ugali para maprotektahan ang sarili ko.

Pero lahat ng yun ay nagbago,

noong dumating siya…

"HOLY SHIT!! MY NECKLACE!!"

Agad akong tumakbo para maabutan ang walang hiyang snatcher na nag-snatch sa kuwintas ko. You can take everything from me, kahit ang bago kong Mercedes Benz o kahit ang mga designs ko, wag lang ang necklace ko!

Lumingon lang sa akin ang mga tao at bumalik sa kanya-kanyang ginagawa. Tsk! Mga di man lang tumulong! Kaya hindi na ako umaasa sa tulong, eh!

Nakita kong lumiko yung snatcher sa isang eskinita. Shit! Ayokong pumapasok sa eskinita pero I have no choice!

Kung hindi lang talaga importante sa akin ang kuwintas na ‘yon ay pababayaan ko na lang ‘yon pero hindi eh! Importante ‘yon! Napaka-importante!

Damn it!

Masakit na ang paa ko dahil naka-heels pa ako!

Hinihingal na ako sa pagtakbo dahil malayo na ang narating ko, pero kahit hinihingal, dapat ay maayos pa rin ang poise ko. Nakalabas na rin ako sa eskinita at hindi ko na alam kung saan ako maghahanap, kung sa kaliwa ba o sa kanan.

Medusa's AgonyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon