Chapter 11
Sa apartment ni Lance muna ako matutulog dahil iyon ang sabi niya. Ihahatid nalang daw niya ako bukas sa bahay kapag maayos na ang mood ko.
Pagkapasok namin sa apartment niya ay binuksan niya kaagad ang ilaw, medyo ngumisi ako dahil parang hindi lalaki ang nakatira dito dahil sobrang linis, maayos na nakaayos ang mga gamit, may maliit din siyang bookshelves dito sa may sala, may isang set ng sofa, tapos center table tapos flower vase sa gitna nito. Inilibot ko ang paningin sa buong bahay at napansin ko ang isang picture frame sa gitna ng pader.
Walang pasabi akong lumapit doon at doon ko napansin ang dalawang babae na kasama niya sa picture frame. Ang alam ko ay Ate at mommy niya, pero bakit sila lang? Bakit hindi nila kasama ang Daddy niya?
“You need coffee?” napalingon ako sakanya ng magsalita siya mula sa likuran ko habang inilalagay niya ang susi sa side table malapit sa bintana.
Umiling ako dahil wala ako sa mood na magkape, ibinalik ko ang paningin ko sa picture frame.
“Ate mo 'to 'no? you look alike, parang girl version mo siya” I told him before smiled.
Naramdaman kong lumapit siya sa akin at pumantay siya mula sa pagkakatayo ko.
“Oo, Si Ate Gabbie. Tapos si Mommy ang isa” he replied while his gaze is on the picture frame.
I cleared my throat “Bakit hindi kasali ang Daddy mo sa picture?” tanong ko. Narinig ko siyang napatikhim bago iniwas ang tingin sa frame, ako naman ay hinarap siya.
He sigh before turned his gaze to me. “Lets sleep. Doon kanalang sa kwarto ko matulog, dito nalang ako sa sofa.” iniba niya ang usapan.
I shook my head. “Dito nalang ako sa sofa.”
“Doon ka sa kwarto. Ako nalang dito” napatingin siya sa suot ko “Uhmm you need to change your clothes, okay lang ba kong t-shirt at short ko ang isuot mo? Wala kasi akong pambabae na damit. If its okay to you?”
Tumango ako dahil hindi rin naman ako magiging komportable kapag ganito ang suot ko. Wala din akong choice.
Pumasok siya sa kwarto niya at ako naman ay umupo sa katabing sofa. Naghintay lang ako ng ilang minuto bago siya lumabas, bitbit na ang isang t-shirt tapos sweatshort na kinuha niya sa kwarto.
“Sa kwarto kanalang magpalit, naayos ko naman na ang higaan mo dun, if you need something, don't hesitate to ask me, kong hindi ka sanay sa dilim, pwede mong buksan ang ilaw magdamag. Dito lang ako sa labas” he told me, inabot niya sa akin ang pamalit ko. Napansin ko ring nakabihis at nakapag shower na siya. Nag quick shower lang siya dahil alam niya sigurong naghihintay ako dito sa labas. Tumayo ako bago kuhain sa kamay niya ang damit.
“Are you sure that you're okay here? Okay lang naman kung dito ako Lance.. apartment mo naman 'to, pwede namang ako nalang dito sa sofa”
He shook his head “Its not comfortable if you sleep here, mas okay kong sa kwarto ka para mas komportable kang matulog, don't bother anyway. Sanay naman ako sa sofa” pagpupumilit niya kaya wala na akong nagawa, naisip ko kasing kapag nakipag talo pa ako ay aabutin kami ng umaga dahil hindi siya magpaawat.
“Okay..papasok na ako, hindi ka ba mag kukumot?” tanong ko nang mapansin wala siyang inilabas na kumot pati narin unan.
“Its okay, Bea” ngiti niya. Tumango lang ako bago lumakad papunta sa kwarto niya. Bago ako tuluyang pumasok ay pinasadaan ko siya ng tingin na ngayon ay nag re-ready narin na matulog. Pero mas lalo akong napangiti nang mag sign of the cross siya habang nakaupo, now I know, religious person pala siya.
YOU ARE READING
Sounds Of Waves(Siargao Series #1)
RomanceSiargao Series #1 | Completed Her happiness floated like waves of ocean along the coast of her life, she found happiness in her life in my arms. You never really know what's coming, a small wave, or maybe a big one. All you can really do is hope tha...