Chapter 26

672 24 0
                                    

Chapter 26

“Pinapatawag ka ni Sir Montemayor sa office, may importante daw na sasabihin” ani Katelyn pagkapasok ko palang sa opisina, napatigil ako sa paglalakad.

Ayan na naman, baka mamaya nasa office na naman ni Mr. Montemayor si Safarah tapos mahuhuli kong may ginagawa na naman silang kababalaghan,

Narinig ko ang pagtawa ni Katelyn, “Alam ko iniisip mo, last month pa 'yon pero bakit parang hindi ka maka move on, siguro naman nadala na si Ms. Safarah, wala ngayon yun sa office ni Sir kaya pumunta kana at may importante daw na sasabihin”

I sigh “Hindi ba pwedeng umupo muna ako? Ang sakit kaya sa likod sumakay ng trycicle” naglakad ako papuntang table ko, umupo muna ako doon saglit.

“Bakit hindi ka ba hinatid ni Lance?” curious na tanong niya sa akin.

“Sobrang busy, gumagawa ng project sa capstone nila, alam muna graduating. Tsaka nangako naman siya kanina sa akin na susunduin niya ako dito mamayang out ko.”

Tumango tango siya bago ibinalik ang tingin sa ginagawa. Nag ayos muna ako ng aking sarili bago puntahan si Mr. Montemayor, pagkapasok ko sa kanyang opisina ay nadatnan ko siyang nag aayos ng mga papeles sa kanyang lamesa, nag angat siya ng tingin sa akin at sinabing umupo ako.

“Join me for breakfast, hindi na ako nagpadala ng pagkain mo doon dahil gusto kong sabay tayo. Nasabi sa akin ni Katelyn na hindi mo daw minsan ginagalaw ang mga binibigay ko sa'yo. Is there something wrong on the food?”

Umupo ako sakanyang harapan bago siya sagutin. “Wala naman pong masama sa pagkain Sir, minsan kasi ay busog pa po ako, kaya binibigay ko nalang minsan kay Katelyn para hindi sayang.”

Itinigil niya ang kanyang ginagawa at humarap sa akin , tumikhim pa siya. “Call me Juancho instead of Mr. Montemayor or Sir,”

“Ikaw po ang boss ko, parang hindi naman po ata tama na tawagin ko kayo sa pangalan niyo lang. Baka kong ano pa ang isipin ng mga iba pa niyong mga empleyado”

Tumango siya. “Yes I'm your boss, and as your boss.. kailangan mong sundin ang mga sinasabi ko,” tumigil siya sandali, “And about what happen last month, yung nakita mo kami ni Soren, that was a big mistake for me, siya ang unang humalik sa akin, She did it---”

Mahina akong tumawa “Nako, Sir hindi niyo naman po kailangang mag explain, nakalimutan ko na iyon” sabi ko kahit na hanggang ngayon ay nakakatatak parin sa isipan ko ang nangyari nong araw na iyon, sa isip ko bakit nagpapaliwanag si Sir, eh para sa akin ay wala namang kaso. Single siya, single rin si Safarah, wala na akong paki doon.

Nagulat ako sa biglaang paghawak ni Sir sa aking mga kamay, nakapatong kasi ang mga kamay ko sa lamesa niya, mabilis ko ding inalis iyon dahil hindi ako komportable at tsaka baka may biglang pumasok na empleyado dito tapos ma issue pa kami.

“I'm sorry” sabi niya, natunugan niya siguro ang ibig kong sabihin, tsaka hindi naman normal na aksyon iyon para sa akin, boss ko siya. Tapos alam naman niyang may boyfriend ako.

“Its okay sir, kong wala na po kayong sasabihin, I need to go back to office now, marami pa po akong tatapusin, tsaka nakapag breakfast na po ako kanina” yumuko ako bago nag paalam ulit sakanya, hindi ko na siya hinintay na magsalita dahil dali dali na akong lumabas. Alam kong hindi ko dapat ganun trinato si Sir pero hindi ko lang talaga nagustuhan ang paghawak niya sa aking kamay.

Mabilis akong nagtungo sa opisina namin ni Katelyn, tiningnan niya pa ako ng may pagtataka pero hindi ko na siya pinansin dahil nagtungo kaagad ako sa monitor para tapusin ang na udlot kong ginagawa last week.

Sounds Of Waves(Siargao Series #1)Where stories live. Discover now