Chapter 9

641 28 0
                                    

Chapter 9

Nagsimula na ang fun run pero itong si Lance ay hindi parin siya tumigil sa pang aasar sa akin, pinagtitinginan na nga kami't lahat lahat pero parang wala lang sakanya iyon.

Kaya nung matapos na ang fun run ay napagkasunduan na naming maghiwalay dahil ang sabi ko ay hahanapin ko pa sila Ria dahil nasakanya yung custome na gagamitin ko sa sayaw, pang apat pa kaming mag peperform  pero kailangan ko nang mag ready dahil ayokong mag madali at may hinahabol na oras kapag nag aayos ako.

Pagkarating ko sa classroom ay nadatnan ko ang iba kung kaklase na nag aayos na, ang iba kasi ay hindi um-attend sa fun run kaya malaya silang nag aayos ngayon nang hindi pawis, ako kasi ay pawis na pawis kaya kinailangan ko pang maligo dahil sa lagkit ng pawis ko, hindi naman ako nangangamoy pero hindi ako sanay na hindi nakakapag shower kapag ganito ang itsura ko.

Nakita ko sila Ria sa isang sulok na nag aayos ng kanilang mga sarili kaya mabilis ko silang nilapitan, kompleto sila at ako lang ang nahiwalay sakanila.

“Sarap ng mga buhay oh bakit hindi kayo um-attend ng fun run?” bungad na tanong ko sakanila.

Tumungin si Ria sa akin at napanguso “Nakaka hagard girl, okay sana kung kasabay ko din yung manliligaw ko”

“Sana all nalang” si Darell.

“Kalat na naman ba ang picture namin sa freedom wall, hays kelan ba mamamatay ang isyu namin ni Lance, pakiramdam ko tuloy ay artista na din ako” walang ganang sabi ko bago umupo sa bakenteng upuan, sa tabi ni Lonia.

“Sus masanay kana dahil member ng LOD ang manliligaw mo” singit ni Letisha.

Ngumuso ako “Paano niyo nasabing manliligaw ko siya?” I raised a brow. Napatingin ako isa isa sakanila.

“Halata sa kilos niya dzae, tas nag tweet pa siya kagabi, andaming clue kaya” si Ysabelle habang sinusuklay ang buhok.

Hindi pa kasi ako nag oopen ng social media account ko kaya hindi ko alam kong ano ang pinag popost ni Lance sa Twitter niya.

“Hindi mo man aminin Bea, nararamdaman naman namin na nililigawan ka ng lalaki, but still support, basta kung saan ka masaya doon kami” sabi ni Ria bago lumapit sa akin at tumabi sa bakanteng upuang katabi ko.

Sinang ayunan iyon ng mga barkada ko kaya maliit akong ngumiti.

“Pero mahal mo na ba?” bulong na tanong sa akin ni Ria.

Tumingin ako sakanya. Hindi ko alam ang isasagot ko pero nararamdaman kong may iba akong nararamdaman para sa lalaki. Nasabi ko na ito kay Sheena na masyadong mabilis para maramdaman ko ito kay Lance.

I sigh “M-meron pero hindi ako sigurado dahil parang ang bilis, alam mo iyon?” pabulong din ang pagkakasabi ko.

“Never be ashamed how much you love or how quickly fall. Love fully,love completely, but most importantly—love naturally, and don't you ever apologize for it.Don't ever be sorry for loving the way your heart knows.”

“Basta support kami sa'yo no matter what happen, basta huwag ka lang sasaktan ni Lance, bubugbugin namin iyon kapag pinaiyak ka niya” banta ni Ria.

Sumandal ako sa inuupuan ko bago tumingila sa kisame. “I gave him more time, kong mapatunayan niyang mahal niya talaga ako. I'll go with my decision.”

Matapos naming mag usap ni Ria ay nag ayos narin ako ng sarili ko. Ang sabi ni Sir ay exempted naman na ako pero sinabi kong okay lang kahit na sumali parin ako dahil sayang naman ang pagod sa halos isang linggong pagtuturo kung hindi ko susulitin ngayon. Tsaka okay lang naman iyon para sa akin dahil alam kong mag eenjoy ako.

Sounds Of Waves(Siargao Series #1)Where stories live. Discover now