Chapter 31
Galit na galit si papa ng sabihin ko sakanyang nagdadalang tao, my mother comfort me.. hindi siya nagalit sa akin gaya ng inaasahan ko,pero si papa ay halos patayin na ako dahil ikinulong niya ako sa loob ng aking kwarto buong araw.. iyak ako ng iyak at halos saktan ko na ang sarili ko dahil sa katigasan ng ulo ko. Kong pinakinggan ko lang sana si Lance at Papa na umalis na sa kompanyang iyon ay hindi ko sana nararasanan ang lahat ng ito.
Ilang araw ng nalaman kong buntis ako ay naisipan kong bumalik na dito sa bahay para sa sabihin sakanila ang totoo..na nagdadalang tao ako..alam ko na ganun na ang magiging reaksiyon ni papa dahil ang sabi ko sakanya ay magtatapos muna ako sa pag aaral pero nabigo ko siya..hindi ko inamin kay papa na ginahasa ako, kaya kay mama ako nag open up tungkol sa bagay na iyon..nang kinuwento ko sakanya ang nangyari sa akin ay umaapaw ang galit niya sa boss ko, agad niya akong sinabihan na magsampa kami ng kaso pero tumanggi ako.. hindi pa ako handang sabihin sa mga police..dahil baka kong makulong si Mr. Montemayor ay gumanti siya, baka galawin niya ang pamilya ko..bagay na ayaw kong mangyari.
Umabot siguro ng isang linggo ang pagmumumok ko sa loob ng aking kwarto, tila nagbalik ako sa dating kalagayan ko nong mawala sa amin si Sheena, mas lumala pa ang kalagayan ko dahil natigil sandali ang session ko sa aking therapist. Hindi ko narin naiinom ang mga gamot ko na dapat ay regular ko na iniinom. Lalo rin akong nanlumo ng sinabi sa akin ng prof ko na bagsak ako sa lahat ng subject, My dream as a teacher is taking away from me..nawala na ang lahat sa akin, hindi pa ako nakatungtong sa fourth year pero pakiramdam ko ay nawawalan na ako ng pag asa..parang kinuha na nila ang lahat sa akin, si Lance..yung profession ko, yung pangarap ko..wala na lahat.
I feel so useless, parang wala na akong puwang sa mundong ito. I'm so tired of everything I does. Parang gusto ko nalang sumunod kay Sheena, dagdag pa sa iisipin ko ang batang nandito sa sinapupunan ko, ang dami ko na ngang problema!
Napabalikwas ako ng bangon mula sa pagkakahiga ng maalala kong may binili pala akong mga gamot kahapon, kagabi ko sana gustong inumin iyon pero hindi ako naka kuha ng tiyempo dahil nakadikit si mama sa akin.
Mabilis kong kinalkal ang mifepristone(abortion pill), misoprostol tapos antibiotic sa aking kabinet. I saw this pills on google at ang sabi nila ay effective daw ito para sa mga babaeng ayaw ng pinagbubuntis nila. Dali dali akong kumuha ng tubig sa kusina, hindi ko ipinahalata ang kakaibang kilos ko kay mama para maisagawa ko ang aking plano. Pagkatapos kong kumuha ng tubig ay dali dali akong tumungo sa aking kwarto.
Ayun na eh! Nandon na, Handa na akong isubo yung gamot pero narinig ko ang pagbukas ng pintuan kaya napatingin ako doon, iniluwal nito si mama na may dalang pagkain na nakalagay sa isang tray. Nabitiwan niya ang pagkaing hawak niya at agad na lumapit sa akin ng marealize niyang may hawak akong gamot. Agad niyang tinabig iyon sa kamay ko kaya nabitiwan ko ang gamot at nahulog ito sa sahig.
“Bea! Ano 'yang ginagawa mo!” sigaw niya sa akin. Hindi ko siya pinansin dahil agaran kong hinanap yung gamot na nahulog sa sahig.
“Asan na iyon! Ma hayaan niyo na ako, I will remove this baby kahit na ano pa ang sabihin niyo.” sagot ko. Nagulat ako ng lumuhod siya sa harapan ko para yakapin, kasalukuyan ko paring hinahanap yung gamot ng sabihin niyang itigil ko na dahil hindi daw makakabuti iyon sa akin.
Kumalas ako sa pagkakayakap sakanya at nakita kong umiiyak na siya at nagmamakaawa.
“Ma hindi mo ako maintindihan eh, I don't want this baby inside me..alisin na natin 'to..kasi hindi ko na kaya, hirap na hirap na ako ma.” umiiyak na sabi ko.
Hinakawan niya ang mukha ko “Hindi mo gagawin 'yan anak..hindi pwede. Nagmamakaawa ang mama sa'yo, maawa ka sa sarili mo at sa bata.” nakikiusap na sabi sa akin ni mama, tuloy tuloy ang agos ng luha ko habang nakatitig sa umiiyak niyang mukha.
YOU ARE READING
Sounds Of Waves(Siargao Series #1)
RomanceSiargao Series #1 | Completed Her happiness floated like waves of ocean along the coast of her life, she found happiness in her life in my arms. You never really know what's coming, a small wave, or maybe a big one. All you can really do is hope tha...