Chapter 8
“I wish I have a perfect family, I mean hindi naman yung as in perfect, yung tipong kahit na mahirap lang kayo ay nakikita parin sa mga mukha niyo ang saya at tuwa, yung hindi magulo ganon.”
Ang kaninang dinner lang ay umabot kami sa puntong pinag uusapan na namin ang mga dapat ay hindi pinag uusapan, I mean hindi naman kami as in close ni Lance pero naglalabas ako ng saloobin ko sakanya.
Matapos kasi naming mag dinner kanina ay dumiretso kami kaagad dito sa sea wall dahil magandang tumambay ngayon, hindi naman kasi masyadong malamig, sakto lang, dito kasi may madalas na tumambay kaya hindi na bago sa akin kung may nagpopost ng picture about dito sa lugar.
Narinig kong tumikhim siya. “Kung gusto mong maglabas ng saloobin, I'm always here Bea,I'm willing to listen no matter what. ” sabi niya na agad na nagpangiti sa akin.
I sigh “Wala naman akong problema bukod sa pamilya ko eh, okay naman ang mga kaibigan ko..masaya naman silang kasama, pero alam ko sa sarili na hindi ako fully happy, alam mo iyon? Yung kahit na masaya ka sa mga kaibigan mo pero ramdam mong may kulang.”
Ngumiti siya, pero dumako ang mata ko sa sugat niya sa braso, dahil naka sleeveless lang siya na damit ay kitang kita ko ang matitipuno niyang mga braso.
“Anong nangyari dito?” tanong ko habang dahan dahang hinawakan ang mga braso niya. May galos iyon at may konting dugo pa.
“Wala 'yan, madali lang talaga ako mag ka rushes kaya ganyan, kapag sensitive ang balat ko ay ganyan ang nangyayari, hayaan muna malayo naman sa bituka.” sabi niya. Kahit na may katanungan pa ako ay hindi ko na ulit siya tinanong tungkol sa sugat sa braso niya. Mukhang ayaw niya talagang sabihin kong ano ang nangyari doon. Hindi naman kasi ako naniniwalang rushes iyon. Iba ang rushes kumpara sa sugat, yung sugat niya kasi ay may dugo dugo pa.
Binitawan ko yung braso niya nang mapansin kong nakatingin siya sa kamay kong nakahawak dun.
“Ikaw Lance anong klaseng pamilya ang mayroon ka? May kapatid ka ba?” wala sa sariling tanong ko, wala kasi akong maisip na tanong kaya ayon ang tinanong ko.
I heard him out a sigh. “Bakit mo gustong malaman? Interasado kana ba sa akin?” may halong asar ang pagtatanong niya kaya siniko ko siya.
“Lol! Wala lang akong maisip na pwedeng itanong” sabi ko naman.
“May kapatid ako pero nasa America, si mama at papa lang ang kasama ko dito sa pinas.” sabi niya habang nakatitig sa kawalan.
I smiled “Pero masaya naman kayo 'di ba?”
Tumango siya bago tumingin sa akin. “Ikaw?”
“Masaya siguro..kapag may pera,” tumawa ako. “Sa sugal lang kasi umiikot ang mundo ni papa at kuya..tapos nitong mga nakaraang araw lang ay nalaman naming nakabuntis si kuya ng babae..tapos sa bahay niya pa pinatira..pinatira ng libre.” sabi ko habang nakatingin sakanya.
I noticed sadness pass through his eyes when I said that.
Ngumiti ulit ako “Pero okay narin iyon kesa naman maghiwa hiwalay kami diba? Pero kay Sheena ako mas nag aalala dahil sa sakit niya sa puso, sa isang buwan kasi ay apat na beses siyang inaatake,labas pasok rin siya sa hospital tapos namomoblema pa kami kong saan kami kukuha ng pang gastos at pambili ng gamot niya, hindi rin sapat ang sweldo ko sa part time job ko”
Naramdaman kong lumapit siya ng husto sa akin. “I'm willing to help Bea. If your problem is that I am willing to pay the hospital bills, I can pay for your sister treatment,ano ba yung mga maintenance niya?”
YOU ARE READING
Sounds Of Waves(Siargao Series #1)
RomanceSiargao Series #1 | Completed Her happiness floated like waves of ocean along the coast of her life, she found happiness in her life in my arms. You never really know what's coming, a small wave, or maybe a big one. All you can really do is hope tha...