Chapter 33

765 39 13
                                    

Chapter 33

“Mommy, mommy wake up!”

Naalimpungatan ako ng maramdaman kong may maliit na kamay na tumatapik sa aking pisngi, nang magmulat ay bumungad kaagad sa akin ang maliit na mukha ng anim na taong gulang kong anak.

Ngumiti siya ng malambing.“Mommy, breakfast is ready.. Daddylo and Mommyla cook a breakfast for us. Bangon na” malambing na boses na sabi niya sa akin.

Napangiti ako ng malaki bago nag inat para may pwersa akong bumungon, nang makabangon ay agad ko siyang hinalikan sa pisngi.

“Are you still sleepy, Mommy?” tanong niya sa akin pagkatapos kong halikan.

Agad akong umiling, “No, baby..nawala na ang antok ko ng makita kita. Kanina ka pa ba gising?” tanong ko gamit ang mahinahong boses.

Tumango siya sa akin, parating ganun ang routine namin, hindi ko alam pero nakasanayan ko nang siya palagi ang gumigising sa akin kapag na umaga. Parang siya na nga yung alarm clock ko dahil hindi 'yan makakampante kapag na hindi pa ako gumigising.

Suot pa niya ang kanyang ternong pajama na sinuot ko sakanya kagabi. Hawak naman niya sa isang kamay ang regalo sakanya ni Ria na pink teddy bear. Hindi makokompleto ang araw niyan kapag hindi niya hawak ang regalo ni Ria.

Iniwan ko siya sandali sa aking kama at tumungo ako sa cr para maghilamos at makapag mumog narin, pagkatapos non ay lumabas na ako at binuhat ko siya palabas ng kwarto kahit na nahihirapan ako dahil ang bigat niya. She giggled at me dahil hindi naman na daw kailangan na buhatin ko siya dahil malaki na. Okay narin iyon dahil ito ang bonding namin kapag umaga, umaalis kasi ako dito sa bahay para magtrabaho, nag renta ako ng boarding house malapit sa school na pinapasukan ko dahil hassle na kapag umuuwi pa ako dito sa GL, medyo malayo ang GL to Del Carmen kaya kinailangan kong umupa ng matitirhan..pero umuuwi naman ako kapag biyernes ng hapon o di kaya holiday kinabukasan.

I'm a Director of Academics and Technology in SSCT, bago ako nakatuntong sa posisyon na iyan, marami akong challenges sa buhay na hinarap, nag aral ako ulit ng mag pitong buwan si katriel, pinagpatuloy ko ang pangarap ko na naudlot. Nag pursigi ako hanggang sa maka graduate ako, nag apply kaagad ako as a teacher sa SSCT ng makapasa ako sa board exam at makakuha ng lisensiya nag aral din ako ng master's degree dahil gusto kong college ang turuan ko at wala pa akong isang taon sa trabaho ay na promote kaagad ako at napunta sa ganung posisyon. Sobrang bilis ng lahat, parang binawi lang ang panahon na nasayang noon. Ang bilis ko ding napromote at hindi ko maiwasang hindi makarinig ng mga negative na sabi sabi sa mga co-teachers ko dahil ang bilis ko daw umangat ng posisyon, samantalang sila ay ang tagal na daw nilang nagseserbisyo pero hanggang ngayon ay subject teacher parin sila.

Kasalanan ko ba na maganda ang record ko at may potential ako kaya ako na promote? Hindi naman sisiw lang yong posisyon na iyon, bukod sa malaki ang sweldo, maraming gawain.. pero ang sabi ko sa sarili ko, wala namang madaling trabaho, talagang dadaan ka sa hirap pero sa huli ay matutumbasan iyon ng magandang resulta. Kong mag pupursigi ka.

Masasabi kong sobrang swerte ko kay katriel, siya siguro ang dahilan kong bakit ko naabot ito ngayon.Nagpapasalamat ako dahil binigay siya ng diyos sa akin, parang siya ang naging susi ng lahat.Sa piling ng anak ko, wala na akong mahihiling pa. Sobra sobra na ang mga blessings na natatanggap ko magmula nong dumating siya sa buhay ko.

Sa anim na taong nagdaan, naging tahimik ang buhay namin ng pamilya ko. Wala na akong balita kay Mr. Montemayor, hindi na rin siya nag memessage sa akin. At ipinagpapasalamat ko iyon dahil nakampante na ang pamilya ko. At sana nga hindi na niya kami guluhin kahit na kailan.

Pagkalabas namin ng kwarto ay agad kaming tumungo na dalawa sa kusina, nadatnan ko si mama na naghahanda ng kubyertos at pinggan, si papa naman ay tinitikman niya ang kanyang niluluto, nang makita kami ay dali dali niyang pinatay ang gasol at agad na nagsandok ng ulam na niluto niya.

Sounds Of Waves(Siargao Series #1)Where stories live. Discover now