Kabanata 7: Hinala

26 3 0
                                    

Hindi puting kisame o dingding ang aking nasilayan nang muli kong iminulat ang aking mga mata

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Hindi puting kisame o dingding ang aking nasilayan nang muli kong iminulat ang aking mga mata. Hindi katulad ng kadalasang inaasahan. Mas inisip ko pa ito kaysa sa katotohanang buhay pa ako. Buhay na buhay. Ngunit hindi ako makagalaw. Pinagmasdan ko na lamang ang silid na kinalalagyan ko ngayon.

Kayumanggi na halos kahel ang kulay ng kisame at pader. Mapusyaw ito kaya bumagay sa mas matingkad na kulay ng mga kurtina. Napansin ko din na imbes na isang tipikal na bumbilya ang nagsisilbing ilaw ay isang kalahating bilog na hugis ang nakakabit sa gitna ng kisame. Dilaw ang kulay nito kaya nagmimistulang isa itong araw at ang buong silid naman ay disyerto. Halos lahat ng mga gamit dito ay sumusunod sa kulay ng tema. Sa harapan, sa bandang dulo, nandoon ang pintuan. Mayroon ring maliit na lamesa doon at sa tabi nito ay isang malaking lalagyan ng mga libro. Nakahilera dito ang samu't saring laki at kulay ng mga libro, papel, at kuwaderno. Mukha namang walang nakakabit sa akin na anumang kagamitan na pang-medisina. Wala nga ako sa ospital. Pero mas mainam ba kung nasa ospital ako?

Sumisilip ang sikat ng araw mula sa bintana sa kanan. Nasisinagan nito ang ilang bahagi ng mga halaman sa kaliwa ng silid. Sa bandang iyon ko napansin na mayroon rin palang tao sa tabi ko. Hindi ko maisip kung sino siya pero kapansin-pansin ang pagbabago sa kulay itim niyang buhok na nasinagan ng araw. Naging kulay abo ito. O baka nagpakulay lang siya sa parteng iyon. Natutulog pa yata siya dahil nakatungo lang siya kaya batok at maiksing buhok niya lang ang nakikita ko. Mga alas sais pa siguro ng umaga. Ganitong oras ako nagigising kapag walang pasok.

Sinubukan kong igalaw muli ang aking mga kamay. Wala pa din akong ibang nararamdaman kundi ang kabigatan ng aking buong katawan. Nauuhaw at nagugutom na ako. Pero mas kailangan kong tumagilid ngayon dahil hindi ako komportable na nakatihaya kapag nakahiga.

Hindi ko pa pala naiisip. Nasaan ako? Ang huli kong naaalala ay ang boses ni Daphne matapos maglaho ng babaeng naka-balabal kasunod ng pagkawala din ng mga lalaking humahabol sa amin. Ano nang nangyari kasunod no'n? Nasaan na si Daphne? Si Gwen kaya?

Hindi naman siguro mga masasamang tao ang naglagay sa akin dito. Dahil kung gano'n nga ay wala na sana akong iniisip ngayong mga katanungan. Naiintindihan ko na din nang kaunti ang mga nangyayari. Ibig sabihin rin nito na nasa tunay na panganib ang aking buhay.

Morjen. Rineya. Ako? Hindi ko maisip ang koneksyon sa mga salitang 'yan. Ang tanging naiisip ko lang na maaaring magdudugtong sa akin sa mga Morjen ay ang kuwadernong mayroon ako. Naglalaman ito ng mga kuwento at impormasyon tungkol sa iba't ibang lahi ng mga Morjen, mga alamat, at mga kakaibang nilalang na may kinalaman sa kanila. Ngunit hindi pa din ito sapat para masabing Morjen ako. Dapat alam ko na noon pa dahil sa taong sampu ay nagsisimula nang magpalit-anyo ang isang bata. At wala akong naging gano'ng karanasan.

Ayaw ko munang isipin na may katotohanan nga ang posibilidad na nawalan ako ng alaala kaya wala akong alam sa nangyayari. Ang importante muna ngayon, sa tingin ko, ay mahanap si Daphne at magawa nang gumalaw.

MorjenWhere stories live. Discover now