Kabanata 2: Tambang

47 6 1
                                    

Lumingon ako sa kanan upang matingnan siya

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Lumingon ako sa kanan upang matingnan siya.

"O ano, Sab. Handa ka na?" tanong niya sa'kin.

Nginisian ko ang lalaking kasama ko. Nakahanda na ito at mukhang mas atat pa siya kaysa sa akin. Akala ko ba ayaw niya?

"Kahit hindi mo na itanong, alam mong lagi akong handa," sagot ko tsaka ko ibinalik ang tingin sa harap. Kanina ko pa gustong magsimula.

Tahimik lang kami at nagpapakiramdaman habang parehong hindi iniaalis ang tingin sa tutubi sa aming harapan.

Malawak ang lupaing aming kinalalagyan at bihirang may makikitang tao. Kahit na tirik ang araw, hindi ramdam ang init dahil sa mga nagkalat na mga puno't halaman na humaharang sa sikat ng araw at nagpapalamig sa lugar.

Kasabay ng paglipad ng tutubi ay ang mabilis naming paggalaw. Tumakbo kami ng sobrang bilis, parehong ayaw magpatalo. Mas binlisan ko ang pagtakbo nang maramdaman kong malapit na niya akong malampasan. Na naman.

Marami kaming nilagpasan na mga iba't ibang halaman. Pati na rin mga nagtataasang mga damo na humaharang sa aking daanan. Mabuti na ngalang at hindi masyadong dikit ang mga puno kaya hindi gano'n kahirap tumakbo. Hindi gaanong pasakit sa akin.

Mas lalo akong nainis nang bumagal ang aking pagtakbo nang pataas na kami. Dito ako mas nahihirapan. Samantalang siya parang hindi man lang bumagal kahit kaunti. Ba't ba kasi ang lalaki ng mga hakbang niya? Madaya.

Pero hindi ako magpapatalo.

Binilisan kong muli ang pagtakbo nang makita ko ang puno sa itaas ng burol na aming inaakyat. Alam kong mas mabilis siya kaysa sa'kin, pero hindi pa rin kami tapos at hindi ako magpapatalo.

Nang makarating kami sa itaas, agad kong hinanap ang aking pana sa tabi ng puno. Akmang lalapitan ko na ito nang bigla niya itong hinablot at pumunta sa gilid ng burol.

"Hoy Ravi, akin 'yan!" sigaw ko sa kanya tsaka ko kinuha 'yong isang napakalaking pana na nandoon.

"Hahaha! May nakuha na ako!" tuwang-tuwa niyang saad.

Nagsimula na pala siyang pumana ng mga tutubi habang ako naman ay nahihirapan sa pagbubuhat ng gagamitin ko. Kasing laki ko lang naman kasi itong pana.

Dahil hindi ko ito mahawakan nang maayos, itinamin ko sa lupa ang kabilang dulo nito. Sa paraang ito, mas kontrolado ko ang direksyon na pupuntahan ng palaso.

"Naka-ilan ka na?" inosente kong tanong sa kanya.

"Makakadalawa rin ako mamaya," sagot niyang nakasimangot sa akin.

Dahil inagawan niya ako, hindi ako magpipigil ngayon. Kumuha ako ng isang malaking palaso na kasing taas ko at nilagay sa gitna ng pana. Inapakan ko ang pana sa may bandang baba kaya no'ng hinila ko na ang palaso ay hindi masyadong nahila palikod 'yong pana. Tinutok ko ito sa pinakamataas na tutubi para kapag bababa na ang palaso, matatamaan din ang iba. Hindi nga ako nagkamali.

MorjenWhere stories live. Discover now