Kabanata 4: Dilim

20 4 0
                                    

Nagkaroon ng usok ang buong paligid

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Nagkaroon ng usok ang buong paligid. Hindi ito gaanong makapal ngunit may kakaiba itong amoy. Nagmula ito sa hugis bolang hinagis ng batang lalaki sa sahig kanina. Dahil sa tingin namin ay may masama itong dulot, agad kaming napatakip ng ilong. Ganoon din ang ginawa ni Gwen.

"Mukhang kilala mo na ako," saad ng bata na nagsimulang maglakad-lakad. "Huwag kang mag-alala, hindi kita papatayin kung ikaw nga ang hinahanap ko."

Nagulat kami sa sinabi niyang 'yon. Ibig bang sabihin nito na siya ang may gawa ng mga nangyaring krimen? Nawala na ang usok at nakita ko ang ngisi sa mga labi ni Gwen. Mukha ngang may alam siya sa nangyayari.

Muntik na akong tumayo nang kinalabit ako ni Daphne na kanina pa tahimik dito sa tabi ko.

"Mangkukulam ba 'yong bata, Max?" tanong niya. "Kagaya niya rin kaya 'yong mga tao sa flower shop noong nakaraan?"

"Hindi pa ako sigurado," sagot ko. "Basta ang alam ko lang sa ngayon ay nasa panganib si Gwen."

Muli naming itinuon ang atensyon sa kanila nang narinig namin si Gwen.

"Hahaha! Sa liit mong 'yan kaya mo akong patayin? Huwag mo nga akong lukuhin, bata. Ang liit nga ng pusang kaya mong maging," tawang saad ni Gwen. "Sabihin mo sa amo mo na siya ang humarap sa akin."

Mas lumaki lamang ang ngiti ng bata sa narinig. May kakaiba sa kanya dahil hindi siya nagpatinag sa insulto ni Gwen.

"At ano ang kaya mong gawin? Baka magmakaawa ka pa sa buhay mo. Pero wala akong oras para makipag-talakan sa'yo. Sabihin mo, ikaw ba si Rineya?"

"Huh!" sagot niya sabay taas ng kanyang mga mata. "Hindi. At hinding hindi ko papangarapin na maging siya."

"Mukhang kilala mo siya. At mukhang malaki din ang galit mo sa kanya. Kung sasabihin mo sa akin kung nasaan siya, tutulungan pa kita para mawala na siya sa landas mo. Magandang kasunduan, hindi ba?"

"Sa tingin mo sasabihin ko sa'yo? Wala akong pakialam kung mahanap mo man siya o hindi." Napalitan na muli ng pagkagalit ang kanyang tuno. "Pagbabayaran mo ang ginawa mong pagpatay sa mga inosenteng tao."

"Hay. Akala ko pa naman," dismayadong saad ng bata. "Kung ganoon, tapos na tayo dito. "

Naging berde na muli ang mga mata ng bata. Lumaki at tumulis ang kanyang mga kuko. Umitim ang ilang bahagi ng kanyang mga kamay at paa.

Kumapit si Daphne sa laylayan ng aking damit at kinakabahang nag-aabang sa mangyayari. Maging ako ay natatakot na rin.

Umatras si Gwen. Akala ko tatakbo na siya pero may nilabas siyang maliit na bakal mula sa kanyang bulsa. May pinindot siya dito kaya lumaki ito. Naging bahaba itong patpat. Naghanda yata siya para dito.

"Nakawiwili," tuwang saad ng bata.

Tumakbo ang bata papunta kay Gwen. Sinusubukan niyang kalmutin si Daphne pero nagagawa niyang umiwas. Hinataw ni Gwen ang kanyang hawak na patpat sa kamay ng bata. Natamaan siya at napa-atras. Ngumisi si Gwen at kapansin-pansin naman ang pagkainis ng bata.

MorjenWhere stories live. Discover now