Kabanata 6: Lila

12 2 0
                                    

Tumatagaktak ang mga pawis sa aking noo pababa sa aking ilong habang tahimik akong naghihintay sa kanya

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Tumatagaktak ang mga pawis sa aking noo pababa sa aking ilong habang tahimik akong naghihintay sa kanya. Pigil din ang aking paghinga dahil sa takot na baka marinig niya ako.

Nagkawatak-watak sila kanina nang hinahanap nila kami. Hindi muna ako dumeretso sa gate bagkus nagtago lang ako sa gilid ng isang gusali. Kung tama ang hinala ko hindi din doon ang pupuntahan ng lider nila. Matalino siya sa paghahanap kaya hahayaan ko muna na basahin niya ang bawat galaw ko. Alam kong matutunton niya agad ako.

Itinago ko kanina ang cellphone ko sa isang kahon na aking nadaanan. Nagtakda ng sunod-sunod na alarm at iniwan doon para sundan nila. Sa palagay ko doon pumunta ang karamihan sa kanila. Ang iba ay humiwalay. Metikuloso ang lider nila kaya hindi niya hahayaan na may makaligtaan siyang maiisip naming paraan upang tumakas. Ibig sabihin, malaki din ang tyansa na may pumunta sa gate na daraanan ni Daphne. Kinakabahan ako sa maaaring mangyari sa kanya.

Pero ang importante ngayon ay sigurado akong mag-isa ang lalaki na pumupunta sa kinaroroonan ko. Kailangan ko na namang maghintay.

Tumingala ako sa taas upang pawiin kahit kaunti man lamang ang takot sa aking damdamin at hapdi ng aking mga sugat. Wala ni isang bituin na makikita sa madilim na espasyo ng kalangitan. Tanging ang napakaputing buwan ang naroon na nagmimistulang mata sa aking paghihirap. Parehas kami. Mag-isa.

Ilang sandali lamang ay nakarinig ako ng mga yapak. Dumating na nga siya. Tama ako, mag-isa lang siya ngayon. Nang makita kong nasa tamang puwesto na ang lalaki ay buong lakas kong itinulak ang malalaking hagdan papunta sa kanyang kinatatayuan. Napaupo pa ako dahil hindi ko na kinaya ang sakit ng aking katawan.

Sumabay sa tunog ng pagbagsak ng hagdan ang malakas na sigaw niya dahil sa sakit ng biglang pagkakadagan nito sa kanyang katawan. Sa lakas nito ay maaaring narinig na ito ng kanyang mga kasamahan kaya alam kong papunta na sila sa kinaroroonan namin ngayon.

Pinilit kong tumayo kahit na may iniindang sakit at tumakbong paika-ika palayo sa kanya, sa kanila. Ipinagdarasal kong maglalaan ang ginawa kong 'yon ng sapat na oras para makalayo ako at makatakas na din sa wakas.

"HAHAHA!" Napatigil ako sandali nang marinig ko ang malakas na pagtawa niya. Kahit na nasa gano'ng sitwasyon na siya ay nagawa niya pa ring tumawa. Kinilabutan ako. Hindi ko alam kung natawa siya dahil nasisiraan na siya ng ulo o dahil alam niyang kahit anong gawin ko ay maabutan nila ako.

Hindi dapat ako magpa-apekto sa mga salita niya. Pinagpatuloy ko na lamang ang aking pagtakbo at nang paliko na ako pakanan sa isang eskinita sa pagitan ng dalawang gusali ay narinig ko siyang nagsalita. "Tumakbo ka hangga't kayo mo, kamahalan. Galingan mo ang pagtatago dahil hindi mo gugustuhin ang mangyayari 'pag nahuli na kita!"

Mas binilisan ko pa ang aking pagtakbo dahil sa sinabi niyang 'yon, kahit na sumasakit pa lalo ang mga sugat ko sa binti. Sumabay pa sa aking panginginig ang kanyang banta. Sinabi kong hindi ako magpapa-apekto ngunit hindi ko magawa.

MorjenWhere stories live. Discover now