Chapter Seventy-nine

375 7 2
                                    

One week later, ok na talaga si jp. Nakaka kain na siya at wala namang epekto ang bagong puso niya sa katawan niya and also, na discharge na siya sa hospital at nag papahinga sa bahay.

tanghali na, at napag pasyahan kong puntahan si howls sa bahay niya, simula kasi nung nagising si jp di ko na siya mahagilap. Tarantado yun di man lang bumisita kay baby beeb, kapag talaga makita ko yun kakalbohin ko talaga yun.

nag commute lang nanaman ako katamad mag drive. Pumasok na ako sa Apartment ni howls. Yup alam ko na nasaan ang address ni howls ibinigay iyon sakin ni Jp ang daya kasi ni howls di niya man lang ako iniimvite na tumambay sa bahay niya kahit naman di ko siya maalala ei nararamdaman ko namang comfortable ako sa kanya.

"good morning ma'am ano pong sadya nila?"sa intrance palang ei may sumalubong na sakin na magandang babae, shempre condo to kaya malamang may sasalubong na front officers sayo, sosyal. Nginitian ko naman ito

"um.. Alexa mae tuazon howls' friend. Anjaan ba si howls?" tanong ko.

"ahh sandali lang po ah? i coconferm ko lang po." sabi niya at tumango naman ako. tumawag yung front desk attendant sa room ata ni howls Tapos pina alam na andito ako tapos maya maya'y ibinaba niya na ang telepono.

"sinabi po ni mr. Shiro na mag hintay lang po kayo sa coffee shop. Sasamahan ko po kayo papunta doon." sabi niya nag taka man ako pero sumunod nalang ako.

sinamahan ako ni ate girl dito sa coffee shop at in fernes ang ganda  ng coffee shop na ito. Napaka relaxing ng ambiance at pag pasok na pag pasok mo palang ay sasalubong na sayo ang mahalimuyak na amoy ng kape.

"mag hintay lang po kayo rito." sabi ni ate girl at tumango naman ako saka ngumiti.

"sige salamat." sabi ko ng pag alis ni ate girl ay agad namang may lumapit sakin na waitress at kinuha ang order ko.
.
.
.
.
.
.
.

ilang minuto lang naideliver na sakin yung order ko, coffee americano super enjoy ako sa drink ko ng matanaw ko si shiro na papalapit sakin, napakunot noo naman ako Dahil mag isa lang siya. Asan naman kaya si howls?

"good noon ms. Alexa."bati sakin ni shiro nginitian ko naman siya.

"masyado ka namang pormal shiro. Drop the formality.."sabi ko at tumango naman si shiro saka umupo na sa harapan ko. Bali face to face kami.

"Umm.. Si howls? Nasaan ba siya?busy ba siya kaya di siya maka punta rito?" tanong ko. Agad na umiba ang expression ni shiro yung stiff na emotion niya biglang nag iba.. Mukha siyang nalungkot.

"shiro?" tawag ko sa kanya. nakita kong mejo nangilid ang mga luha niya kaya mas lalo akong nag taka.

"o-ok ka lang ba?" tanong ko saka tumango naman si shiro.

"ipinapabigay pala ito ni howls sa iyo." napatingin ulit ako sa maliit na envelope na ipinatong ni shiro sa mesa. Kinuha ko ito saka binuksan at nag lalaman ito ng isang USB.

"para.. Saan ito?"tanong ko kay shiro.

"si howls lang ang nakaka alam niyan pero ang bilin niya sakin...nais niyang  ibigay ko ito sayo kapag wala na siya." nalito ako sa sinabi ni shiro

"b-bakit? A-asan ba si howsl?" deretso akong nakatingin kay shiro, mamula mula ang ilong nito at parang maiiyak pero pinipigilan niya lang... Hindi ko maintindihan...

Tahimik kami ni shiro ng bigla akong may maisip na dahilan kung bakit hindi ko mahagilap si howls...

Hindi kaya...

"shiro..."

"si howls ba?" i paused at tumitig kay shiro.

"sagotin mo ko... Si howls ba ang nag donate ng puso kay jp?" Hindi na nag salita si shiro pero para niya saking ipinahiwatig na silent means yes.

I'm a Gay but my Wife is a Mafia Boss [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon