jp's P.O.V
umalis si mamshi ng di kami nag uusap, sinabi niya lang kay alexa na mag tatrabaho na siya at mag iingat daw kami as pag vacation namin at umalis na agad ng di nag papa-alam saakin.
ngayon ang alis namin papuntang paris, then after a week sa italy nanaman kami its so disapointing na di talaga sumama si mamshi sa'min ni alexa but what can i do? di ko naman siya ma pipilit dahil sa ngayon umiiral yung word na 'tampo' ako sa kanya.
nasa loob na kami ng eroplano at any minute from now lilipad na tong airplane sana naman maging safe ang trip na to.
"baby beeb.. ok ka lang ba?" biglaang tanong sakin ni alexa. tiningnan ko siya saka nag smile
"oo naman ok lang ako." sabi ko sabay kiss sa noo niya. i know dapat magalit or mag tampo man lang ako kay alexa dahil maski siya may tinatago sakin but i can't do it, siguro masyado na akong into alexa kaya kahit na alam kong may tinatago siya pilit ko iyon kinakalimutan at nirerespeto ang desisyon niya. naramdaman kong humiga sa balitak ko si alexa at tiningnan ko lang siya.
"i'm sorry.." sabi nito. alam kong guilty siya kaya tumahimik nalang muna ako.
"let's just enjoy this vacation." sabi ko then tumango naman siya. isinandal ko ang ulo ko sa upuan saka pumikit.
mga ilang sigundo'y naramdaman ko nang nag take off na yung eroplano, nakakatakot pero mas pinili kong huwag matakot...
-------
"baby beeb Cr lang muna ako." paalam sakin ni alexa ng makababa na kami sa eroplano at nasa airport palang kami. tiningnan ko siya saka nginitian at tumango.
"ghe bilisan mo lang baka kasi di ko matiss mamiss kita agad." biro ko na ikina tawa naman ni alexa
"sira ka talaga baby beeb." sabi niya
"suuus kinilig ka naman sabunutan kita." sabi ko na mas ikina giggles ni alexa
"ghe baby beeb hintayin mo lang ako ah." sabi pa niya saka umalis na agad. naupo ako rito sa mga benches at nag fb, scroll up scroll down then like dito, react doon ngiti sa mga meme na pinag seshare ni cris, tung baklang to wala nang matinong magawa sa buhay ngayong bakasyon kada araw ibat-ibang meme nalang pinag she share, kaya naman puro siya nakikita ko sa newsfeed ko!.
"excuse me...." bilang nakuha ng isang boses babae ang attention ko kaya madali ko siyang napansin.
napatingala ako at bumungad sakin ang babaeng maputi, may curly long hair, naka sout ng black coat at naka boots ng black, color orange brown ang buhok niya at naka curl ito sa tingin ko hanggang siko niya ito, di ko makita ang kulay ng mga mata niya dahil naka shades siya, kapansin pansin din ang napaka pula niyang lips dala ng lipstick niya, i think mejo matangkad, maybe kasing tangkad niya lang si alexa at sa estimate ko kasing payat niya rin si alexa.
"y-yes?" tanong ko tapos ngumiti siya ng maaliwalas
"can i seat besides you? umm i mean if there's someone seating next to you?" tanong niya tiningnan ko naman yung katabi kong upuan at bakante naman ito kaya nginitian ko rin naman agad siya
"no there's no one seating there so you can seat there comfortably." charot english ako ng english ewan ko kung tama ba grammar ko puteeka! agad namang ngumiti ulit si ate girl saka umupo sa may kaliwa ko. nung una'y mejo awkward.. pero mga ilang minuto lang din naman naging ok na ako. i secretly look at her and she's busy kalikutin yung cp niya.
"are you filipino?" biglaang tanong ni ate girl na ikina gulat ko
"huh? y-yes.." sagot ko then lumingon siya sakin saka nag smile
"great. i'm also a filipino, or more or less i have a filipino blood. names mika, short for michaela." sabi niya sabay extend ng kamay niya sakin. una'y nag dalawang isip pa akong e shakehands siya pero maya maya'y ni shake hands ko narin.
"i'm-" di ko pa nasasabi pangalan ko ng agad na nag salita si mika
"dont bother to introduce yourself, i know who you are." sabi niya na ikinagulat ko. mas lalo naman siyang ngumiti.
"john peter deguzman right?" sabi niya saka kumunot ang noo ko
"do.. i know you?" tanong ko at ngumiti namn siya
"well you dont know us but we do know you." sagot niya na ikina kunot noo ko. mas lumapit pa sakin si mika.
"might ask you a question, do you really know where did you came from mr deguzman?" tanong niya. actually hindi rin ako makasagot. ano daaw? Chararat din tong isang to ah?
"mmm.. di mo ba natanong sa sarili mo na... bakit ikaw ang ilalagay ni alexa sa pagiging mafia boss? na your just a simple guy opps i mean gay na walang kaalam alam sa mafia world?" bigla akong nakaramdam ng kaba, curiousity. agad namang sumeryoso ang mukha ni mika
"its about your father John peter, oh i might say... its all about your family history." sabi niya
"a-ano bang pinag sasabi mo miss? family history? like ok ka lang teh? gaya nga ng sabi mo i'm gay ok? lumaki ako sa pamilyang hindi marunong makipag away at ni hindi alam ang salitang mafia okie? maybe alexa appoint me dahil she trust me. Teka nga sino kab--" sabi ko then ngumiti ulit si mika then cuts my words
"talaga? does she realy trust you or..." then i double doubt
"o-or what?" tanong ko
"or ikaw talaga ang karapat dapat na maging mafia boss at hindi siya?" naka ngising tanong ni mika. bigla akong nagulohan sa itinanong niya kaya agad akong umiling.
"t-teka sino kaba?" tanong ko na mas ikina ngisi niya.
"soon, makikilala mo rin sino kami and i assured you na we will telling you soon enough who you really are mr. deguzman but for not now.." sabi niya tsaka nag alsa balutan mga beks!
"i need to go. nice meeting you Jp." sabi niya at tumayo na siya
"we'll just call you when your ready to know the thruth." sabi niya saka umalis na pero bago pa siya umalis humarap muna siya sakin
"by the way, don't tell anything about this to alexa, it might blew the secrets. hindi naman masamang mag lihim ka sa kanya right? infact she also keeping some secrets from you." sabi niya at tuloyang umalis. naiwan akong tulala ng mga ilang saglit pero napansin kong may something na naiwan yung babae sakinauupuan niya kanina.. isang card.. transparent ito pero kapag itinapat mo sa araw makikita mo ang katagang...
'black mamba'
"black mamba? sino sila?"
"baby beeb..." ng marinig ko ang boses ni alexa agad kong tinago ang card na hawak ko. saka lumingon sa kanya't ngumiti
"o tapos kana? tara na punta na tayo sa hotel, gusto ko nang mag pahinga ei." sabi ko agad namang ngumiti si alexa
"sige.. tara." at umakbay sakin. habang papaalis kami ng airport sekreto kong tiningnan si alexa.
sorry alexa, i know hindi dapat ako mag tago ng secreto sayo.. pero nagugulohan ako... gusto kong malaman anong tinutokoy ni mika, anong black mamba.. at anong sinasabi niyang may dapat akong malaman tungkol sa tatay ko? hindi ko muna sasabihin ang lahat kay alexa.. sakana na.. kapag alam ko nang sagot sa lahat ng katanungan ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/251603346-288-k677298.jpg)
BINABASA MO ANG
I'm a Gay but my Wife is a Mafia Boss [completed]
Genç KurguOk... my beautiful story starts like this.. Once upon a time may isang babaeng patay na patay sa kagandahan ko. Her name is Alexa Mae Tuazon, Matagal niya na akong crush, simula 1st year high school ay crush na crush niya na talaga ako until now na...