Alexa's p.o.v
Nakalimutan kong saturday pala ngayon kaya naman napagising ako ng maaga. HAHAHAHAHA! FEEL ME? Nag almusal na ako't lahat lahat kulang nalang mag ootd na ako tapos maalala kong saturday pala ngayon, diba ang saya?
Andito ako ngayon sa sala naka upo sa sofa habang nanonood at feel na feel ko ang malamig na panahon dahil may pakaunting ulan.
"ArE yoU ReAdy KiDs?~ AyE aYe CapTain!~ i CanT hEar you?~ Aye ayE capTaIn!~ oHhHh~ wHo Lives iN piNe apPle undEr tHe seA?~"
"Spongebob square pants.."
"AbSorbant aNd yelLoW AnD PoRoUs Is He!"
"SpOnGeboB SqUarEpaNts!"
"Spongebob squarepants"
"If NaUtiCal nonSensE bE soMetHinG yoU wisH!"
"SpOngEbOb sQuarEpaNts!"
"Spongebob-- ma? May pupuntahan ka?" Sinasabayan ko yung tittle sequence ng spongebob ng biglang lumabas ng kwarto si mama na bihis na bihis.
"Ma? May pupuntahan ka?" Tanong ko.
"Ahh oo pa ubos na kasi yung grocery natin kaya naisipan kong mag grocery ngayon." Sabi niya
"Samahan na po kita?" Tanong ko pero nginitian niya lang ako saka umiling
"Wag na anak, kaya ko naman na tsaka saturday ngayon kaya dapat mag pahinga ka't mag ka roon ng wee time for yourself." Sabi ni mama
"Si-sigurado po kayo?" Tanong ko at tumango siya.
"Kung gusto mo lumabas ok lang, just text me what time ka uuwi..ok?" sabi niya. Tumango ako saka ngumiti agad.
"Oh sha, alis na ako." Sabi niya sabay kiss sa noo ko
"Ingat po kayo." Sabi ko at umalis na siya, ng maka alis na si mama ipinag patuloy ko na yung panonood ng spongebob
--------
5 episodes done at ito ako tulala dahil tapos na ang spongebob na lagi kong pinapanood kaya naman nilipat ko na ang channel kaso walang magandang mapanood kaya pinatay ko nalang. Bumuntong hininga ako saka humiga sa sofa at tumitig sa kesami.Ang boring.. wala si mika na pwedi kong maka usap at wala rin si mama na pwedi kong maka bonding mag luto..
"anong magandang gawin?" Tanong ko sa sarili ko pero tahimik lang na kapaligiran ang naririnig ko. Tumayo na ako't nag isip.. ng bigla kong ma trip na lumabas, dumungaw muma ako sa bintana at tumahan na ang ulan so i decided na mag lakad lakad muna sa may labas. Pumunta na ako sa kwarto ko at nag bihis. I wear white longsleves pero offshoulder tapos nag jacket ako ng manipis lang na color pink. Diba? Parang tanga lang mag o-off shoulders pero mag jajacket naman. I also wear my gray tattered jeans and white shoes. Ito sana ootd ko ngayon kaso saturday pala kaya ito sinout ko nalang,Sayang din naman kung mag iiba ako ng outfit.
Lumabas na ako sa bahay at dumerederetso sa may park. Mejo malayo mula sa bahay ang park pero malalakad mo naman ang distance nito, as expected mejo gloomy ang langit at dahil nga sa kakatapos lang ng ulan wala gaanong tao sa park. Basa ang mga benches pati damo nakaka bad trip pero ano nga bang expect mo alexa? Ei katatapos lang umulan, d ko alam saan ako uupo kaya nag pasya nalang akong pumunta doon sa library namin dito para makapag basa.
"Oh ija, ikaw pala iyan. Ang tagal mo ring di nagagawi rito?" Tanong nung librarian.
"Oo nga po ei, na busy po kasi sa school." Sagot ko. tumango naman siya at ibinigay ko na yung card ko.
"Open time po." sabi ko at nilista naman nung librarian yung name ko. Actually lagi akong nagagawi dati rito nung time na nangungulila ako kay jp, nag babakasali akong makita ko rito si jp pero.. hayst hanggang ngayon di ko parin siya nakikita. Dalawang palapag itong library na ito, dito sa baba pwedi kang bumili ng makakain mo't sa taas naman ang mga libro, may pa wifi rin sila kaya di naluluma tong library nato kahit na 90 years na itong nakatayo sa gitna ng village na ito. Bali kung sa iba uso sa kanila ang internershop dito samin uso itong library na ito, all in one kasi kung gusto mo ng books pwedi rito at kung gusto mo computer, meron rin rito. Bumili ako ng coffe at shawarma saka pumunta sa secomd floor. Pag bukas ng elevator... opo may pa elevator rin silang nalalaman, agad na bumungad sakin ang pagkalaki laking mga book shelves. Natuwa naman ako kaya derederetso akong tumingin ng librong mababasa ko. Doon ako sa story section, lagi naman ako doon tumatambay ang gaganda kasi ng mga libro doon. Kumuha na ako ng isang libro, his into her ang tittle or inshort.. HIH ang tagal ko rin tong binabasa hanggang ngayon di ko po tapos. Napaka ganda kasi ng flow ng story talagang ma hohook ka.

BINABASA MO ANG
I'm a Gay but my Wife is a Mafia Boss [completed]
Novela JuvenilOk... my beautiful story starts like this.. Once upon a time may isang babaeng patay na patay sa kagandahan ko. Her name is Alexa Mae Tuazon, Matagal niya na akong crush, simula 1st year high school ay crush na crush niya na talaga ako until now na...