six

3.2K 210 106
                                    

Sadly, our supposed "serious talk" didn't happen the next day. Nagkaroon kasi siya ng biglaang segment shoot sa Vigan at kinailangan niyang mag-overnight doon for two days. He even offered na i-cancel ang shoot para matuloy pa rin ang scheduled "talk" namin pero tumanggi ako. As much as I badly wanted to hear his explanation, I couldn't let him give up an important work schedule for a matter like this. Makakapaghintay naman siguro ang usapan namin, pero ang trabaho? Hindi.

We decided to push our meeting on Friday night after ng work ko. This would give me ample time to concentrate on my deliverables and at the same time, ihanda ang sarili ko sa kung anumang sasabihin niya sa 'kin. Na-se-sense ko ang urgency sa kanya kaso...again, why me?

"Date night?" biro sa 'kin ni Meds nang magclock out ako ng maaga come Friday night. I usually stay at the office until 8pm on Fridays para makaiwas ng traffic, pero today, nag-out na ako ng 6:30pm.

"Sira ka, as if may ka-date ako," sagot ko habang chini-check kung na-shutdown ko nang maayos ang desktop ko. Napailing na lang si Meds na busy sa pag-co-compile ng forms sa cubicle niya. "Ka-date ko sarili ko sa bahay, ano."

"Baka naman si Dan yan, ha. I'm watching you."

What's with their fixation with me and Dan ba? Super weird. I shrugged her off and said goodbyes to my team and other office mates then left. Hindi na ako nag-ayos pa ng buhok or nagmakeup. Si Dan lang naman yan, ilang beses na niya akong nakitang dugyot. Tsaka baka isipin niya na isang tumataginting na yes ang sagot ko dahil nagpaganda ako.

Not a chance.

Sa Tropical Hut malapit sa bus stop na binababaan ko araw-araw kami magkikita. Some may think na odd choice ito for Dan considering na nagkalat ang bagong restaurants at food parks sa Makati CBD. Ang layo rin nito sa typical na "aesthetic" niya sa social media. He used to be the host of this food travelogue program years ago na nag-feature sa iba't ibang unique restaurants and food establishments sa bansa kaya puro aesthetic food shots ang laman ng Instagram niyan. Napaka-360 degrees nito sa morning show host/social media thirst trap persona niya. Malamang magugulat ang ilan sa Dan stans kapag nakita siya ng mga ito na naghihintay sa loob ng isang lumang restaurant.

Pero ang hindi alam ng karamihan, mahal na mahal ni Roldan del Rosario ang Tropical Hut.

You see, naging favorite spot namin ang Tropical Hut years ago, noong kami na lang ang laging magkasama after lumipad ni Andreau papuntang New York. Ang dami naming memories sa isang branch ng Tropical Hut malapit dating apartment ko noong pagka-graduate ko:: dito niya ako sinamahang magreview overnight for the boards, magstress eat kapag sukang-suka na sa trabaho, at ilang episode pitches din ang na-conceptualize namin habang nagpapakabusog ako sa Hawaiian Glee, at siya naman sa Sili Burger.

This was our sacred place, our thing.

And for him to choose this place for tonight's "serious talk" scared the shit out of me. So he wasn't kidding about the serious bit. Parang ayoko na pumunta.

Yet here I was, standing inside of my beloved burger joint, taking in the familiar sight of its yellow green walls and vintage interiors. Kahit saang Tropical Hut branch man ako magpunta, iisa lang ang pakiramdam ko: this is home. One thing I love about this restaurant chain was the fact pinili nilang i-retain ang ganitong aesthetic kaysa sa makipagsabayan sa kung anong uso. Tila tumigil ang oras sa loob ng restaurant na ito, eh. Ganitong-ganito ang itsura na naalala ko sa Tropical Hut na pinupuntahan namin ng lola ko noong bata pa ako. Nararamdaman ko pa rin 'yung comfort, 'yung saya ng kabataan ko kapag kumakain ako rito, at isa ito sa mga pinagkakasunduan namin ni Dan.

He feels the same about this place. Ilan sa favorite childhood memories niya rito sa Pinas ay nangyari sa loob ng Tropical Hut. Dito raw sila madalas dalhin ng parents nila noong bumalik sila galing ng California. 'Yung mga panahong buo pa ang del Rosario family, wala pang drama and such. Gustung-gusto ni Dan pumunta rito para mag-unwind at mag-usap about serious stuff.

Too Busy Being YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon