Si Dan na naman ang bumungad sa 'kin pagkasakay ko ng bus the next morning.
This time, he took over the cooking show segment of GUP. Nasa field assignment daw kasi si Manang Zeny, ang original host ng segment, and since matagal na ring hindi nakapagluto si Dan, siya na ang nagvolunteer. (Paano ko nalaman? Syempre, kinwento niya sa intro ng segment.) He proudly wore the infamous Kiss The Chef apron he'd burnt last year habang nagluluto siya ng binakol. All smiles pa ang gago habang nagpapakitang gilas ng non-existing chopping skills niya, as if talagang marunong. Sus, ako pa ba niloko niya? Magprito at mag-init ng tubig lang ang alam niyan sa kusina.
"Para sa mommies dyan na gustong turuan ang kanilang mga anak na magluto, make sure na maingat po tayo sa paghawak ng matatalim na bagay," lecture ni Dan while looking at the camera. Maya-maya lumipat ang focus sa paggayat ni Dan sa luya. "Ayan, isasama ko ang balat kasi malinis naman ang luya ko."
Sana mahiwa niya ang daliri niya. Isang ganti lang para sa 'kin, Universe.
Ayokong masira ng annoying presence niya ang umaga ko kaya nakinig na lang ako ng podcasts at sinubukang umidlip sa biyahe. It's a Wednesday, a very hectic day for me dahil naka-schedule sa araw na 'to ang mabibigat na meetings ko.
I still couldn't shake off my anger from yesterday's lunch meeting with him. Sa eleven years naming magkaibigan, ito pa lang ang pangalawang beses na nagalit ako sa kanya, 'yung as in totoong galit ha. Bihira akong magalit at magtanim ng sama ng loob —that shit's not healthy— kaya pag nagalit ako sa 'yo, that means you offended me so much.
'Yung sinabi ni Dan kahapon? It's a big NO for me.
Sinong matinong lalaki ang magsasabi—mag-aalok— ng gano'n sa kaibigan niya, ha?
Of course, I said no.
Vehemently, if I may add.
At ang loko, he even had the audacity to ask why. Mas nainis ako sa maang-maangan school of acting niya kaya nilayasan ko siya after i-serve ang pagkain ko.
The asshole didn't even run after me. No calls the whole day, either. Good, kasi mas ikakagalit ko 'yon.
Thanks to him, I was in a foul mood the rest of the day. If my officemates noticed the change in my mood, they didn't say anything. Despite that, I still aced my presentation at napuri pa nga ako ng higher ups namin. That small win made me forget Dan's dumbass query.
My happiness didn't last that long, though.
Bumalik ulit ang inis ko nang accidentally kong na-view ang Instagram story niya kaninang tanghali. He shot a short clip of Di Cofi's interior, at mukhang kinunan niya 'yon right after I left him. My god, I'm so mad at him.
Nag-overtime pa naman sana ako para mabawasan ang major tasks ko this week kaso I ended up spending two hours shredding confidential papers just to clear my head.
Ang dami niyang ibang girl friends diyan na pwede lokohin — pagtripan — tapos ako pa talaga ang pinili niya? Of all people? Napaka-gago lang.
I take romantic relationships seriously kahit na bigo ang lahat ng past experiences ko. Dan knew that. Isa siya sa mga taong unang tinatakbuhan ko every time I break things off with my exes. Siya ang kasama ko sa post-break up walwalan nights, and heck, we even have our thing kapag ready na ako mag-move on. Alam 'to ni Dan, eh. Siya ang pinaka-nakakaintindi ng pinagdanaan ko.
Tsaka as if may maniniwala na kami. Si Mars lang siguro ang mauuto namin. Ilang taon na ata niyang pinagdadasal na magising kami sa katotohanan na "in love" kami ni Dan sa isa't isa. But the rest of our friends, lalo na si Zade? Naku, pupusta ako na isusugod nila kami sa ospital para ipa-check up ang mga utak namin, baka nasobrahan ng pagka-alog or something kaya kung anu-ano ang naiisip.
BINABASA MO ANG
Too Busy Being Yours
ChickLitThe first time they met, Kesh hated Dan. The second time, Dan hit on her. The third time, they became friends. They were friends for a long time....until a stupid slip of tongue ruined everything. [The Spaces in Between spin-off]