The first time I met Dan, I hated him so much.
Disclaimer: 16 years old lang ako noon na avid fan ng Pinoy showbizness. And if you're like me na isa sa libu-libong teenage fans ni Andreau Cortez at that time, public enemy number one mo talaga si Roldan del Rosario.
Looking back, sobrang babaw lang ng dahilan ng galit ng majority ng Dreausters kay Dan. May kumalat na blind item noon tungkol sa isang diumanong closeted teen actor na nahuling nakikipaghalikan sa restroom ng isang high-end bar. They could've pinpointed any rising teen actors then kaso nagsusumigaw ang initials ni Andreau sa title ng blind item plus...ka-body built nila ni Dan ang nasa controversial photo.
Bilang hardcore fangirl na may weird ownership sa kanilang idol, nagalit ako kay Dan. Hindi ko matanggap ang possibility na bading ang idol at crush kong si Andreau Cortez, at baka totoo ngang may relasyon ang magbest friend. Napaka-convincing din kasi ang follow up article sa Chismis Squad noon. As in they dissected Andreau and Dan's friendship since childhood in great detail na mapapasabi ka na lang ng Ay, baka nga totoo 'to after reading it.
At doon nagsimula ang shitshow sa career ni Andreau.
Isang malaking gulo ang nangyari sa Dreausters noon. Pinaka-affected ay 'yung shippers nina Andreau at Sarah Morales, isa sa actresss na naka-loveteam ni Andreau. Ibang klase rin sola, araw-araw pinapa-trend si Andreau, saying na hindi nila tanggap kung totoo man ang kumakalat na chismis. Ang tanging gusto lang nilang mangyari ay maging "real" ang "reel" relationship ng Sardreau. Pinagsa-spam nila ng hate comments ang lahat ng public social media accounts ni Dan, nagpa-trend ng malicious hashtag sa Twitter...
Sobrang kalat. All because of an unconfirmed rumor.
Ang breaking point ng scandal na 'to ay no'ng nag-guest si Andreau sa Minutes With Beau Perez. 'Yon na ata ang pinaka-stressful na araw sa buhay ko bilang isang Dreauster. Notorious si Beau Perez sa kanyang no holds barred questions at sa show niya na-confirm ang ilan sa mga pinaka-nakakalokang chismis sa Pinoy showbiz. Make or break sa career ni Andreau ang guesting na 'yon. Aamin na ba siya (or sila ni Roldan) or hindi?
Hindi ko napanood sa TV ang live broadcast dahil nasa field trip kami ni Zade the whole day. Si Ate Mel pa nga ang nagbalita sa 'min na imbis na sagutin ni Andreau ang tanong na kung totoo ba na sila ni Roldan ang nasa picture at kung totoo ngang magjowa silang magbestfriend, Andreau chose to kept mum and he fucking walked out.
Sobrang bold move no'n. Never kong na-imagine na kinaya niyang gawin 'yon.
After that, mas lumala ang hate towards them sa social media. Sinisisi ng Dreausters ang management niya for not protecting him properly. Ang laking scandal pero walang ginagawang kahit ano, ni isang statement nganga.
Umabot pa sa puntong sila ang usap-usapan sa campus. I should know, kasi sa same university kami nag-aral. You'd think na magiging open minded ang mga estudyante ng isang state university sa ganitong isyu tungkol sa sexuality. Hah, think again. Kumalat sa campus ang chismis! Mula sa mga estudyante pati professors, may kani-kanilang say tungkol sa Andreau Cortez Scandal. Kesyo sobrang reckless daw ng dalawa for making out in a public place, na nakakahiya at nakakasira ng image ng school...blahblah. Ah basta, kahit matagal na 'yon umiinit pa rin ang ulo ko kapag naalala ko. Napaka-hypocrite lang nila.
Mas lumala ang usapan sa campus to the point na dumalas ang pag-absent nila sa mga klase. Paano ko nalaman? Malamang, galing din sa dormmates naming kaklase sina Andreau at Dan. May one time pa nga raw na hinabol sila ng isang tabloid reporter sa Starbucks for an ambush interview. Walang question and answer na naganap (of course) pero ang sabi-sabi, nagalit daw si Andreau at pinagbantaan na ipapapulis ang reporter. They had to change coffee shops after that para makaiwas sa mga chismosong walang magawa sa buhay.
BINABASA MO ANG
Too Busy Being Yours
ChickLitThe first time they met, Kesh hated Dan. The second time, Dan hit on her. The third time, they became friends. They were friends for a long time....until a stupid slip of tongue ruined everything. [The Spaces in Between spin-off]