happy birthday, kesh ;) (01/02)
*
Fake dating your friend is so fucking weird.
I know I shouldn't feel weird about this bilang ako 'tong bumigay sa pangungulit ni Dan. Sure, we've had sex a couple of times at dapat doon ako ma-weirduhan, 'di ba? Ewan ko ba kung bakit dito pa talaga sa lovey-dovey fake relationship ako kinikilabutan. I can rationalize the sex, but to actually pretend that we love each other that way? Yikes, mega cringe. Ito siguro ang epekto ng long term exposure kay Roldan del Rosario, madali akong nauuto.
Despite that, I was very thankful na pinaubaya sa 'kin ni Dan ang pagpa-plano ng buong fake relationship na ito. Wala kasi akong tiwala sa planning skills niya. Tatlong buwan din ng buhay ko ang itataya ko sa palabas na ito, might as well take the lead. Tsaka si Marianne del Rosario ang kakalabanin namin dito kaya kailangang foolproof at very convincing ng "love story" namin. 'Yung tipong mapapasabi ang lahat, lalo na ang closest friends namin, ng "Holy shit, kayo na talaga? Finally!"
Inabot kami ng lumang oras sa Tropical Hut noong gabing 'yon sa pagbi-brainstorm ng kalokohan niya. Wala akong pinalagpas na butas at detalye sa nakakalokang storyline na ito. Ang main goal namin ay mapaniwala ang mga tao sa paligid namin—officemates, friends, families— na, well, kami talaga. Pwede naman naming kausapin si Marianne at sabihing totoo nga ang press release ni Ninna sa kanya, but knowing her, iisa-isahin niya ang mga kaibigan namin to confirm the news. Gusto naming hindi maitatanggi ng kahit sino kapag nagtanong si Marianne tungkol sa "totoong" estado ng relationship namin. (Well, madali na ito sa karamihan sa acquaintances namin dahil they always assume na mag-boyfriend-girlfriend kami ni Dan sa first meetings namin. Hay.)
We've pretty much covered everything about our love story: from the initial "kailan mo na-realize na may gusto ko sa kanya" down to the "so paano mo sinabi sa kanya?" subplots, kayang-kaya naming sagutin 'yan. It's like we're building a script for a TV series na aabot ng 10 seasons sa dami ng na-cover naming detalye about our "relationship".
Crazy, I tell you. We're both crazy for doing this.
May sensible inputs naman si Dan, after all, he knows his mother best. Siya ang nag-suggest na dapat haluan namin ng ilang real-life happenings ang "love story" namin para kapani-paniwala na nahulog nga kami sa isa't isa. Chineck namin ang Instagram accounts ng isa't isa at nagulat kami na madalas pala kaming magkasama kahit saan all these years. Ginawan namin ng kwento ang ilang pictures na magkasama kami, na kunwari noong Japan trip namin five years ago (na himalang single kami pareho) unang beses sumagi sa isip ni Dan na "Ah, pwede pala." Or that picture na kinunan sa Mt. Pulag noong minsang nagoyo kami ni Mars na mag-hike, aka the moment na na-realize ko na "oh, baka may chance".
Building our fake relationship around the truth of our actual rel—friendship—was a smart move. Kailan nga ba hindi bumenta ang slow burn friends to lovers trope sa mga tao? Hello, living proof ng trope na ito ang best friends naming sina Andreau at Zade. Kahit tatanga-tanga silang dalawa noong una, naging super worth it naman sa dulo. Look how people practically devoured their love story throughout the years! Napaka-epic, #relationshipgoals nilang dalawa, and that's the exact love story na gugustuhin ni Marianne para sa kanyang baby boy.
Doon ko lang nakita ang sense ng pagpili sa 'kin ni Dan as his "girlfriend" for this one: mas kapani-paniwala na sa 'kin siya mahuhulog given our history and proximity. Sasakyan lang namin ang haka-haka at pag-"ship" sa 'min ng mga tao over the years. Kaunting reciprocate ng landi, more hangouts together, Instagram posts, and a shit ton of white lies...mairaraos din namin ang tatlong buwan na magka-relasyon kuno. Kailangan kong paghandaan nang mabuti ang mismong wedding nina Marianne—three days kami sa Balesin na kasama ang buong family ni Dan at ng mga kaibigan namin. Hay, marami-raming tatag ng loob ang iipunin ko for that day.
BINABASA MO ANG
Too Busy Being Yours
ChickLitThe first time they met, Kesh hated Dan. The second time, Dan hit on her. The third time, they became friends. They were friends for a long time....until a stupid slip of tongue ruined everything. [The Spaces in Between spin-off]