two

4K 188 33
                                    

I saw Dan again three weeks after the wedding, at feel na feel pa niya ang pagkanta ng I Want It That Way sa national TV on a Monday morning.

If you're thinking na isang CCTV footage ito ng lasing na Roldan del Rosario sa isang bar raid or something, sorry to disappoint, it's a firm no. Sayang, that would be so hilarious at top tier blackmail material pa naman.

Actually, trabaho niya yan.

Not exactly singing because let's be real, sobrang sakit sa tenga ng boses ni Roldan del Rosario. Mas pipiliin ko pang kumanta si Andreau than him so that says a lot already.

Who would've thought na magiging morning show talk host itong kaibigan ko?

We'd never entertained that idea in a million years kahit sa production siya nagta-trabaho, yet here we are. That's his sixth career change since he started working a decade ago.

One year and a half na siyang regular host sa Gandang Umaga, Pinas, at ganoon katagal ko na rin siyang pinapanood sa bus kapag papasok ako sa trabaho tuwing umaga. Until now mixed feelings pa rin ako na uma-umaga ko siyang nakikita sa TV. I'd seen him before on TV naman, sa dating award-winning documentary show every Friday night na kung saan Executive Producer/host siya. He did a tremendous job back then, and I'm proud to say na wala akong namiss na episode no'n kahit busy ako sa trabaho.

Iba lang 'tong sa GUP kasi, grabe, the things I'd seen him do in this morning show...so priceless. Bukod sa news anchor siya at may sariling feature segments, minsan napapagtripan niyang gumawa ng kung anu-anong kalokohan on national TV. Like that one time na sinubukan niyang magluto ng sisig tapos nasunog yung apron niya (my god, sobrang kalat no'n i missed my stop sa kakatawa sa panic state ni Dan), or that one unforgettable time na napa-tangina siya while doing the national elections news. Basta, ang dami pa niyang kalokohan as a talk show host I've lost count.

And now, this. Sinisira niya ang eardrums ng mga manonood ng GUP.

Hirap talaga kumita ng pera.

Napatakip na lang ako ng mukha nang pinilit niyang abutin ang mataas na part at second voice ng bridge. Ang gwapo pa naman niya sa outfit niya today, with that olive green cardigan and jeans. Sana naka-mute na lang ang TV para 'di ma-turn off sa boses niya ang tao rito. Sayang ang porma niya, eh. Tumawa tuloy ang ilang pasahero rito sa bus na sinasakyan ko sa kalokohan ni Dan.

I couldn't bear to look at the TV sa sobrang lala ng secondhand embarrassment ko. 7:35 am pa lang pero goodness, pinagod ako ng performance ni Dan.

I don't know that guy. Nope.

Ngiting-ngiti pa ang loko after ng performance niya. "Grabe, ang hirap pala maging singer," biro niya sabay bow sa studio audience. Pati ang co-hosts niya todo cheer sa ginawa niya. Ang pa-plastic naman! "Thank you po sa inyong lahat. Sana ito na po ang daan para maging recording artist na ako."

Hay, pasalamat siya na gwapo at charismatic siya, pinapalagpas lang ng mga tao ang kalokohan niya.

"O, 'yung mga bababa ng Makati Med dyan! Tropical!" sigaw ng konduktor ng bus na sinasakyan ko. I almost forgot na malapit na akong bumaba, thanks to Dan.

Agad akong tumayo sa kinauupuan ko nang matanaw ko na ang Tropical Hut na malapit sa bus stop. Hay, another work week na naman. Ang dami kong meetings at deadline this week na 'di pwedeng ipagpaliban. Hindi pa ready ang katawan ko na sumabak ulit sa trabaho.

Isang nakangising Dan del Rosario ang nakita ko sa screen bago ako bumaba ng bus. Kasalanan ng panget niyang boses kapag minalas ako today.

Unlike Dan, I've had the same job for eight years now.

Too Busy Being YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon