Tell me, weird ba na may favorites ako sa exes ng mga kaibigan ko? Kasi si Mars takang-taka kung bakit ganito ako. Sa lahat daw ng mga kaibigan niya, ako lang daw ang kilala niyang ginagawa 'to. Why do I even bother daw eh tapos na ang relationship, at dapat magfocus na lang ako sa friends ko. Nasaan daw ang loyalty ko, at ang pressing question: don't you find it awkward, kesh? kasi ako i would never ever be friends with serge. i don't really get it.
(Okay, may exemptions ito ha. Douchebag exes like Serge don't count.)
I just couldn't help it. I'm that annoying friend na kumikilatis at kumakaibigan ng mga nakakarelasyon ng friends ko. Sakit ko na ata 'to bilang chismosa, eh. Gusto ko lang makasigurado na mapupunta ang mga kaibigan ko sa tamang tao, okay? Shameless admission na rin na Super Mom Friend ako kaya minsan, ako pa ang mas naa-attach sa exes kaysa sa mismong kaibigan ko. Kaya some of my friends introduce their potential jowas to me bago sila maging seryoso. Take Barbs, for example. Dumaan muna lahat sa 'kin ang mga naka-date niya nitong nakaraan. Kung walang Kesh Manzano seal of approval, bye!
I've met all of Dan's ex girlfriends — sometimes by choice, mostly napilitan — and to be completely honest, hindi ko nakasundo ang karamihan sa kanila. Hindi lang talaga namin bet ang isa't isa. Pinakisamahan lang nila ako during their relationship at after ng break up, doon lumabas ang lahat ng mga masasamang tinapay nila sa 'kin.
(Best example nito ay si Syd na binlock ako sa lahat ng social media accounts niya the night Dan broke up with her. Ito pa ang nakakatawa, ako lang ang blocked pero ang ex-boyfriend niya hindi. Insecure much?)
Ang feeling ni Mars medyo nai-intimidate ang mga babaeng 'yon sa closeness namin ni Dan. Intimidate ang word choice niya, but for Andreau and Zade, mas appropriate raw ang term na selos.
Natawa na lang ako sa selos kasi, really, sa 'kin pa talaga? I blame it on Dan's taste in women. He has this...type. I really don't know how to put this into words without dissing him (hah) but...Dan likes to date someone like him. Basta, gano'n siya. May underlying na narcissism din but that's for another discussion (na ikagagalit lang niya haha).
But Ruth wasn't like those mean, insecure exes. Kaya siya ang paborito kong ex ni Dan at magkaibigan pa rin kami hanggang ngayon.
Honestly, favorite ng barkada namin si Ruth. Bukod sa siya ang longest relationship ni Dan after Dianne, sa tingin namin, siya ang pinakaminahal ng kaibigan namin among his exes.
Pinakaminahal wasn't an exaggeration kasi totoo 'yon.
Paano naman kasi, Dan broke his ultimate dating rules for Ruth. Dalawang rules lang 'yon, na pinagtibay ng ilang taon ng kakapalan ng mukha, ego, at sige na nga, restraint, pero noong dumating si Ruth sa buhay niya, nalimutan niya agad.
One, Dan never believed in dating apps. Mas gusto pa rin niya ang traditional meet cutes sa bars or through friend of a friend, kasi for him, mas importante sa kanya ang physical connection—or that electricity kapag nagtama ang mga mata or something. He'd even ridiculed me noong sinubukan ko ang Tinder after naming magbreak ni Serge. That, and mas gusto niyang lumandi in person kaysa sa chat.
Then one day habang busy ako sa pag-aayos ng employment requirements ko, ginulat na lang niya ako nang nagpatulong siya sa 'kin na gumawa ng Tinder bio niya.
Nagkaroon daw siya ng sudden epiphany na baka Tinder ang sagot sa naghihingalong love life niya. He'd been dating on and off for two years at that time, at nasa same circle lang halos ang mga naka-date niya. Wala na ang thrill ng meet cute, Psychs! I wanna try something new were his exact words.
As the ever supportive friend, ginawan ko siya ng pangmalakasan na Tinder bio. Sabi ko, simple lang dapat pero may dating. Catchy. Straight to the point at charming.
BINABASA MO ANG
Too Busy Being Yours
ChickLitThe first time they met, Kesh hated Dan. The second time, Dan hit on her. The third time, they became friends. They were friends for a long time....until a stupid slip of tongue ruined everything. [The Spaces in Between spin-off]