Chapter 10 (1 of 2)

13.3K 523 43
                                    


"Uncle Declan, where's your house? Where's your house, Uncle Declan?" Halos tumalon-talon si Anaya sa car seat nito habang pilit sumisilip sa bintana ng SUV.

Sa likod nila sa cargo area, tumahol- tahol si Bamboo at nag-meow naman si Ningning.

Nang sinabi ni Declan na silang tatlo lang nina Anaya ang pupunta sa bahay nito, siyempre awtomatikong kasama roon ang aso at pusa ng anak niya. They were The Three Musketeers: One for all, all for one. Yes, even the grumpy Ningning.

"It's above the shop, princess." Huminto si Declan sa likod ng shop sa tapat ng isang flat white steel garage door. May pinindot ito sa rearview mirror nito at bumukas pataas ang garage door. Pinaandar ulit ni Declan ang sasakyan papasok.

He parked beside a sleek black Aston Martin and killed the engine. May black pick-up truck at motorsiklo sa tabi ng luxury sports car.

"We're here."

Lumabas sila ng SUV at pinakawalan ang mga alaga. Kinarga niya si Ningning at kinarga naman ni Declan si Anaya habang dala-dala nito ang overnight bag nila. May pinto sa gilid ng garage door papasok din sa garahe, at sa gilid noon ang hagdan paakyat.

Pagkaakyat nila, Declan entered his code on the security panel beside the door and pressed his thumb on the plate.

Sinulyapan siya ng lalaki. "I'll give you the code, and we'll program your thumb print later."

Tumango siya, hindi pinansin ang bigat sa sikmura.

They'd been polite and civil throughout the ride to his house with their baby's incessant chatter serving as backdrop. But the air of stress remained humming between them, and it did not help that she could feel him between her thighs whenever she moved.

He hadn't even f*cked her fully, but the lingering feel of his large c*ck inside her was a nagging ache she couldn't ignore.

Itinulak ng lalaki pabukas ang pinto, at agad tumakbo si Bamboo papasok.

His flat was an industrial type bachelor pad. Derecho, mataas ang kisame, maluwag, simple, at maskulado. The exposed brick walls were stone gray, while the floor was sanded hardwood. May malaki itong navy blue sectional sofa at may malaki ring kahoy na coffee table sa tapat. May entertainment system ito sa isang dulong dingding, at sa tabi noon ay isang console na puno ng mga larawan ng pamilya nito. A bank of large windows lined the right wall, revealing a view of the streets below. Derecho ang living area sa dining at kitchen kung saan may mahabang farm house table at benches. Pero sa kaliwa sa puno ng hapag ay isang purple high chair.

Anaya squealed when she saw the chair and scrambled to climb down from Declan.

"My chair, Uncle Declan, my chair!"

Tumawa ang lalaki at ibinaba ang anak niya. Ibinaba rin nito ang kanilang bag sa coffee table. Kumaripas ng takbo si Anaya papunta sa high chair, at siyempre, tumatahol-tahol na tumakbo si Bamboo kasunod nito.

Ibinaba na rin niya ang nagme-meow na pusa.

Sa tapat ng dining table ay ang dark gray granite island kung saan may mga wooden stools. Sa likod niyon ay ang stainless steel refrigerator at cabinets at gas range. Naroon din ang pinto ng sa tingin niya ay banyo.

Sa kanyang kaliwa ay tatlong pinto ng sa tingin niya ay silid ni Declan, guest room at opisina nito.

"Let's go, Princess, let me show you your room."

Napasinghap ang anak at napalingon sa kanila, namimilog ang mga mata. "My room?"

Kahit siya ay napamaang. Ang lawak ng ngisi ni Declan. "Yep, baby girl. Let's go."

All That I AmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon