Chapter 15

12.8K 506 33
                                    


Mga alas siete y media ng umaga, dumating si Krissy sa pad ni Declan para kulitin ang lalaki tungkol sa birthday party nito.

"Uncle, sige na, dun na rin ako magse-celebrate."

Nakasimangot na inahon ni Declan ang tocino sa pan at inilagay sa plato. Nakapag-shower na ito at nakasuot ng itim na track pants at gray na kamiseta. Nag-shower na rin siya at nakasuot ng plain yellow maxi dress. Kriselda was cute in her jean skirt and off shoulder blue top. Nasa roof deck si Anaya kasama si Nanay Elma para pakainin ang mga isda. Nagdede na ito ng gatas kaninang umaga bago bumangon kaya hindi pa gutom.

"Sige na, Uncle" pilit ni Krissy. "Puros mga kakilala naman natin ang iimbitahan ko."

Still frowning, he glanced at her. Her lips curved as she stared back at him.

Bumuga ito ng hangin. "Alright."

Napasigaw sa tuwa ang dalagita. "Ohmaygad! Thank you, Uncle!" Napatakbo ito paikot sa counter para yakapin si Declan. "Thank you, Uncle! Thank you talaga! Promise, mabait lahat ng iimbitahan ko."

Inikot ng lalaki ang mga mata, at hindi niya napigil ang pagtawa.

Bumaling sa kanya si Kriselda. "Ate Vera, pasama ako sa mall. Bibili ako ng outfit para sa party."

Ngumiti siya sa dalagita. "Sure. My treat, it's my gift to you."

Namilog ang mga mata ng anak-anakan ni Declan. "Thank you, Ate–"

"No, you won't," kontra ng ama ng anak niya. Dinukot nito ang wallet sa bulsa at nilabas doon ang isang itim na credit card at ibinigay sa kanya. "Use this card."

"There's no need, Declan, it's my gift–"

"Don't know much about women's clothes, but from the price of my own clothes, buying a whole sh*t for some party would cost at least thirty grand." Binuksan nito ang isang cabinet sa taas ng sink at kumuha roon ng mga plato. "And I want you to use that card for all of Anaya's expenses, too. And I mean everything, Vera. Tuition fees, milk, diaper, mansanilya, vaccines, clothes, toys, everything."

Nagsalubong ang mga kilay niya. "Declan, you don't have to pay for everything."

Nakangiting umatras si Kriselda sa kanila. "Mukhang malalim na usapan po ito. Puntahan ko po muna sa taas si ganda." At sumibat ang dalaga paakayat sa roof deck.

Inilapag ni Declan ang mga plato sa counter at pinagkrus ang maskulado nitong mga braso. "Wala 'kong nabigay kay Anaya sa unang tatlong taon ng buhay niya. You need to let me pay for everything for at least the next four years to help me make up for it. I need it, Vera."

Tumiim labi siya. May pakiramdam siyang hindi ito papatinag sa disisyon nito.

Marahan siyang tumango. "Okay, Declan."

Mukhang nakahinga ito nang maluwag. "Thank you."

"But you don't have to pay for Krissy's outfit. 'Yon na ang regalo ko sa kanya."

"May regalo ka na sa kanya. You convinced me to let her celebrate her birthday in the club. And giving her a thirty thousand gift on top of that is ridiculous. Paano si Leo? Bibigyan mo rin ng thirty thousand na regalo? Not happening."

"Hindi naman kailangang umabot ng 30k. P'wede naming tipirin at gawing mga 10k lang."

"I want Kriselda to buy what she wants without thinking too much about the price, I don't want either of you to be awkward while shopping."

Well, may point ito. "Okay, you have a point. Ano'ng regalo mo sa kanila?"

"I got both of them a car."

All That I AmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon