Chapter 11 (1 of 3)

11.7K 549 60
                                    


"Lola Tonia!" Kumaripas ng takbo si Anaya pagkababa na pagkababa nila ng sasakyan nang makita nito si Mrs. Reyes sa gitna ng hardin.

Agad lumuhod ang ginang at mahigpit na yumakap sa anak niya pagkalapit ng huli.

"Missed you, Lola Tonia, missed you!"

Humigpit ang yakap ng matanda. "Apo..."

Tuluyan na silang bumaba rin nina Declan at Nanay Elma ng SUV at pinakawalan din ang mga alaga mula sa cargo area.

Nagtaas siya ng tingin kay Declan. Nakataas ang sulok ng mga labi nito habang nakatitig sa mag-lola.

Pangatlong araw 'yon mula nang sabihin nila kay Anaya na si Declan ang tatay nito.

Nang umuwi sila ng anak sa farm mula sa apartment ni Declan, dumerecho ang lalaki sa lola nito para sabihin ang katotohanan tungkol kay Anaya.

Tumawag si Declan kinagabihan sa kanya para sabihin ang reaksyon ni Mrs. Reyes.

"She was shocked, as expected," k'wento ng lalaki. "And ashamed. Tama si Krissy, Gigi spouted bullsh*t about you. 'Yon ang dahilan kaya malamig si lola sa 'yo nung huli ninyong bisita."

Napatitig siya sa tanawin sa labas ng bintana ng kanyang silid. "Ano'ng sinabi ni Gigi?"

"Don't even want to repeat it."

"Declan," saad niya.

"She said you wanted money from me so you're trying to get close to me and my family. Spouted shit like you're a spoiled rich girl who wanted to use me for sh*ts and giggles. I would have fired her but lola begged me not to. I transferred her to the office in Bolinao. I don't want her working close to us."

"I think she has a crush on you, or maybe even in love with you."

Marahas na tumawa ang kausap. "That's an excuse? We never had anything outside of employee and employer relationship. And f*ck love, that didn't give her rights to talk bullsh*t about other people."

Tama ito, siyempre.

"Sinabi mo rin kina Krissy ang totoo?"

"No. Kay lola lang. The twins and the rest will have the same version as everybody else."

'Yon marahil ang mas makakabuti. Mas kaunti ang nakakaalam, mas ligtas ang sikreto.

"The only people who know the truth about Anaya in my family are my parents, Raviel, Nanay Elma and Arthur."

"The less people who know, the better," pagsaboses ng kausap sa iniisip niya. "My lola's ashamed, Vera," saad ni Declan sa mababang boses. "She's feels sh*tty for the way she treated you."

"It's okay, tell her not to worry about it. Anaya misses her."

Bumuntong hininga ang kausap. "Lola misses her, too."

At ngayon ay itinaas ng lola ni Declan ang luhaang mga mata sa kanya.

Inabot siya nito. "Vera."

Agad siyang lumapit, lumuhod sa tabi nito at ng anak niya at ginagap ang kamay nito. "Hello, Mrs. Reyes."

Nanginginig ang mga labi na tumango ang matanda. "S-salamat, ha? Pasensya ka na, ha?"

"It's okay, Mrs. Reyes. Pasok na po tayo sa loob."

"I have a surprise for you, Lola Tonia! Look! Look!" Dinukot ng anak ang kung ano mula sa bulsa ng pink shorts nito.

Thankfully, isang yellow paper origami lang 'yon ng isang bulaklak.

All That I AmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon