"Divine! oi bat nakatulala ka dyan!??" - Nica
Tinapik siya ni Nica, kapitbahay nila, hindi niya namalayan na nasa bahay na pala siya. Nakatayo siyang mag isa sa harap ng bahay ng kanyang lola. At hindi niya alam kung paano siya nakauwi..
"Kanina ka pa ba dito?" - Divine
"Napadaan lang, bakit ka nga pala nakatayo dyan para kang lutang, saka sino nga pala yung kasama mong babae na mahaba ang buhok." - Nica
"Huh? s-sinong babae??.." - Divine
"Ewan ko, hindi ko makita yung mukha, kasama mo kaya siyang naglalakad pauwi dito tapos biglang nawala ng parang bula, teka ano bang nangyari sayo???" - Nica
"W-wala, ewan ko, sige papasok na ko." - Divine
Pumasok na si Divine sa loob at nagtataka si Nica sa kinikilos ni Divine.
"Ang weird nya talaga at nakakatakot." - Nica
Napakalaki at sobrang dilim sa loob ng bahay at ng lola ni Divine, kandila at lampara lang ang kanilang ilaw, ang ilaw ay pundi, ang iba naman ay nagpapatay-sindi, sa kwarto lang ng kanyang lola mayroong ilaw na gumagana. alas-8 na ng gabi siya nakauwi, pinuntahan niya ang kanyang lola sa kanyang kwarto na laging nag-gagantsilyo (crochet).
"Lola, nandito na ho ako.." Pumasok siya at nagmano
"Bat ngayon ka lang nakauwi? gabing-gabi na, kumain ka na, nakahain na ang pagkain sa kusina.."
"Eh marami pa ho kasi akong ginawa sa school, sige ho papasok sa ko sa kwarto ko, tatapusin ko lang po ang assignment ko.."
Napakaraming sapot, alikabok, at tila kay lungkot ng kanilang bahay, pero nasanay na si Divine dito. Pumasok na siya sa kwarto at itinuloy ang kanyang assignment. Binuksan niya ang lampara.
Napansin niya ang kanyang ginawang assignment, nagkaroon ng tuyong dugo sa papel. Hindi niya ito pinansin at pinagpatuloy niya ang pagsulat.
Pagkatapos ay bumaba siya para kumain sa kusina, habang bumababa siya sa hagdan ay may naririnig siyang mahinang yabag, parang may sumusunod sa kanya sa pagbaba, baka ang alaga lang nilang pusa..
Kumain na siya ng hapunan at naghugas ng pinagkainan.
"Lalalala... mmm lala...."
May narinig siyang boses ng batang kumakanta habang siya ay naghuhugas, kinabahan nanaman siya dahil siya lang naman ang nasa kusina..
Paglingon niya ay ang radyo lang pala nila na nakabukas, pero hindi naman iyon nakabukas kanina.
Pagkatapos niyang maghugas ay may narinig naman siyang kumalabog sa may bodega. Nakasarado ang kanilang bodega at hindi na binubuksan. Baka may daga lang sa kanilang bodega.
Umakyat na siya ulit sa kanyang kwarto at bago siya matulog ay nagbabasa siya ng aklat dahil hindi pa siya inaantok. Napakaliwanag ng buwan at kitang kita iyon sa nakasaradong bintana nila.
Lumakas na naman ang ihip ng hangin, nabuksan ang bintana at biglang namatay ang lampara. Tinago na niya ang libro at nahiga na siya. Habang siya ay nakahiga ay may nararamdaman siya na may katabi siya sa kama. Ayaw niyang humarap at nagtalukbong nalang siya ng kumot hanggang sa dalawin na siya ng antok.
Sino kaya ang katabi ni Divine?...
---------------------------------------------------------------------------------------
( ゜∀゜)彡
♥ Vote ♥ Comment
(づ ̄ ³ ̄)づ Fan nyo nman aq oh xD iffan q rin kau
( ^ω^) Solomots!
ⓘ ⓛⓞⓥⓔ ⓨⓞⓤ
♥ Chocolate_Mint ♥
/l、
(゚、 。 7
l、 ~ヽ
じしf_, )ノ

BINABASA MO ANG
Loner
HorrorLagi ka bang mag-isa? O kaya naman ay naiiwan kang mag-isa? Huwag kang mag-alala hindi ka nag-iisa, baka nandyan lang sila, nagmamasid, nagbabantay, at katabi ka.