Chapter 1 - "Classroom"

313 7 3
                                        

"Oi Divine hindi ka pa ba uuwi? sa bahay niyo na yan gawin, bukas pa naman yan ipapasa eh." - Liza

"Kailangan ko nang tapusin 'to, marami pa kasi akong gagawin sa bahay eh." - Divine

"Sige uuwi na kami, ilock mo nalang yung pinto pag-alis mo." -Liza

Umalis na si Liza, ako na lang ang naiwan sa classroom, mas gusto ko kasi yung mapag-isa, yung walang istorbo, tahimik. Tinatapos ko pa ang assignment namin, ulila na ako, wala na akong mga magulang, nakatira ako sa matandang bahay ng aking lola.

Habang nag-susulat ako ay may naririnig akong may tila sumusulat sa blackboard, hindi ko ito pinansin dahil kailangan ko na agad itong matapos dahil malapit ng dumilim sa labas.

Biglang lumamig ang paligid, parang hindi naman galing ang ihip ng hangin sa aircon. Tumaas ang balahibo ko. Mas binilisan ko pa ang pagsulat, bigla namang nawalan ng tinta ang ballpen ko, tapos ay may nararamdaman akong kakaiba sa likuran ko.

Biglang may bumulong sa tenga ko..

"Tapos ka na ba?.."

Napalingon ako sa likod ko, pero wala namang tao. Kakaiba ang naramdaman ko, napakalamig ng hininga ng bumulong sa akin, lumabas na lang ako ng classroom, itutuloy ko na lang ito sa amin..

Pero bago ko sinara yung pinto ay may napansin akong anino sa may bintana.

"Hala, ang dilim na agad.." Tiningnan ko ang relo ko, 6:00 pm..

Pero bago ako bumaba ng hagdan ay may narinig akong nagsasalita, sa kabilang room.. Ang lakas ng boses at nagtataka ako kung bakit hindi pa sila umuuwi... Baka may meeting lang siguro..

Sumilip ako sa bintana, hindi ko inaasahan ang nakita ko..

Puro sila walang mukha, hindi ako makasigaw, lumakas ang tibok ng puso ko.. Mas lalo akong nanginig ng tumingin silang lahat sa akin. Agad akong tumakbo pababa ng hagdan.

"Sumama ka samin, Divine.." Nakakabinging boses ang naririnig ko habang bumababa.

 Tinakpan ko nalang ang tenga ko, sa wakas nakababa na rin ako. Nakita ko ang gwardya sa gate, hihingi sana ako ng tulong..

"K-Kuya!! kuya!!" Tinawag ko siya.

Nakatalikod pa rin siya, hindi niya ata ako naririnig, lumapit ako sa kanya at kinabahan nanaman ako..

Umikot ang ulo niya paharap sakin..

"Anong kailangan mo???...." nakangisi ang kanyang mukha, at bigla na lang dumilim ang paningin ko..

 ---------------------------------------------------------------------------------------

( ゜∀゜)彡

♥ Vote ♥ Comment

(づ ̄ ³ ̄)づ  Fan nyo nman aq oh xD iffan q rin kau

( ^ω^) Solomots!

ⓘ ⓛⓞⓥⓔ ⓨⓞⓤ

♥ Chocolate_Mint ♥

  /l、

(゚、 。 7

 l、 ~ヽ

 じしf_, )ノ

LonerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon